01
“Ohhh. F*ck me harder, Maximo! Ugh! F*ck me!” Ungol ng babaeng nasa ibabaw ni Maximo habang naglalabas-masok ang pagkakababae nito sa kaniyang kahabaan. Mariin pa na napapakagat si Maximo sa pang-ibaba niyang labi habang pinapanood niya kung paano mapapikit at mapatingala si Trisha habang bumabagsak ang p********e nito sa kaniyang sandata. Kagabi lang sila nagkakilala ng babae sa isang birthday party ng kaniyang college friend na si Theo. Doon ito natulog sa kaniyang bahay at bago ito umalis ay nag-tatlong round muna sila, actually... pang-apat na ‘yon.
“That’s so long, ang sarap moooo. Ohhh!” Mahabang ungol pang muli ng dalaga kung saan ay halos kagabi pa niya naririnig ang mga salitang ‘yon na lumalabas sa bibig ng kaniyang katalik, siguro ay dahil talagang sarap na sarap ito ngayon sa kahabaan niya. Hindi nakalapat ang kaniyang likuran sa malambot at king-sized bed na kama niya dahil nakatuon ngayon ang kaniyang isang siko sa kama habang ang isa niyang kamay ay lumalamas sa malulusog at mabibilog na hinaharap ng dalaga. He bit and suck her nips that made her moaned in pleasure again.
Sa katunayan nga ay nagmamadali na rin sila sa kanilang ginagawa. Kailangan na rin kasing umalis ni Trisha sapagkat flight na nito pabalik ng Bohol sa araw na ‘yon habang siya naman ay may dinner pa na pupuntahan.
Hanggang sa maya-maya ay nararamdamaman niya na ang paninikip at pananakal ng pagkakababae ni Trisha sa kaniyang kahabaan kung saan ay tanda lang ‘yun na malapit nang labasan ang dalaga. That’s great! Maximo grab her big butt and guide her wetness into deeper pace that made Trisha scream his name more loudly. “Ohh f*ck, MAXIMO! Harder! I’m c*****g!” Halos umalingawngaw nga ang boses ng dalaga na kaniyang katalik sa loob ng silid na ‘yon.
Mas lalong ginanahan si Maximo kaya naman mas lalong lumalim at bumilis ang bawat pagtaas-baba ng sandata niya sa mapula-pulang p********e ni Trisha. Sumasagad ‘yun mula sa kaibuturan ng dalaga kaya halos mabaliw na ito sa sobrang sarap. Gumagawa ‘yon nang tunog na nagiging musika sa pandinig nilang dalawa.
His crotch was huge and proud. Halos lahat yata ng mga kababaihan ay handang makipagpagtayan para lang matikman at maranasan kung gaano kasarap magpaligaya ang isang Maximo Alfranco. Kilala siya bilang isa sa pinaka-gwapo at pinakamayaman na lalaki sa kanilang bayan, tinitingala sa angking talino, kinaiinggitan sa galing nito na humawak ng negosyo, at higit sa lahat... mas lalong nabaliw pa ang mga kababaihan nang malaman nila na free and still available ang binata. Sa edad na trenta ay wala pa sa bokabolaryo ni Maximo ang magkaroon ng asawa at magka-anak; sa palagay nga niya ay hindi na darating ang oras na ‘yon. Siya ang panganay na anak ni Don Alvaro Alfranco, ang pinakamayaman at nirerespeto na negosyante sa bayan ng Valerya, na dating Mayor din ng bayan. Walang tao ang hindi makaka-kilala sa pamilya nila. At dahil si Maximo nga ang panganay na anak, siya ngayon ang naghahawak ng lahat ng negosyo ng kaniyang ama.
Maximo is confident and very competent when it comes to business. Wala siyang pinapalampas na kahit ano kaya naman lahat ng gusto niya ay nakukuha niya. Minsan nga ay wala na ring gustong kumalaban pa sa kaniya. Para kay Maximo ay ginagawa lang niya ang alam niyang tama at magpapasaya sa kaniya, lalo na at nagkaroon sila nang kasunduan ng kaniyang ama na kapag bumagsak ang lahat ng negosyo nila ay mapipilitan siyang pumasok sa pulitika. Dahil ayaw niya nang magulong buhay at wala talaga sa isipan niya ang maging mayor katulad ng kaniyang ama, itinuon na lang niya ang lahat nang atensyon niya sa pagtatrabaho.
Bagsak ang likod ni Maximo nang matapos silang dalawa ni Trisha sa kanilang pagtatalik. Pareho nilang hinahabol ngayon ang kanilang hininga. Kung si Maximo ay nanatili na nakahiga sa kaniyang kama, agad naman na tumayo na ang dalaga upang pulutin na nito ang mga damit na nakakalat sa sahig.
Nang batuhan nang tingin ni Maximo ang dalaga, doon niya nakita na nagmamadali na si Trisha sa pagsuot nito ng underwear habang maya’t-maya ang pagsilip nito sa wristwatch na suot-suot nito.
“Hey. Hindi ka pa ba babangon diyan? Magbihis ka na, I have a flight, remember?” wika ng dalaga kung saan ay agad itong humarap sa pinagkakahigaan niya kaya agad na nagkasalubong ang paningin nilang dalawa.
“And so?” Parang tinatamad pa na tanong niya. Hindi niya kasi alam kung bakit siya pinapabangon ng dalaga. Ano naman ang pakialam niya kung may flight pa ito?
Kitang-kita niya ang mabilis na pagkunot ng noo ni Trisha habang kasalukuyan na nitong isini-zipper ang suot na dress. “What do you mean by that? Hindi mo ba ako ihahatid sa airport?” Halata ang pagtataka sa tono nang pananalita nito.
Napangisi ng lihim si Maximo. “And who do you think you are?” Natatawang wika niya at saka siya bumangon mula sa pagkakahiga niya sa kaniyang kama. Napansin na naman niya ang pagkunot ng noo ng dalaga habang nakatingin sa kaniya nang diretso kaya naman muli na siyang nagsalita, “Just take all the money in my wallet, and get out of my room.”
Hindi na nga hinintay pa ni Maximo ang magiging kasagutan sa kaniya ng dalaga dahil dire-diretso na siyang pumasok sa banyo na nasa loob din ng silid niya. Dahil wala na rin naman siyang suot na saplot sa katawam, dire-diretso na siyang tumuloy sa shower at binuksan ‘yon. Hinayaan lang ni Maximo na dumiretso ang maligamgam na tubig sa kaniyang ulo pababa sa kaniyang katawan.
Kung ano ang ikinagandang lalaki ni Maximo sa kaniyang panglabas na katangian, kung saan ay walang makakapintas sa kaniya dahil sa angkin niyang gandang lalaki... doon naman siya nakulangan sa kaniyang ugali, lalo na pagdating sa pagtrato niya sa mga kababaihan. Ang tingin niya lang kasi sa mga babae ay laruan sa kama at pangpalipas lang ng hectic niyang oras. May dalawang dahilan kung bakit siya naging gano’n sa mga babae; una ay dahil sa kaniyang ina. Kulang siya sa pagmamahal nito habang lumalaki silang magkakapatid. Big deal sa kaniya ang pagkawala nito dahil may mga alaala siya kasama ng ina na wala ang dalawa pa niyang nakababatang kapatid. Bata pa lang kasi ay iniwan na sila nito dahil sa isang lalaki at nagtanim siya nang sama ng loob. Isa ‘yun at pinakaunang dahilan kung bakit hindi maganda ang pagtrato niya sa mga babaeng nakakasalamuha niya. Actually, nabago naman niya ang ugali na ‘yon noong dumating sa buhay niya si Yzobelle, ang kaniyang fiance. Tila ba ay naging maamong tupa siya sa harap ni Yzobelle, mahal na mahal niya ito at alam niyang nagmamahal talaga silang dalawa. Pero dahil wala na rin ang babaeng inalayan niya nang puso niya at nang lahat-lahat… wala na siyang natitirang dahilan para maging mabuting tao. Pakiramdam niya, wala ng iba pang babae ang magpapabago sa kaniya katulad ng kung paano siya nabago ng dati niyang fiance. Wala na… at tanggap niya na ‘yon.
Muntikan nang makalimutan ni Maximo ang dinner na pinagkasunduan nila ng kaniyang ama ng gabing ‘yon. Buti na lang at maaga ‘yun na napaalala ng kaniyang kasambahay kaya nagawa niyang makarating sa mansyon ni Don Alvaro matapos ang itinakda nitong oras. Malapit lang din naman ang bahay nila sa isa’t-isa. Dumating siya na suot ang isang long sleeves black polo, nakabukas ang unang dalawang butones no’n at nakatupi pa ang manggas noon hanggang sa kaniyang siko. Simpleng black slacks lang naman ang suot niya sa kaniyang pang-baba kung saan ay mas lalo siyang nagmumukhang matangkad. His messy and wet hair made him look sexier than ever. Napakagwapo ng dating niya. Pagpasok pa lang din niya sa mismong mansyon, umalingasaw na ang mabango niyang pabango na panlalaki. Lahat ng katulong na nasa may sala na nakakita nang pagdating niya ay nahumaling sa kagwapuhan niyang taglay.
Ang hindi lang siguro nahuhumaling sa kaniya ay ang mayordoma ng bahay na si Aling Medy. Matanda na ito at karamihan sa buhok nito ay kulay puti na. Nagmukha rin itong pandak nang lumapit ito sa matangkad na si Maximo.
“Nasa hapag-kainan na ang ama mo, kanina ka pa niyang hinihintay,” saad ng matanda. Hindi na lang umimik pa si Maximo pero binatuhan pa rin niya nang tingin ang mamahalin niyang relos na suot-suot. May 5 minutes pa naman siya bago ang itinakdang oras ng kanilang dinner, ngunit dahil nga mahalaga ang oras para sa kaniyang ama, hindi na siya magtataka kung bakit hinihintay na siya nito doon.
“Dad.” Pagtawag niya sa ama upang ipaalam na nakarating na siya. Hindi na siya nilingon ng matanda kaya dumiretso na siya sa kaniyang pwesto; sa kanang bahagi ng lamesa na malapit lang sa matandang lalaki.
Puti na ang buhok ng kaniyang ama, balbas-sarado rin ito na kulay puti na rin. Grayish din ang kulay ng mga mata ni Don Alvaro kung saan ay doon ‘yon namana ni Maximo. Kahit matanda na ay walang mababakas na pagkulubot sa balat nito, na-aalagaan ‘yon ng mga espesiyalista at doktor na nag-aalaga sa pisikal at kalusugan ng Don.
“Let’s eat.” Seryoso na saad sa kaniya ng ama kung saan ay hindi na lang umimik pa si Maximo lalo na nang makita niya na ang paglabas ng mga kasambahay na may dalang iba’t-ibang klase ng putahe. Kung hindi siya nagkakamali, halos anim na kasambahay ang nagsisilbi sa kanila ngayong dalawa.
Sanay na si Maximo na makita ang seryosong ekpsresyon ng kaniyang ama. Dahil doon kaya hindi na siya natri-trigger sa tuwing nakikita ‘yon. Ngunit, kahit gano’n… malaki pa rin ang respeto niya rito. Hindi lang dahil ito ang kaniyang ama, kung hindi dahil nakikita niya rin sa mga tao ng Valerya kung paano nila minamahal at nirerespeto ang dating mayor ng maliit na bayan na ‘yon. Naging mabuting leader kasi ng bayan si Don Alvaro, talagang kinailangan lang nito na tumigil sa pulitika dahil kailangan nitong alagaan at pagtuunan nang pansin ang kalusugan.
Marami silang napag-usapan tungkol sa mga negosyo, alam naman talaga ni Maximo na ‘yun ang pag-uusapan nila sa dinner na ‘yon sapagkat every two weeks ay kailangan niyang mag-update kung ano na ang lagay ng business ng pamilya. Matapos ang usapan na ‘yun ay napunta naman ang topic nila sa dalawa niya pang kapatid; si Amuerro at si Amadeo.
“Wala akong balita kay Amadeo, pero kay Amuerro-- ang alam ko babalik na siya rito sa Valerya para may makasama ka once na umalis na ako.” Walang emosyon na sagot ni Maximo habang hinihiwa niya ang steak sa kaniyang pinggan, gano’n din naman ang ginagawa ng ama. Amuerro is their youngest siblings, and Amadeo is the second child; the black sheep of the Family. Nasa States ito.
Nagkaroon ng saglit na katahimikan sa pagitan nilang dalawa hanggang sa muli na ngang magsalita ang kaniyang ama kung saan ay hindi man lang siya nito binabatuhan nang tingin, “Alam mo naman na tumatanda na ako, tumatanda ka na rin…” Awtomatikong napatigil si Maximo sa paghihiwa na ginagawa niya nang banggitin ng kaniyang ama ang mga kataga na ‘yun. Unti-unti niya ring nabitawan ang hawak na tinidor, mukhang alam niya na kasi agad ang susunod na sasabihin nito sa kaniya. At hindi naman siya nagkamali roon, “Gusto ko nang magkaroon ng apo mula sa ‘yo, Maximo. Hindi mo pa rin ba ako mapagbibigyan?” Doon pa lang inangat ng Don ang paningin sa kaniya kaya agad na nagsalubong ang kanilang mga mata.
He now lost his appetite. Pabato niyang inilagay ang table napkin sa gilid ng kaniyang pinggan.
“Dad, alam mo naman na wala sa bokabolaryo ko ang pagpapakasal at gumawa ng pamilya.” Bakas ang pagtanggi sa tono nang pananalita niya, ngunit nandoon pa rin ang pag galang niya sa ama.
“Dahil na naman ba ‘yan kay Yzobelle? My God, Maximo--”
“Pwede bang ‘wag na natin siyang pag-usapan.” Nagdilim na ang aura ni Maximo nang mabanggit ng ama ang pangalan ng babae.
“Why? You have to wake up. Hindi na babalik ang dating fiance mo, Maximo. Wala na si Yzobelle, you have to move on! Apat na taon na siyang patay!” Muli na naman na dumagok sa kaniya ang katotohanan na wala na nga ang pinakamahal niyang babae sa buhay niya, si Yzobelle Mallari. Kinuha ito ng isang aksidente na nagpabago sa takbo ng buhay niya at pati mismo sa kaniya.