Chapter 37 -Ang paglayo-

2722 Words

┈┈┈┈◦•✩•◦┈┈┈┈ Kahit na anong gawin ni Sebastian na pagwawala ay pinapanuod lamang siya ng mga kaibigan niya. Hinahayaan lang nila ito at hinihintay na mapagod upang kumalma ito na mag-isa. Kahit kasi anong pakiusap nila dito ay hindi kumakalma ang binata kaya ang lahat ay naupo sa sofa at may kanya-kanyang ginagawa sa phone nila. "Adriana! Ibalik ninyo sa akin si Adriana!" malakas na sigaw ni Sebastian, at pagkatapos ay nagbalibag itong muli ng mga gamit na ibinabato nito sa dingding. Si Marcus naman ay susundan lamang ng tanaw ang bawat gamit na ibinabato ng kanyang assassin, at pagkatapos ay kibit balikat lamang ito na muling haharapin ang kanyang phone. Ilang oras din na nagwawala si Sebastian, hanggang sa tila ba unti-unti rin itong napapagod at naubusan na rin ng gamit na babasagin

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD