Lihim na napa-ngisi si Raven nang makita kung papaanong nagsalubong ang mga kilay ni Gazi nang mapatingin sa maliit na paperbag na ini-aabot niya rito.
Paperbag iyon ng isang mamahaling brand ng mobile phone, sa loob ay naroon ang brand new at latest model ng cellphone, which he ordered directly from its online store. Dalawang araw lang ang hinintay niya at dumating din iyon.
And Gazi— seemed to be unhappy.
“I can’t accept that,” tanggi nito bago siya muling tingalain. “This phone is too much. Ang fee ko araw-araw ay—“
“I need you to accept this,” mariin niyang sambit.
Umiling si Gazi. “I don’t accept gifts from—“
“A stranger?” he smirked. “Mahigit isang buwan na tayong araw-araw na magkasama, estranghero pa rin ang tingin mo sa akin?”
Sunud-sunod itong umiling. Pansin niyang may kakaiba sa anyo nito— sa ekspresyon ng mukha nito na hindi niya kayang bigyan ng pangalan. “Hindi ako tumatanggap ng regalo sa kahit na kaninong lalaki. Lalo na sa’yo. Marami ka nang naitulong—“
“And I will keep helping until you and your brother are both safe and happy—”
“Rave, please, h’wag mo nang dagdagan ang utang na loob ko sa’yo.”
He was stunned— not with what she said, but with the way she spoke his name.
Iyon ang unang beses na tinawag siya nito sa pangalan niya, at pakiramdam niya’y biglang nalaglag ang puso niya. It sounded so sweet and gentle— and he couldn’t help himself but think of rainbows and butterflies—and of flower field and sunshine.
“Can you say that again?” he requested.
Kinunutan ng noo si Gazi, at sa naguguluhang tinig ay, “Alin? Ang h’wag mo nang dagdagan ang utang na loob ko sa’yo?”
He shook his head softly. “No. Can you say my name again?”
Gazi’s frown deepened. “Rave…?”
And that’s when he released a pleasant smile. Pakiramdam niya’y hinugasan ang buong pagkatao niya sa pagkakabanggit nito sa kaniyang pangalan.
I don’t know what’s happening or what exactly I feel for her, but one thing’s for sure— I like what I feel towards this woman.
“I like it when you say my name,” he admitted. “Can you do that more often?”
Umiwas ng tingin si Gazi at itinuon ang pansin sa ilog. Kasalukuyan silang naroon sa tulay, at doon niya napiling i-abot dito ang regalo niya.
“Please don’t force me to accept your gift. Tirhan mo ako ng kaunting pride.”
Napabuntong-hininga siya bago masuyong kinuha ang kamay nito saka ibinigay rito ang hawak niyang paperbag. “Consider this as part of your daily duty. Kapag may kailangan akong sabihin sa’yo ay tatawagan na lang kita, o kung may kailangan ka na makatutulong ako’y tawagan mo lang ako gamit ‘yan. Also, remember that day na ginabi ka sa paghihintay sa akin dahil nasangkot ako sa gulo? Hindi na mauulit iyon. Because using this phone, we can communicate better.”
“But—“
“No buts, Gazi. I’ll wait for your call tonight. Ring me up and let me know once you get home.”
Niyuko nito ang paperbag at matagal iyong tinitigan. Habang siya nama’y pinagsawa rin ang sarili sa pagtitig sa magandang mukha nito. He liked watching her without her knowing. He really felt like a teenage boy— gaping at his crush.
Nang mag-angat ng tingin sa kaniya si Gazi ay bigla siyang kinunutan ng noo at sandaling natigalgal nang makitang may munting mga luha sa magkabilang gilid ng mga mata nito. Kung anong saya ang naramdaman niya kanina nang marinig itong tinawag ang pangalan niya ay siyang pag-aalala naman ang naramdaman niya nang makita itong may luha sa mga mata.
“What’s… wrong?”
Her cheeks turned red and her lips shook as she tried to stop herself from crying. Nagulat na lamang siya nang biglang umangat ang kamay nito at bahagya siyang tinulak sa dibdib. “Nakakainis ang pagiging mabait mo!”
“Ha?”
Subalit hindi na ito muling nagsalita. Yumuko ito at inis na ikinuskos ang braso sa mga mata upang alisin ang mga namuong luha roon. Ilang sandali pa’y huminga ito ng malalim at nang muling mag-angat ng ulo’y nagpakawala ng masamang tingin sa kaniya.
“Hihiramin ko lang ‘tong cellphone sa’yo— ibabalik ko rin kapag nabilhan na ako ni Mommy, o kung nawalan ka na ng ganang tulungan ako.”
“That won’t happen—“
“You never know.” Iyon lang at itinuloy na nito ang paglalakad at nilampasan siya.
“Hey, where are you going?”
“Uuwi na, malamang!”
“It’s only five in the afternoon.”
Huminto ito at sandaling nag-isip. Ilang sandali pa’y humarap muli sa kaniya at, “May oven ba kayo sa bahay niyo?”
Humalukipkip siya at naka-kunot ang noong nagtanong. “Yes. Why?”
Nagkibit-balikat ito. At imbes na sagutin ang tanong niya ay, “May harina kayo roon? Chocolate, butter, and eggs?”
“Why are you asking? Plano mo bang—“
“Let’s go to your house. I’ll bake you brownies.”
Bahaw siyang ngumiti. “Why would you even do that for me?”
“Ayaw mo ba?” she asked while raising an eyebrow.
“Hindi naman sa ganoon, kaya lang ay—“
“Kapag tumanggi ka’y ibabalik ko sa’yo ‘tong cellphone na ‘to.”
Napa-buntong hininga siya. He liked having her in his house, pero hindi niya alam kung tamang magpunta roon lagi si Gazi. Nag-aalala siyang baka kung ano ang isipin ng mga kapitbahay nila tungkol rito. At nangangamba siyang kapag nalaman ng mommy nito na pumunta na naman ito sa kanila ay baka pagalitan ito at hindi na payagang makipag-kaibigan sa kaniya.
But then… he would like to spend more time with her, so why not? Wala naman silang gagawing masama roon. Isa pa’y maya-maya ay naroon na rin ang mama niya. Kapag nagalit na naman ang mommy ni Gazi ay siya ang magpapaliwanang— easy-peasy.
“Okay, but you have to go home before seven, or else, magagalit na naman ang mommy mo sa’yo,” paalala niya rito na sinagot lang ni Gazi ng ismid.
*
*
*
Napa-ngiti si Raven habang pinapanood si Gazi at ang mama niya na nasa living room. Ang mama niya ay tinuturuan ang dalaga na mag-gansilyo— and Gazi was watching intently, as if she was really keen to learn.
Wala pang kalahating oras simula nang maka-uwi siya kasama si Gazi ay dumating naman ang ina niya. Natuwa ito nang makita ang dalaga— he noticed that his mother was so fond of her. Kahit noong unang beses na naroon si Gazi ay naging malapit kaagad ang mama niya rito.
Although Gazi had reservations, she was actually polite and sweet towards his mother. Hindi katulad kapag siya naman ang kasama o kaharap.
Kaya naman nang muling datnan doon ng mommy niya ang dalaga ay nagalak ito, lalo nang malaman nitong may naka-salang na chocolate brownies sa oven.
His mother was a great cook, but baking was her weakness. She’s never perfected baking, kahit subukan nito ay hirap talagang magtantiya ang mommy niya. At habang naka-salang pa sa oven ang brownies ay nag-umpisang magluto ang mommy niya, and Gazi presented to help.
Habang siya nama’y naroon lang sa gilid ng pinto ng kusina at nakahalukipkip na pinanood ang dalawa.
He couldn’t intervene— those two wouldn’t allow him. Kaya nanood na lang siya.
They ate early dinner. At matapos iyon ay inutusan siya ng mommy niya na maglinis ng kusina at maghugas ng mga pinagkainan bago nito niyaya si Gazi na magtungo sa sala upang turuan itong mag-gansilyo.
He couldn’t help but smile as he watched the two women who mattered to him.
Yes, they both mattered— Gazi became someone who really mattered to him. At hindi pa nangyari iyon kahit kailan— sa kahit na kaninong babaeng nakilala niya.
Maliban sa iyon ang unang beses na nagdala siya ng babae sa bahay nila at nakilala ng mommy niya, ay iyon din ang unang beses na nakisalamuha siya sa babae nang hindi nauuwi sa kama.
Gazi was different— and he didn’t want to treat her like the other women who came before her. She was… extraordinary— and that’s what she liked about her.
She was never affected by his charm. At alam niyang totoong hindi ito nadadala sa gandang-lalaki niya. She was simply… uninterested. Because she had a goal and that’s what mattered to her.
She was also strong and brave. Kahit ano ay susuongin para makatulong sa pamilya—sa kapatid.
She was mysterious and intriguing— pakiramdam niya’y tumutuklas siya ng isang mahiwagang bagay na hindi pa nagawang tuklasin ng mga siyentipiko.
And she’s a one hell of a gorgeous woman. She was very beautiful— kahit na kung kumilos ito minsan at magsalita ay parang lalaki. There were times na para itong lalaki kung umasta, but there were also times where he would notice the classiness in her.
Nagpakawala siya ng malalim na paghinga, inalis ang tingin sa dalagang tutok na tutok sa kausap, at sinulyapan ang oras sa relos. Two minutes before seven.
Damn it, hindi na naman niya namalayan ang oras.
Ibinalik niya ang tingin sa dalawang nasa living room. “Hey, it’s almost seven. Ihahatatid na kita sa inyo.”
Biglang napatayo si Gazi nang marinig ang sinabi niya. Pinagpagan nito ang palda at hinablot ang backpack na nasa couch bago hinarap ang ina niya. “Thank you for having me here again, Ma’am. And thank you for the delicious meal. Kailangan ko na pong umuwi.”
“Oh.” Nakakunawang tumango ang mommy niya. Binitiwan nito ang ginagawa saka tumayo rin. “Please come back whenever you can, hija. It’s different to have someone other than my son in this house.”
“Gusto niyo po bang dito ako araw-araw?”
Nagulat siya nang marinig ang sinabing iyon ng dalaga. He never thought she liked it there— Gazi must have found comfort in their house.
Nagalak naman ang ina niya. “Please do, hija. Mas masayang kumain ng hapunan na kasama ka. Raven doesn’t talk much during meal, kaya mas matutuwa akong sasaluhan mo kami lagi.”
Pleased, Gazi smiled sweetly— catching him off guard.
“Sige po, Ma’am. Dadalasan ko ang pagpunta rito sa inyo.”
“And please don’t call me Ma’am anymore, hija. Call me Tita Viki.”
Nakangiting tumango si Gazi at nagpaalam na.
*
*
*
Tahimik ang kalsada at wala nang gaanong mga tao. Sa mga oras na iyon ay nasa loob na ng kani-kanilang mga tirahan ang lahat at nagpapahinga kasama ang pamilya— which was normal in a rural place like San Guillermo.
Sa mahabang sandali ay pareho lang silang tahimik na dalawa habang naglalakad, hanggang sa marating nila ang crossing malapit sa tulay.
“Hindi mo ako kailangang ihatid sa bahay. Kahit hanggang kanto na lang.”
“And if I insist?”
Gazi released an irritated sigh. “Baka gusto mong bigyan ako ng privacy? Pati ba naman kinaroroonan ng bahay ko’y kailangan mong panghimasukan?”
“All I wanted was to make sure you get home safely.”
“Mahigit isang buwan na akong umuuwi ng ganitong oras— anong bago roon? Besides, safe ang kalsadang dinadaanan ko. May chapel doon at may magkakatabing karinderya na bukas beinte-cuatro oras— mababait ang mga tao roon at kilala na ako. I will be fine.”
He grinned. “Alright. But promise to call me when you get home.”
“Yes, Master,” she mocked while rolling her eyes.
He chuckled and didn’t bother to answer back. Itinuloy pa nila ang tahimik na paglalakad, hanggang sa marating nila ang kanto.
Doon lang siya muling nagsalita. “Pwede ba akong magtanong?”
“Kapag sinabi ko bang hindi ay ititikom mo iyang bibig mo?”
Napa-ngisi siya. Gazi’s savagery never ceased to amaze him. “No, I will ask you anyway.”
“Then, shoot it.”
Napatingin siya sa kanto patungo sa lugar kung saan naroon ang bahay nito. “Ayaw mo ba sa inyo?”
Gazi looked up to him. “Pansin mo ba?”
Niyuko niya ito at sandaling nakipagtitigan sa dalaga. “Why?”
“What do you mean why?”
“Bakit ayaw mo sa inyo?”
Balewala itong nagkibit-balikat bago nagbaba ng tingin. “Wala naman kasi akong gagawin doon.”
“How about Niel? Ayaw mo bang makasama siya roon?”
Doon nagpakawala ng malalim na paghinga si Gazi. Sandali itong natahimik na tila nag-iisip ng tamang isasagot, bago muling humugot ng malalim na paghinga at pinakawalan iyon. “Buong araw lang na nasa bahay ni Niel kasama si Mommy. She’s tutoring him, dahil hindi pwedeng pumasok sa school ang kapatid ko. Dapat ay nasa middle school na siya ngayon, pero nang dahil sa kalagayan niya’y kailangan niyang huminto sa pag-aaral.”
“That doesn’t answer the question of why you didn’t want to stay in your house.”
“Hindi sa ayaw ko…” Muling napabuntong-hininga si Gazi. “Si Mommy ang may ayaw.”
His forehead furrowed, but he kept his mouth closed and waited for her to continue. Which she did,
“Ayaw ni Mommy na may ibang magbantay kay Niel. I can only see my brother every morning, sa tuwing aalis ako at papasok sa eskwela. Ang gusto ni Mommy ay siya lang ang nag-aasikaso kay Niel. Kaya kahit na naroon ako sa bahay ay parang wala lang rin. Nasa loob ng kwarto ni Niel kasama ni Mommy, ang tatay naman namin ay nasa trabaho at umuuwi na ng alas-otso ng gabi. Ako lagi ang naka-talagang magluto— pero hindi naman kumakain ng niluluto ko sina Mommy at Niel. My brother has his own diet meals, while Mom never liked Filipino cuisines. Madalas na tinapay lang o salad ang kinakain. Ibig sabihin, kami lang ni Papa ang kumakain— and I don’t find it enjoyable.” Doon ito nag-angat ng tingin sa kaniya. “Am I intruding that much? Kung… ayaw mo namang araw-araw akong naroon sa inyo ay—“
“I love it,” agap niya.
Sandali itong natigilan bago umangat ang tingin sa kaniya.
He smiled and continued. “I love it when you visit our house— nagkakaroon ng buhay ang bahay namin. And I want you to keep coming there for as much as you want— our door is always open for you.”
Sa matagal na sandali ay nanatili lang na nakatitig sa kaniya si Gazi— nasa mukha ang pagkamangha at… isa pang uri ng emosyong hindi pa niya kayang bigyan ng pangalan.
Hanggang sa… yumuko ito. At sa mahinang tinig ay, “I’m sorry if I am becoming a burden. Ito ang dahilan kung bakit ayaw kong magsabi ng problema ko sa iba.”
Ang ngiti niya sa mga labi ay nawala, at iyon ay nahalinhan ng pagkabahala. Hindi niya napigilan ang sariling hawakan ito sa magkabilang balikat. “You are not, Gazi. Magaan sa loob kong tulungan ka— kayo ng kapatid mo. I’ve never done this to anyone before, at nang sinubukan ko’y doon ko napagtantong masaya palang tumulong sa iba. Kapag may makikilala akong ibang taong mangangailangan ng tulong at alam kong may kakayahan akong ibigay iyon, ay hindi rin ako magdadalawang-isip na gawin ang nararapat. This is something you helped me realized, Gazi.”
Subalit hindi na sumagot pa si Gazi. Nanatili itong nakayuko.
“Inaamin kong awa ang unang dahilan kung bakit pinilit kong makipagkaibigan sa’yo,” he admitted after a while. He didn’t know where his statement was going, but he had to continue before he’d lose his chance. “Noong akala kong sa iyo ang medical result na iyon ay kinain ako ng awa— I thought I needed to help. Pakiramdam ko’y obligasyon kong gawin iyon. But… But when I started to get to know you, I realize that it isn’t just because of pity. It’s… because there is something special about you.”
Nagpakawala ng malalim na paghinga si Gazi habang nanatili pa ring nakayuko. “Sinasabi mo bang nagkakagusto ka na sa akin?”
“Can I?”
Doon na nag-angat ng tingin ang dalaga upang salubungin ang mga mata niya. “Can you what?”
“Can I like you?”
Gazi searched for sincerity in his eyes— and when she finally found it, she answered, “If I answered ‘no’, what will you do?”
“I will ask you ‘why’.”
She pressed her lips to probably stop herself from smiling. Pero huli na para itago nito iyon— dahil kitang-kita sa mga mata nito ang emosyong pilit na itinatago.
“Sasagutin kita na hindi ko gustong magkagusto ka sa akin— plain and simple.”
“At itatanong ko pa rin kung bakit.”
“At sasagutin kitang ‘gusto ko lang’.”
“Bakit?”
Gazi cleared her throat— again, to stop herself from laughing. Kanina pa niya napapansing kanina pa nito pinipigilang matawa, kahit halata naman sa mga mata nito ang nararamdaman. They were sparkling with joy. At nabubuhayan siya ng loob.
Could it be that… Gazi also had a thing on him?
“Bakit ang kulit mo?” balik-tanong nito sa kaniya, halatang pilit na inililihis ang usapan.
“Dahil gusto kong malaman ang dahilan kung bakit ayaw mong gustuhin kita. At hindi ako titigil hanggang sa hindi mo ako sinasagot ng maayos.”
“Eh, sinabi ko na sa’yo— ayaw kong gustuhin mo ako. Hanggang kailan mo ako pipiliting sabihin sa iyo ang sagot na gusto mong marinig?”
“Hanggang sa ibigay mo ang sagot na gusto kong marinig.”
“And what exactly do you want me to say to you?”
That’s when he grinned. “That you like me, too.”
But Gazi didn’t smile back. Ang anyo nito’y muling naging seryoso. “But your money is the only thing that I like about you. How’s that?”
He shrugged nonchalantly. “At least there is something you like about me, and that’s more than enough.”
Gazi paused— and he held his breath as he anticipated what she was going to say next.
Pero hindi na ito muli pang nagsalita— o sumagot sa huling sinabi niya. Instead— she laughed out loud, raised her hands to his face, and pinched his cheeks.
He grimaced and let go of her. Hinawakan niya ang mga kamay nitong nakahawak sa magkabila niyang pisngi. “Hey, beat it. Bakit ba ang bigat ng kamay mo?’
Nakangising bumitiw si Gazi at ibinaba ang mga kamay. Ilang sadali pa’y nakangiti itong nagsalita. “Sabado bukas, ‘di ba?”
“Ngayon ay iniiba mo na naman ang usapan.” He tsked.
Umiling ito. “Of course not. Gusto ko lang sabihin sa’yo na libre ako bukas kung gusto mo akong yayaing mag-date. Mayroong malaking arcade center sa kabilang bayan— would you like us to go there?”
He gaze narrowed. “Ang ibig mo bang sabihin ay…“
Umikot paitaas ang mga mata nito saka itinuloy na ang paglalakad at iniwan siya. “Ang hina naman ng comprehension mo, Raven Worthwench. Nakaka-turn off.”
Nang tuluuyang maunawaan ang ibig nitong sabihin ay malapad siyang ngumiti at sinundan ito ng tingin.
“So, ito na ba ang sagot sa tanong ko kanina?”
Hindi ito sumagot at itinuloy lang ang paglalakad.
“Are you allowing me to like you, Gazenchelle?”
“I am allowing you to date me tomorrow. Hindi ko naman hawak ang damdamin mo kaya hindi ako ang magpapasiya kung magkakagusto ka sa akin o hindi,” walang kalingun-lingong sagot nito sa kaniya.
Lalong lumapad ang pagkakangiti niya. Hindi niya alam kung bakit ganoon ka-saya sa pakiramdam niya ang marinig si Gazi na sabihin iyon.
Gazi introduced a different kind of happiness to him— something that any other woman failed to do. So, right there and then, he decided, that he wouldn’t let her go.
Halos sampung metro na ang layo nito sa kaniya ay nanatili lang siyang nakatayo roon at nakangiti itong tinanaw ng tingin, nang huminto si Gazi at muling humarap.
Her face was serious. “Hindi mo ako kailangang bigyan ng fee bukas. Tomorrow’s date is exempted.” Then, she smirked. “Which means we are not on a business relationship tomorrow. Which also means pwede akong mag-taray at mag-walk out kapag nainis ako o kapag hindi ako natuwa sa’yo. Are we clear about that?”
He pulled a wicked, toothy grin. “Are you challenging me to make you happy tomorrow?”
“I am challenging you to impress me tomorrow,” she puckered and raised an eyebrow, “dahil malay mo, pagbigyan kitang ligawan ako?”
“Whew,” he said as his grin widened. “All this time, hindi ka pa rin talaga nai-impress sa akin?”
Hindi na sumagot pa ang dalaga at tumalikod na ulit. Pero bago iyon ay nahuli niya sa anyo nito ang pagpipigil na matawa. She probably turned around to hide it from him.
“Good night, Rave.” Iyon lang at itinuloy na nito ang paglalakad.
He remained standing there and watched her until she was gone. Nakangiti siyang tumalikod at naglakad pabalik sa direksyon patungo sa bahay nila.
Hindi niya maipaliwanag ang sayang nadarama sa mga oras na iyon. He had never been that happy before. It was the kind of happiness different from doing stuff that he liked. Iba sa kasiyahang nadarama niya sa tuwing nagba-bungee jumping o sky diving sila ng ama noon. Iba sa kasiyahang nadarama niya sa tuwing inaasikaso at ipinagluluto siya ng masarap ng putahe ng mama niya. Iba sa maka-mundong kasiyahang ibinibigay sa kaniya ng mga babae sa ibabaw ng kama.
The happiness that he was feeling with Gazi was something… sweet and gentle. It was also very refreshing. Na kahit pagod siya, wala sa mood, o may problema— makita lang ito at makausap ay okay na siya. Ganoong klase ng kasiyahan.
Hiling niya ay hindi magbago ang samahan nilang dalawa. Na kung magbabago man ay sana, patungo roon sa gusto niyang mangyari— making her his girl. He would surely love her with all his heart. He would be devoted and faithful to her— she would be the only one.
Ang maisip lang ang posibilidad na mangyari iyon ay nakapagbibigay na sa kaniya ng matinding kasiyahan. Ano pa kaya kapag nangyari na?
Abot hanggang tenga ang ngiti niya habang tuluy-tuloy lang sa paglalakad. Malapit na niyang marating ang bahay nila nang marinig ang pag-beep ng cellphone niyang nasa backpocket ng pantalon niya. He stopped, took his phone out, and stared at the screen.
The message came from the number registered to Gazi’s phone.
Mabilis niyang binuksan ang mensahe at binasa.
Home now. Mom and Niel are both asleep, my father hasn’t arrived yet so I will be cooking his dinner. See you tomorrow. Bridge at 8am.
Muntik na siyang tumalon sa sobrang tuwa. He bit his lower lip to stop himself from shouting. His fingers were shaking from excitement as he replied:
See yah tomorrow, Gazenchelle. (he then added a heart emoji at the end)️
He was about to push his phone back to his pocket when it beeped again. Another reply from her:
(a rolling eyes emoji)
Laughter rose within him. The rolling eyes emoji was so Gazi.
*
*
*