Kabanata 12

2481 Words
Mark's Pov Lumipas ang dalawang araw nandito pa din kami sa palasyo ng Sullivan at hindi kami umaalis hangga't hindi daw ako gumagaling sabi ni Hana. Ngayon naman nakatitig ako sakanya. Kumakain siya habang ako nakatitig lang sa kanya sa totoo lang medyo nakakalakad na ako ng maigi. Hindi na masakit kapag mag lalakad pero inaalalayan pa din ako ni Hana. "Bakit mo ako tinititigan? Iyan iyong napapala na ayaw kumuha ng cupcake doon sa kusina kanina," sabi niya sa akin at tumatawa naman siya. "Mukha bang sa pagkain mo ako nakatingin? Ikaw tinititigan ko," seryoso kong sabi sa kanya at kitang kita ko ang pamumula ng pisngi niya. "Pasimple ka pa iyong pag kain ko tinitignan mo!" sabi niya sa akin kaya naman kinuha ko ng isang cupcake niya. "Pagkain pala ah sige kukuha talaga ako," sabi ko sa kanya at bigla niyang kinuha sa akin iyon. "Binibiro lang kita eh hindi ka naman mabiro," sabi niya sa akin at natawa naman ako sabay pinisil ko ang pisngi niya. Kinain niya na ang lahat kaya napangiti ako dahil ang lakas lakas niyang kumain. Pag tapos niyang kumain kinakapa niya ang pisngi niya kung may dumi iyon. Inangat ko naman ang kamay ko at pinunasan ko ang gilid ng labi niya sabay dinilaan ko ang kamay ko, bigla naman siyang nagulat sa ginawa ko. "Bakit mo ginawa iyon?" sabi ko sa kanya "Hindi mo makapa eh kays tinulungan na kita," sabi ko sa kanya sabay tumayo naman siya. "Tara labas tayo baka sakaling kaya mo na," sabi niya sa akin at tumayo naman ako ng tuwid. "Kaya ko naman na mag lakad ikaw lang kasi umaalalay sa akin kahit hindi naman na masakit ang paa ko," sabi ko sa kanya sabay hinawakan ko ang kamay niya. "Maalalahanin ako kung alam mo lang lalo na sayo," sabi niya sa akin. "Oo na tara na," sabi ko sa kanya at nag simula na kami mag lakad. Habang nag lalakad kami nakikita ko na masaya si Hana sa pag gagala namin. Buti naman at umepekto agad ang gamot na inilagay sa paa ko. Nakarating kami sa bilihan na nakita ko magaganda ang dress at iba't ibang kulay ang nandoon, bumitaw sa akin si Hana at tumingin siya sa mga dress na nandito. "Magkano po dito?" Tanong niya at hawak niya ang kulay pula na may halong asul kumikinang ang dress na tinitignan niya. "Mahal iyan binibini limang malaking ginto ang kailangan bago mo siya mabilis," sabi ng medyo matandang babae bigla naman nalungkot si Hana. "Mahal pala siya sige pipili nalang ako." Sagot ni Hana at tumingin siya ng iba. Lumapit naman ako sa medyo matandang babae. "Prinsipe Mark ikaw pala iyan, ano maipaglilingkod ko sainyo po?" sabi niya sa akin. "Kanina pa ako nandiro ngayon mo lang ako napansin? Gusto kong bilihin itong tinignan ng prinsesa ko," sabi ko sa kanya at nagulat naman siya sa sinabi ko. "Paumanhin kung hindi ko alam na prinsesa pala siya. Bebenta ko nalang ng isang malaking ginto ang dress na ito," sabi niya sa akin kaya binigyan ko agad siya at yumuko naman ito bilang pag galang sa akin. "Hana halika dito." Tawag ko sa kanya at napalingon naman siya sa akin. "Ano iyan binili mo iyan ng limang ginto na malalaki?!" Gulat niyang tanong sa akin. "Prinsipe ako kaya binigay na lamang niya ng isang malaking ginto," sabi ko sa kanya at nakita ko naman sa itsura niya na tuwang tuwa siya. Lumabas na kami at habang nag lalakad kami nakangiti pa din siya kaya naman hinawakan ko ang kamay niya sabay hinalikan ko siya sa noo niya. Napatingin naman siya sa akin at nagulat ako dahil binigay niya sa akin ang dress. "Ikaw mag bitbit ang bigat eh," sabi niya sa akin kaya natawa naman ako. Akala ko siya mag bubuhat eh inaantay ko lang na ibigay niya sa akin. Gumala pa kami sa ibang lugar na hindi niya napupuntahan at pag tapos namin mapuntahan ang lahat pagod na pagod siya kaya inaya ko muna siya na maupo kami sa malapit sa may puno. "Napagod ako doon pero hawak mo naman kamay ko kaya nababawasan ang pagod ko," sabi niya sa akin sabay nilagay ko ang ulo ko sa balikat niya. "Pagod din ako ikaw nag bibigay ng lakas sa akin," saad ko sa kanya. Hinimas himas ko ang kamay niya dahil sobrang kinis niyon kapag hinahawakan mo. "Salamat at nilibre mo na naman ako. Mahal na mahal mo talaga ako," sabi niya sa akin sabay napangiti naman ako. "Sabi ko naman sayo hindi mo na kailangan mag pasalamat sa akin," sabi ko sa kanya sabay tumingin ako sa kanya. Hinawi ko ang buhok niya na medyo nakaharang sa pisngi niya. "Hindi naman kasi ako spoiled," sabi ko sa kanya. "Hindi naman talaga, binibigay ko gusto mo dahil gusto ko makita mga ngiti mo," sabi ko naman sa kanya. Akala niya siguro hindi ko alam ibig sabihin ng spoiled pinag aralan ko lahat ng language. "Napaka lambing mo talaga sa akin," sabi niya sa akin sabay ngumiti siya. "Tara na mukhang mag gagabi na," sabi niya sa akin sabay tumayo naman siya. "Gusto mo bang sukatin iyong dress na binili natin?" Tanong ko sa kanya sabay ngumiti siya at tumango tango. "Oo kaya nga nag aaya na akong umuwi!" sabi niya sa akin masigla ang boses niya dahil napangiti ko na naman siya ngayon araw na ito. Nag lakad na kami pabalik sa palasyo ng Sullivan. Pag ka balik namin doon may mga tao na nakaabang sa gate mismo kaya naman dinaanan namin iyon at pinag tinginan kaming dalawa ni Hana. "Prince Mark sino itong binibini na dala niyo?!" "Napakaganda ng binibini na kasama ni Prince Mark!" "Isa din ba siyang prinsesa sa Sullivan?!" Ang daming sumisigaw at nakita ko na parang naiilang si Hana kaya naman hinawakan ko ang kamay niya sabay ngumiti sa kanya. Napangiti naman siya pero parang pilit iyon siguro iniisip na naman niya na hindi naman talaga siya prinsesa. "Princess from Creuch and soon to be my wife," seryoso kong sabi at biglang nag sigawan iyong mga tao na nandito. Napatingin si Hana sa akin at hinahatak ang damit ko. "Bakit mo sinabi iyon? Hindi naman─" "You are," maiksi kong sabi sa kanya sabay pinag patuloy na namin ang pag lalakad namin papasok mismo sa palasyo ng Sullivan. Pag pasok namin sa loob ng palasyo napahinto sa pag lalakad si Hana at nakita ko na naging malungkot ang mga mata niya. "Bakit ka nalungkot?" Tanong ko sa kanya at pag tingin niya sa akin iyong itsura niya para bang nag tatakha siya. "Hindi ka dapat nag sisinungaling Mark. Ang isang sikreto nalalaman din hindi mo matatago iyon habang buhay," sabi niya sa akin at kinuha naman niya ang dress na dala dala ko. Nauna naman siya mag lakad kaya naman sinundan ko siya sa pag lalakad niya. Pinigilan ko naman siya at pag tingin niya sa akin umiiyak siya kaya lalo akong natakot sabay niyakap ko siya. "I don't want you to cry. I'm sorry if i said that," saad ko sa kanya. "Naiiyak lang ako kasi parang pinapamukha mo sa akin na prinsesa ako kahit hindi naman," sabi niya sa akin. Hana's Pov "Basta wag mo na uulitin iyong mag sinungaling ha? Hayaan mo silang mapaisip kung bakit hindi ako prinsesa," sabi ko sa kanya at tumango tango naman siya kaya napangiti ako. "Masusunod po," sabi niya sa akin kaya natawa ako ng kaunti dahil nag 'po' siya sa akin. Pumunta naman kami sa guest room namin dalawa. Pag pasok namin doon inalis ko ang sapatos ko sabay inabot ko ang nasa likod ko na tali pero hindi ko siya matanggal. Bigla kong naramdaman ang kamay ni Mark na tinatanggal ang tali kaya tumibok ng sobrang bilis ang puso ko, para bang na freeze ako sa kinatatayuan ko at hindi na ako makagalaw dahil dumikit ang balat niya sa likuran ko. "Tapos ko ng alisin ayos ka lang ba?" sabi sa akin ni Mark kaya naman napahawak ako sa dress para hindi agad siya matanggal sa katawan ko at napalingon ako sa kanya. "Oo okay lang ako," sagot ko sa kanya. Nakatitig lang siya sa akin sabay bigla siyang tumalikod. "I won't peek so go try your dress," sabi niya sabay binitawan ko ang dress ko at kinuha ko ang binili namin. Sinuot ko naman siya at tali nanaman ang kabitan niya sa likuran para ma-lock kaya naman tinawag ko si Mark para lumingon siya. "Mark kabit mo ulit tulungan mo ako," sabi ko sa kanya sabay tumalikod ako. Naramdaman ko ulit ang kamay niya. Tumayo balahibo ko dahil nakikiliti ako sa pag kaskas ng kamay niya sa likuran ko. Tumibok ng mabilis ang puso ko nag init na din ang pisngi ko mararamdaman niya kaya iyong pag init ng buong katawan ko. "Ayos na," sabi niya sa akin kaya naman napabitaw ako sa harapan akala ko malalaglag pa siya. Humarap ako sa kanya at biglang nanlaki ang mga mata niya sa nakita niya. "Maganda ba?!" Tanong ko sa kanya. "Oo sobrang ganda at bagay na bagay sayo," sabi niya sa akin kaya naman humarap ako sa salamin at totoo nga napakaganda niya. Nakita ko na papalapit siya sa akin sabay niyakap niya ako mula sa likuran. Hinawakan niya ang bewang ko at nakita ko na nakatitig siya sa mga mata ko. "I want to kiss you," sabi niya sa akin at inamoy niya ang leeg ko nakilit naman ako sa ginawa niya. "Nakikiliti ako Mark," sabi ko sa kanya at bigla naman siyang tumawa. "Pero iyong kiss na sinasabi mo payag ako," sabi ko sa kanya sabay humarap ako sa kanya. Ako na mismo ang humalik sa kanya. Naramdaman ko naman na hinapit niya ng todo ang bewang ko palapit sa kanya. Habang hinahalikan niya ako tinaas ko ang kamay ko at nilagay ko iyon sa balikat niya. Kumalas na siya sa pag kakahalik niya sa akin at nakita ko na napakagat siya ng labi kaya naman nag takha ako. "Ayos ka lang ba?" Tanong ko sa kanya. "Oo," nauutal niyang sabi sabay tumalikod siya at ginulo niya bigla ang buhok niya. "Tatawag lang ako ng katulong para tulungan ka alisin iyong dress," sabi niya sabay lumabas naman siya kaya ako naman napaupo sa kama. Pumasok naman ang isang katulong at tinulungan niya akong alisin ang dress pag tapos niyon nag pasalamat ako. Sinuot ko na ulit iyong kanina ko na suot pag tapos niyon lumabas na ang katulong. Umupo ulit ako sa kama para hintayin na bumalik si Mark pero hindi siya bumabalik kaya nag alala ako. Lumabas ako ng kwarto sabay sinimulan kong hanapin siya. Kanina pa ako nag lalakad dito pero hindi ko siya makita. Bigla kong nakasalubong si Nyxon kaya agad akong lumapit sa kanya para mag tanong kung nasaan si Mark. "Nyxon nakita mo ba si Mark?" Tanong ko sa kanya. "Si Mark? Bakit umalis ba siya? Hindi ko siya nakita," sabi niya sa akin at aalis na sana ako ng bigla niyang hawakan ang pulsuhan ko. "May nangyari ba?" Tanong niya sa akin at nag init naman ang pisngi ko. "Wala," nauutal kong sabi. "Nakita ko siya pero hindi mo gugustuhin itsura niya ngayon. Kung ako sayo hayaan mo muna siya," sabi niya sa akin. Nag aalala ako baka kasi pangit iyong pag kakahalik ko sa kanya pabalik. "Ganoon ba? Salamat sa pag sabi Nyxon," sabi ko sa kanya at bumalik na lang ako sa guest room. Pag pasok ko sa loob ng guest room wala akong magawa dahil wala akong makausap. Lumipas ang ilang oras hindi pa din bumabalik si Mark kaya bumangon ulit ako dahil naiinip na ako. Lalabas na sana ako nang biglang bumungad sa akin si Mark na binuksan din ang pintuan. "Saan ka pupunta?" Tanong niya sa akin kaya naman napayakap agad ako sa kanya. "Saan ka ba nag punta? Kanina pa kita hinahanap nag aalala na ako dito tapos ikaw nag mumuni muni ka lang ata sa labas," sabi ko sa kanya at bigla naman siyang tumawa. "Hindi ako nag mumuni muni. May ginawa lang ako," sabi niya sa akin kaya naman napakalas ako ng pag kakayakap. "Ginawa? Mark wala ka sa palasyo mo para may gawin ka dapat nga nag papahinga ka pa eh," sabi ko sa kanya at lalo siyang natawa. "Oo nga pala wala pala ako sa palasyo ko," sabi niya sa akin nakita ko na namumula ang pisngi niya kaya hinawakan ko ang pisngi niya. "Medyo nakakailang iyong itatanong ko sayo Mark. May tumigas ba?" Tanong ko sa kanya at lalong namula ang pisngi niya. "Para sa lalaki lang iyon Hana. hindi mo dapat tinatanong iyon," sabi niya sa akin kaya natawa ako. "Pasensya na," sabi ko sa kanya sabay tumawa ako ng malakas. "Bukas uuwi na tayo sa palasyo namin. May aasikasuhin pa akong trabaho," sabi niya sa akin at umupo naman siya dito sa may sofa. "Marami ka pa palang trabaho na gagawin tapos nakikipag date ka sa akin araw araw," sabi ko sa kanya at natawa naman siya bigla sa akin. "Okay lang iyan. Kaya ko naman iyong trabaho ko kung gusto mo sumama ka sa akin bukas," sabi niya sa akin. "Hindi ka makakapag focus kaya tumigil ka diyan," sabi ko sa kanya sabay niyakap naman niya ako. "Sorry na, susunod na po ako sayo mahal na prinsesa," sabi niya sa akin sabay napangiti naman ako. "Good," sagot ko naman sa kanya. Maya maya inaya kami ni Nyxon sa dinner ngayon gabi kasama ang kapatid niya na babae na si Francheska. Eto na naman tayo sa masasamang tingin niya sa akin siguro nag seselos siya sa akin well pasensya siya sa akin na si Mark. Papunta na kami ni Mark sa hapag kainan. Mag kahawak kami ng kamay at ng makarating kami doon nandoon na din ang reyna at hari ng Sullivan. Umupo naman kami ni Mark. Nakatingin dito sa gawi ko si Francheska galit na galit 'yata siya kasi sa akin na si Mark. Akala naman niya mapupunta sa kanya si Mark kahit hindi ako prinsesa may kakayahan pa din ako na maging akin si Mark. "Natutuwa ako at dumalaw kayo dito sa Sullivan para gumala," narinig kong sabi ng reyna kay Mark. "Masaya ako at libre kami na gumala dito," sabi naman ni Mark at tumingin naman sa akin ang reyna mukhang hindi niya 'yata ako kilala. "Hindi ko alam na may kapatid ka pala na babae at sinama mo siya," nagulat naman ako sa tanong niya. "Hindi ko po siya kapatid. Kasintahan ko po siya," sabi naman ni Mark akala ko ang sasabihin niya 'prinsesa ko siya'. "Ganoon ba? Saan siyang palasyo galing?" Tanong ng reyna. "Hindi po siya prinsesa pero nag mamahalan po kami ng tapat at payag naman ang ina at ama ko," sabi naman ni Mark kaya napangiti nalang ako. **
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD