Kabanata 13

2491 Words
Hana's Pov Pag tapos ng hapag kainan namin, tumayo naman si Mark sabay tumingin sa akin at nilapad niya ang kamay niya para alalayan akong tumayo. "Salamat," sabi ko sa kanya aalis nalang kami biglang pinigilan kami ni Francheska na makaalis. Ang buong akala ko masama ang tingin niya pero hindi, nakangiti siya sa amin. "Bukas ba uuwi na kayo sa Creuch Palace?" Tanong niya sa amin dalawa. "Oo bakit mo natanong?" Sagot naman ni Mark sa kanya at naramdaman kong tinago ni Mark ang pag kakahawak niya sa kamay ko kaya naman nag takha ako. "Kailan ulit kayo makakabalik?" Tanong niya ulit kay Mark. Nakikita ko sa mga mata niya na gusto din niya si Mark. "Bakit mo tinatanong kung kailan kami babalik?" sabi naman ni Mark at halatang naging seryoso ang tingin niya kay Francheska dahil alam na agad niya pumapasok siguro sa isipan nito. Balak niya talagang sirain kaming dalawa. "Hindi ba pwede mag tanong? Prinsesa ako at may karapatan akong mag tanong sainyo ng ganoon." Sagot niya kay Mark at bigla naman siya napangisi. "Alam mo naman 'yata na may mahal na akong iba? Kaya wag mo na ituloy iyong binabalak mo sa amin dalawa lalong lalo na kay Hana," sabi niya sabay tumalikod na si Mark kaya ganoon na din ang ginawa ko. Bumalik na kami sa guest room namin dalawa. Humiga naman kaagad si Mark at ako naman inalis ko ang sapatos ko nagulat ako ng nakatingin siya sa akin habang inaayos ko ang buhok ko dahil tinanggal ko ang tali niyon. "Bakit ka nakatitig sa akin?" Tanong ko sa kanya at hindi naman siya umiimik. Tumalikod naman ako sabay hinatak ko ang nakalaylay na tali at kusa na iyon lumuwag. Aalisin ko na sana ang suot ng bigla niyang hinawakan ang balikat ko kaya naman nag takha ako. "Hindi ko mapigilan sarili ko Hana gusto kong gawin natin." Nagulat naman ako sa sinabi niya kaya napalingon agad ako sa kanya. "Okay ka lang ba Mark? Wala ka bang nainom na mag papaganyan sayo?" Tanong ko sa kanya at umiling iling naman siya. "Mahal na mahal lang talaga kita kaya nag kakaganto ako sayo," sabi niya sa akin kaya naman napaiwas ako ng tingin. "Hindi pa ako handa Mark." Mahina kong sabi sa kanya at hindi naman siya nakaimik. Inalis ko na ang dress na suot ko sabay humarap ako sa kanya. Naka bra at panty lang ako ngayon pumunta ko sa kama para humiga at nilagay ko ang kumot. "Hindi ako handa sa sinasabi mo pero pwede mo akong yakapin hanggang umaga," sabi ko sa kanya at bigla naman siyang natawa. "Binibiro lang kita sinusubukan ko lang kung mahuhulog ka sa mga sinabi ko. Kakaiba ka talagang babae," sabi niya sa akin sabay nag palit siya ng suot niya. Nag tago naman ako sa kumot dahil nahihiya ako ngayon. Nag iinit lang naman ang pisngi ko at baka malaman niya na ganto ako nagulat naman ako ng pumasok siya sa loob ng kumot kung saan ako nag tatago. "Wag ka ng magalit sorry na," sabi niya sa akin sabay hinalikan niya ako sa noo ko. "Oo na bukas maaga ba tayo aalis?" Tanong ko sa kanya sabay niyakap naman niya ako kaya na sa bandang dibdib niya ang mukha ko ngayon. "Oo para hindi tayo makita nang Francheska na iyon," sabi niya sa akin at natawa naman ako alam ko kasi na selos na selos iyong babaeng iyon. Kinaumagahan naramdaman kong ginising ako ni Mark kaya iminulat ko naman ang mga mata ko, ngumiti siya sa akin sabay hinalikan niya ng noo ko. "May pupunta na mga katulong dito para paliguan ka," sabi niya sa akin at pinigilan ko naman siya. "Gusto ko sana ako nalang maliligo mag isa," sabi ko sa kanya. "Ganoon ba? Sige kunin mo na iyong susuotin mong dress sa pag alis natin," sabi niya sa akin kaya naman napangiti ako at kinuha ko na agad ang dress na binili namin kahapon. Lumabas na kami ng sabay ni Mark at may katulong na nag aabang sa amin. Sinabihan naman ni Mark iyong mga katulong buti naman at pumayag sila. "Binibini ito mo ang sabon at pabango sa katawab niyo po," sabi sa akin ng isang katulong na may bitbit na tuwalya at sabon. Nag lakad na ako papuntang banyo na malaki din kagaya sa palasyo ni Mark. Nang makarating na ako doon pag pasok ko nagulat ako sa nakita ko doon sa loob. "Hi Hana!" Bati niya sa akin at ngumiti siya habang may nag lilinis sa katawan niya. "Nasaan ang mag lilinis sayo?" Tanong niya sa akin. "Hindi ko kailangan hindi naman ako tamad na kagaya mo," sagot ko sa kanya sabay umupo ako dito sa malapit na may shower. "Ganoon ba? Ikaw na nga papaliguan ikaw pa may ayaw. Bakit may peklat ba katawan mo kaya ayaw mo?" Tanong niya sa akin at naramdaman ko na papalapit siya sa akin kaya lumingon agad ako. "Hindi ako naligo dito para makipag away sa kagaya mo na balak kaming siraan ni Mark," sabi ko sa kanya at nagulat naman ako ng sabunutan niya ako kaya bumagsak ako sa kinauupuan ko. "Alam ko na hindi ka prinsesa kaya wag kang umasta na mas mataas ka kaysa sa akin! Kaya kong kunin si Mark sayo dahil prinsesa ako kaya kong sabihin sa mga magulang ko na ipakasal ako sa kanya!" sabi niya sa akin at naramdaman ko ang sakit sa pag sabunot niya sa akin. Sabay kinaladkad niya ako papuntang spa. "Bitawan mo ang buhok ko!" Sigaw ko at nagulat ako ng itapon niya ako sa spa lumubog agad ako. Naramdaman ko ang init kaya binilisan ko ang pag ahon ko. Nakita ko na palabas na sila kaya naman napasama ako ng tingin sa kanila. Sigurado akong makakarating sa ina ni Mark ito at lalong lalo na kay Mark. Umahon ako sa spa sabay nagulat ako ng makita kong binasa niya ang dress na binili para sakin ni Mark kaya napaluhod ako. Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako dahil basang basa na nga ako binasa pa nila iyong dress na susuotin ko. Tumayo ako at dire-diretso ako palabas ng banyo sabay nakita ko si Mark na nag iintay sa akin. Gulat na gulat naman siya sa nakita niya. "Anong nangyari?! Bakit basang basa iyang suot mo? Tsaka naligo ka na ba?" Tanong niya sa akin at umiyak lang ako sa harapan niya sabay yumuko. "Si Francheska tinulak niya ako sa spa, pati iyong binili mo na dress binasa niya," sabi ko sa kanya at nagulat naman ako ng yakapin niya ako. "Teka lang  basa ako Mark!" sabi ko sa kanya. "Para patas tayo na basa. Ayokong mapahiya ka mag isa maliligo ulit ako pero bago ko gawin iyon kukuha ako ng panibagong dress na susuotin mo ngayon," sabi niya sa akin sabay hinalikan niya ang noo ko. "Wag ka din mag alala, papagalitan ko iyong babae na 'yon mas matanda pa din ako at may karapatan," sabi niya sa akin kaya naman napangiti ako sa kanya. Umalis na siya para kumuha ng panibagong dress. Nag hintay naman ako dito sa loob habang inaayos ko ang binasa ni Francheska na dress ko. Maya maya narinig kong may kumatok kaya naman agad akong tumakbo papunta sa pintuan, pag bukas ko ng pintuan bumungad sa akin si Mark na hawak ang dress na susuotin ko. "Eto lang meron sila na dress. Hayaan mo bibilhan pa kita ng maraming dress," sabi niya sa akin sabay yumakap naman ulit ako sa kanya. "Salamat," sabi ko sa kanya at kumalas naman ako ng pag kakayakap. Pumasok na ulit ako sa loob at nag simula na akong maligo. Nag lagay na ako ng sabon pag tapos nag banlaw na ako ng katawan ko. Pag tapos ko masuot ang dress lumabas na ako pero wala si Mark doon kaya naman nag lakad ako pabalik sa guest room. Iniwan ko ang sabon at tuwalya doon lumabas na ulit ako bitbit ko ang dress na binili ni Mark para sa akin. Nakita ko si Mark na may pinapagilatan at pag tingin ko si Francheska iyon na nakayuko habang may sinasabi si Mark sa kanya. "Mark tara na?" sabi ko sa kanya at napalingon naman siya sa akin. "Tapos ko ng pag sabihan itong babaeng ito. Mag sorry ka sa kanya ngayon," sabi ni Mark at lumuhod naman sa harapan ko si Francheska. "Patawarin mo sana ako Hana sa ginawa ko! Hindi ko na gagawin ulit iyon! Libre kayo bumalik dito sa palasyo namin at pag nangyari iyon hindi na kita aawayin!" sabi niya sa akin kaya naman napangiti ako. "Pinapatawad na kita," sabi ko sa kanya. Madali naman ako mag patawad ng isang tao pwede naman sila mag bago pag tapos nila mapag daanan iyan. "Tara na," sabi naman ni Mark at hinawakan niya ang kamay ko palabas ng palasyo. Sumakay na kami sa karwahe na nasa harapan namin. Umandar na ang karwahe na sinakyan namin. Habang nasa biyahe kami pauwi, sumandal naman sa akin si Mark kaya napangiti ako. "Pagod ka na naman ba?" Tanong ko sa kanya. "Oo gusto kong ganto na naka sandal sayo," sabi niya sa akin kaya naman sumandal ako sa ulo niya naman kasi nakasandal siya sa balikat ko eh. Maya maya narinig ko na humihilik si Mark kaya naman napangiti ako at hinawakan ko ang pisngi niya. Habang hinihimas ko ang pisngi niya, nakatingin ako sa labas. Isang araw bago kami makarating sa Creuch Palace. Maya maya dumidilim na pero tulog pa din si Mark kaya naman noong huminto kami ginising ko siya. "Mark huminto nanaman tayo baka biglang may sumulpot na naman diyan na kukunin tayo," sabi ko sa kanya at napatingin naman siya sa akin. "Wala iyan. Hindi ko na hahayaan na mangyari ulit iyong nangyari sa atin noong gabi na iyon," sabi niya sa akin at hinawakan niya ng madiin ang kamay ko. I feel safe kapag kasama ko siya pero kapag hindi parang natatakot tuloy ako na mag isa lang dito sa dilim. Humarap naman ako kay Mark. "I love you Mark." Malambing ang pag kakasabi ko niyon at napatingin naman siya sa akin. Nakita ko na namula ang pisngi niya. Nakarating na kami sa palasyo ni Mark ginising ko naman siya. Nauna siyang bumaba at inalalayan niya pa akong makababa pag tapos hinawakan niya ang kamay ko. Nag lakad na kami papasok sa loob. "Maligayang pag balik sa inyong dalawa." Bumungad kaagad sa amin ang reyna, ang ina ni Mark. "Ina kailangan na namin makapag pahinga," sabi ni Mark at tumalikod naman ito mukhang pagod nga siya kaya naman yumuko nalang ako para mag bigay ng galang sa reyna. Nakasunod lang ako kay Mark hindi naman siya umiimik. Nakita kong nag uunat ito ng kamay sabay napahinto kaya naman napahinto din ako. "Tabi ba tayo matulog ngayon umaga?" Nagulat ako sa tanong niya sa akin at may ngiti sa mga labi niya. "Ikaw alam mo naman na natutulog tayo ng tabi na nag tatanong ka pa," sabi ko sa kanya at bigla naman siyang tumawa. Nakarating na kami sa kwarto at pumasok naman kaming dalawa doon. Nag hubad siya ng suot niya na pang taas sabay humiga siya sa kama at inaantay niya ako na humiga doon. "Tanggalin mo na din iyang dress mo mainit iyan," sabi niya sa akin kaya naman nag init bigla ang pisngi ko at tumibok ng mabilis ang puso ko. "Mag papalit lang ako ng pang tulog," sabi ko sa kanya. Pumunta naman ako sa nakaharang para doon ako mag bihis buti nalang madali lang tanggalin itong dress. Pag ka hubad ko kinuha ko ang pang tulog ko na kulay puti na pag amoy ko mabango na. Pag tapos kong mag bihis lumabas na ako at nakita ko na tulog na si Mark kaya naman napangiti ako. Oo nga pala pagod na pagod siya lumapit naman ako sa kanya sabay humiga. Niyakap ko siya at naramdaman kong nilagay niya ang kamay niya sa bewang ko para yakapin din ako. Napangiti ako sabay pinikit ko na din ang mga mata ko. Nagising ako dahil umuuga ang kama kaya naman napabangon ako at pag tingin ko si Mark inuuga ang kama kaya naman napapoker face ako. Hinampas ko siya at nagulat siya. "Bakit mo inuuga iyong kama nakita mong may natutulog pa dito!" Sigaw ko sa kanya at tawa naman siya ng tawa siguro wala na naman ito magawa. Akala ko ba may trabaho siya? "Oh akala ko ba may gagawin ka? Hindi ba dapat pag gising mo trabaho ka na agad?" Tanong ko sa kanya. "Bukas ko na sisimulan kasi hapon na." Nagulat ako dahil napatingin ako sa labas nakita ko na pababa na ang araw. "Bakit ngayon mo lang ako ginising? Hapon na pala!" sabi ko sa kanya at tumayo naman ako. "Ayokong istorbohin tulog mo, sarap sarap na ng tulog mo eh," sabi niya sa akin kaya naman napanguso ako. "Maliligo lang ako," sabi ko sa kanya pag punta ko sa kabinet ko nagulat ako dahil nakasabit doon ang dress na binili niya sa akin. Hinawakan ko naman iyon at tuyo na siya. "Tekha ang bilis naman matuyo nito?!" sabi ko sa kanya at pag lingon ko nakangiti siya sa akin. "Hindi naman talaga ako natulog. Nilabahan ko iyong dress na nabasa ng babaeng iyon tapos pinatuyo ko kaagad," sabi niya sa akin at unti unti naman ako napangiti dahil ginawa niya iyon. "Salamat!" Tumakbo ako papunta sa kanya sabay niyakap ko siya. Napayakap naman din siya sa akin. "Maligo ka na," sabi niya sa akin sabay napakalas naman ako ng pag kakayakap ko sa kanya. "Antayin mo ako dito," sabi ko sa kanya sabay kinuha ko ang tuwalya ko pati na din ang pang linis sa katawan ko. Nakita ko ang mga katulong na papunta dito sa gawi ko. Mukhang tutulungan na naman ako sa pag ligo ko kaya inunahan ko na sila. "Mag pahinga muna kayo para kunwari pinapaliguan niyo ako," sabi ko sa kanila at bigla naman sila napangiti. "Talaga po mahal na prinsesa?!" sabi sa akin at tumango tango naman ako bigla silang sumaya kaya napangiti naman ako. Umalis na sila at pinag patuloy ko ang pag lalakad ko papuntang banyo. Nang makarating na ako doon nagulat ako noong nandoon ang reyna kaya lalabas na sana ako pero bigla niya akong tinawag. "Hana wag kang mahiya maligo ka lang," sabi niya sa akin. Nakababad lang kasi siya sa spa. "Salamat po," magalang kong sabi sabay yumuko ako. "Salamat din at nandiyan ka parati sa anak ko," sabi niya sa akin habang nag sasabon ako ng ulo ko. "Wala po iyon!" sabi ko sa kanya at binuhos ko na ang tubig sa ulo ko. "Ganyan din kami dati sobrang mahal namin ang isa't isa at nag aalagaan kaming dalawa kahit hindi pa kami kasal." Nagulat ako sa sinabi ng reyna. Pag lingon ko, nakita ko na nakangiti siya. **
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD