OWNING THE MAFIA BOSS EPISODE 53 ATHENA CANTIA’S POINT OF VIEW. “I WANT YOU to stop dancing now, Cantia.” Napakunot ang noo ko nang sabihin ‘yun ni Enzo. Nakaayos na ulit kaming dalawa at magkaharap na nakaupo ngayon sa sofa sa loob ng VIP Room. Seryoso ang tingin sa akin ni Enzo. Ito talaga ang plano niya… ang kausapin ako. Pero mas nauna ang bugso ng mga damdamin namin at agad na nangyari ang hindi dapat mangyari kanina. “What did you say?” sabi ko sa kanya. Bumuntong-hininga siya at humalukipkip. “I want you to stop doing like this, Athena Cantia… being Aphrodite,” muling sabi ni Enzo. Natigilan naman ako sa kanyang sinabi. Napakagat ako sa aking labi at umiling-iling ako. Hindi niya alam ang pinagsasabi niya. Tumayo ako at tinignan ko siya ng masama. “You didn’t know what you w