02

1660 Words
MABILIS NA pinaharurut ni Maximo ang kaniyang kotse upang makaalis na siya sa mansyon ng kaniyang ama upang makauwi na. Hinahanap ng kaniyang lalamunan ang init ng alak; gusto niyang magpakalasing ngayong gabi. Napahigpit pa ang pagkakawahak niya sa manibela ng kaniyang sasakyan. Hindi niya maintindihan ang ama kung bakit siya lang ang pine-preassure nito when it comes to giving him a grandchild. Bakit hindi si Amuerro? Bakit hindi si Amadeo? Bakit siya lang? That’s so f*****g unfair! Kung dati, gusto niyang magkaanak at bumuo ng pamilya… pwes hindi na ngayon. Simula nang mamatay ang kaniyang mapapangasawa at ang tanging babae na gusto niyang maging asawa-- na wala na rin ang interes niya na magtayo ng isang masayang pamilya. Simula nang kunin nang aksidenteng ‘yon ang buhay ni Yzobelle, isinama na rin noon ang buhay niya. Huminto na ang lahat. He never laughed like he always do. Hindi na siya nakaramdam ng kahit na anong saya. Natutuwa na lang siya sa tuwing tumataas ang sales ng negosyo niya pero bukod doon, wala nang iba pang nagpapasaya sa kaniya. Nakaramdam na naman siya ng kirot sa puso niya lalo na nang maalala niya ang mga nangyari na parang kahapon lang naganap. “Thanks, hon. Sinamahan mo pa rin ako sa ospital kahit na alam kong against ka sa mga desisyon ko.” Hinawakan ni Yzobelle ang kamay niya at kitang-kita niya sa gilid ng kaniyang mga mata ang pagngiti nito habang nakatingin sa kaniya nang diretso. Nagpakawala siya ng tahimik na pagbuntong-hininga, tanda lang nang pagsuko niya sapagkat alam niyang wala naman siyang laban sa kaniyang pinakamamahal na fiance. “You gave me no choice, hon. Para namang may magagawa pa ako lalo na at nakasali ka na nga sa program na ‘yon,” wika niya, diretso pa rin siya na nakatingin sa may kalsada. Dahan-dahan lang ang takbo ng kanilang sasakyan sapagkat maulan ng gabing ‘yon. “Eh alam mo naman na ‘yun na lang ang kasiyahan ko, ‘di ba? Ang tumulong...” Malambing at malumanay na saad nito. Isa ‘yan sa dahilan kung bakit hindi niya magawang magalit sa kasintahan, lagi na lang nitong alas ang paglalambing sa kaniya kung saan ay ‘yun naman ang kaniyang kahinaan. Kaya nga kahit taliwas sa kaniya ang pagsali nito sa program kung saan ay may ginawa itong kasulatan na ido-donate nito sa ospital ang mga organ nito upang maibigay sa mas nangangailangan na pasyente kapag may nangyari rito na hindi maganda, wala siyang magawa kung hindi ang sumang-ayon na lang. “Kaya ‘wag ka nang magalit at magtampo diyan, okay?” “Hindi naman ako galit, hon. I just don’t like the idea.” Kunot noo na sagot niya. “Para bang iniisip mo na may mangyayari sa ‘yo? Paano naman ako? Paano naman ang kasal natin?” He sounded sad, parang gusto niya lang din na magpalambing pa kay Yzobelle. Next year na ang kasal nila at alam niyang excited na silang dalawa. Although Yzobelle was not his first love, he was certain that she was the one. They have been dating for nearly four years. She is everything to him, and he cannot risk losing her. “I didn’t wish na may mangyari sa akin, okay? Ayaw ko rin naman na iwan ka ‘no. Ginagawa ko lang ‘yun just in case na may mangyari nga. Sayang naman kung idi-dispose lang nila ang katawan ko knowing na meron pang mapag-gagamitan ng mga organs ko. Kung tapos na nga talaga ang oras ko sa mundong ‘to, atleast makakapagbigay pa ako ng panibagong buhay sa iba.” Muli na naman na napabuntong hininga si Maximo. Wala na siyang magagawa pa roon, hindi naman siguro kasalanan ang pagiging mabait ng kaniyang kasintahan. Napangiti na lang siya at saka niya dinala ang kamay ni Yzobelle palapit sa bibig niya at saka hinalikan niya ang likod ng palad nito. Sa paghalik niya sa dalaga kung saan ay liliko na sana ang kotse niya, bigla silang may nakasalubong na delivery truck. Napako silang dalawa sa kanilang kinauupuan, masyadong mabilis ang pangyayari. Ang tanging naalala na lang ni Maximo ay ang mahigpit na pagkakakapit niya sa kamay ng kaniyang fiance kasabay nang pagsilaw ng front light ng kasalubong nilang delivery truck sa kanilang mga mata, sumunod ang malakas at nakaka-binging ingay nang pagsasalpukan ng kanilang mga sasakyan. Ang kaniyang mga mata ay nakatuon lang sa kaniyang pinakakamamahal na fiance hanggang sa tuluyan na nga siyang nawalan ng malay. Nagising si Maximo kung saan ay awtomatikong naramdaman niya ang pananakit ng buong katawan niya. Sa katunayan ay nahihilo pa siya, ngunit nang mapansin niya na wala sa loob ng silid kung nasaan siya ang kaisa-isang tao na gustong makita ng kaniyang mga mata-- agad na siyang napabangon sa kaniyang pinagkakahigaan. Doon pa lang niya napansin na nasa ospital siya, kitang-kita niya rin ang nakababata niyang kapatid na si Amuerro habang natutulog ito sa isang solo couch. Natanaw niya pa ang swero na nakakabit sa kaniyang kamay, hindi rin nakaligtas sa kaniyang paningin ang mga galos niya sa braso pati na rin sa kaniyang binti. Unti-unting naging malinaw sa kaniyang ala-ala ang nangyari bago siya mawalan ng malay. Agad na pumasok sa kaniyang isipan ang kasintahan. “Yzobelle.” Kahit garalgal pa ang kaniyang pananalita, mahina niyang nabanggit ang pangalan ng fiance niya. Mabilis niyang tinanggal ang pagkakatakid ng swero sa kaniyang kamay at tuluyan na siyang tumayo. Sa pagtayo niya ay agad siyang natumba, bigla niyang hindi maramdaman ang kaniyang mga binti at paa. Napasalampak siya sa sahig na naging dahilan kung bakit nagising ang kaniyang kapatid. “Kuya.” Rinig niyang tawag ni Amuerro sa kaniya at saka ito mabilis na lumapit sa kaniyang tabi. “H-hindi ko maramdaman ang mga paa ko.” Nangangamba na wika niya habang hawak-hawak niya ang dalawang binti niya. “Panandalian lang ‘yan sabi ng doktor. Makakalakad ka pa rin, kuya. Sa ngayon, ang mahalaga ay gising ka na.” Binatuhan niya nang tingin ang kapatid at saka siya napakunot ng noo. Hindi niya maintindihan kung bakit parang may iba sa tono nang pananalita nito nang sabihin nito na gising na siya. “Anong ibig mong sabihin?” “It’s been almost two weeks since the accident, Kuya Maxim. And that two weeks, you’re unconcious.” Biglang natigilan si Maximo sa kaniyang narinig. Dalawang linggo? Dalawang linggo na ang nakakalipas at sa loob ng linggong ‘yon ay wala siyang malay? “Actually, it took longer than the doctor expected you to wake up. I'm glad you're awake now.” “W-where is Yzobelle?” ‘Yun lang ang nais niyang malaman ngayon. Hindi niya makakalimutan na kasama niya sa loob ng sasakyan ang fiance niya bago nabangga ng delivery truck ang kanilang sasakyan. Kung nasa ospital siya ngayon at naka-confined, baka nandoon din ang kaniyang kasintahan. Nag-aalala siya. “Where is Yzobelle?” Pag-uulit niyang muli nang lumipas ang ilang segundo na hindi nakasagot sa kaniya ang kapatid na si Amuerro. Nang batuhan niya ito nang tingin, doon niya nakita ang mabilis na pag-iwas ng kapatid sa kaniya. Biglang kumirot ang puso niya nang makita na negatibo ang ipinapakitang reaksyon ng kapatid. Ngunit, ayaw niyang mag-isip ng kung ano-ano hangga’t hindi niya pa naririnig mismo sa bibig nito ang kasagutan. “I’m asking you, where is my fiance!?” Madiin na tanong niya pang muli. Umiling-iling sa kaniya si Amuerro, “She’s gone, Kuya Maxim. The night na sinugod kayo rito sa ospital, she was declared brain dead by the doctor… mas malala kasi ang natamo ni Ate Yzobelle kesa sa ‘yo lalo na at napuruhan siya sa ulo.” Nangilig ang mga kamay ni Maximo sa kaniyang narinig. Pakiramdam niya ay may malaking bato na tumama sa buong katawan niya dahil mas lalong sumakit ang bawat parte ng kaniyang katawan kasabay nang pagkirot ng puso niya. Hindi siya makapaniwala! Ayaw niyang maniwala! Umiling-iling siya. “H-hindi. Hindi pwedeng mangyari ‘yon. Hindi pa patay si Yzobelle! Hindi pa siya patay!” Pinilit ni Maximo na tumayo mula sa pagkakaupo niya sa sahig ngunit tila ba ay mas lalong namanhid ang buong katawan niya. Buti na lang at naka-alalay agad sa kaniya si Amuerro dahil kung hindi ay muli na naman siyang babagsak sa sahig. “Na-cremate na ang buong katawan niya, kuya. They didn't want to do that while you were still unconscious, but they didn't anticipate your coma to last long, so they had to cremate Ate Yzobelle's body last week. I’m sorry, Kuya Maximo.” Napatulala na lang si Maximo sa kaniyang mga nalaman. Hindi niya na rin narinig pa ang mga huling sinabi sa kaniya ng kaniyang kapatid sapagkat pakiramdam niya, tuluyan nang tumigil ang ikot ng mundo niya. Tumagal pa ng ilang linggo ang pananatili niya sa ospital, unti-unti na ring bumabalik ang pakiramdam ng kaniyang mga paa ngunit nanatili pa rin siya na naka-confine roon habang nakatulala. Nang dumating ang parents ni Yzobelle; ang kaniyang Tita Adelaine at Tito Raul para dalawin siya, mas lalong sumampal sa kaniya ang katotohanan na wala na nga ang kaniyang pinakamamahal na fiance. Ipinaalam din ng mga ito sa kaniya ang tungkol sa program na sinalihan ni Yzobelle sa ospital na ‘yun kung saan ay nakuha nga ng iba’t-ibang pasiyente ang ilang organs ng kasintahan niya na hindi naman niya binigyan pa ng komento. Walang nanagot sa nangyaring aksidente dahil nakatakas daw ang driver. Napag-alaman na noong gabing ‘yun ay nawala ang delivery truck sa may-ari kaya hindi rin nanagot ang owner ng truck na kumuha ng buhay ni Yzobelle; ang dalagang pinag-aalayan niya rin ng buhay niya. Simula noon, hindi na alam ni Maximo kung paano pa ipagpapatuloy ang buhay niya matapos mawala ang nag iisang babaeng minahal at iningatan niya ng sobra-sobra. Nang gabing ‘yon, hindi lang ang kasintahan niya ang nawala sa kaniya… kung hindi pati na rin siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD