Kabanata 18

2497 Words
Nyxon's Pov Papunta ako ngayon sa Creuch Palace para ipag patuloy iyong trabaho na ginagawa namin ni Mark. Habang pinapatakbo ko ang kabayo naisip ko si Hana dahil tinuruan ko siya ng kaunting alam ko sa Archery. Maya maya nakarating na ako sa palasyo, bumaba ako sa kabayo at tinali ko sa may malapit sa puno iyon. Nag lakad naman ako papuntang garden pero nakita ko ang dalawa na si Hana at Mark na mag kahawak kamay. "Magandang umaga sa inyong dalawa!" Sumingit ako sa dalawa at napatingin naman ng masama sa akin si Mark kaya naman medyo lumayo ako. Alam ko kasing nag seselos siya. "Nandito ka na naman. May trabaho ulit kayo gagawin ni Mark?" Tanong sa akin ni Hana at tumango tango naman ako. "Ganoon ba? Sige Mark doon muna ako sa loob ng palasyo," saad naman ni Hana sabay umalis na siya pero bago makaalis si Hana, hinatak naman ni Mark ang kamay nito sabay hinalikan. Napatalikod naman ako at natawa na lamang ako ng mahina ng hindi nila maririnig. Pag lingon ko umaalis na si Hana si Mark naman tumalikod. "Hindi ko alam na mahal na mahal mo talaga si Hana." Pag bibiro ko na sabi sabay sinamaan naman niya ako ng tingin kaya natakot ako. "Bilisan mo kailangan na natin taposin agad iyong trabaho natin," saad niya sa akin at tumango tango naman ako. Pag pasok namin sa opisina niya umupo naman siya kaagad kaya nag salita ako para mag sorry sa kanya. "Pasensya ka na kung tinuruan ko siya kahapon. Huwag kang mag selos sa aming dalawa kasi may iba naman na akong gusto," saad ko sa kanya at tinignan na naman niya ako ng medyo masama. "Alam ko iyon na medyo tinuruan mo lang siya pero kailangan niya ng seryosong turo. Kailangan kapag nag kamali siya pagalitan mo kaya naiinis ako kahapon pa," sabi niya sa akin kaya naman hindi ako nakaimik. Binigyan naman niya ako ng mapa ng palasyo kung saan doon naman kami may aayosin. Habang tinitignan ko ang mapa, napaisip ako kung paano kaya namin maaayos 'to. Bakit kurtina iyong nandito?! Hindi ko ba alam kung tatawa ako o kung tatawa ako ng malakas na malakas kasi ang nakalagay din sa notes linisin ng maigi ang kurtina dahil nag rereklamo ang prinsesa. Parang kilala ko na kung sino ang prinsesa na tinutukoy niya kaya naman tinupi ko ang papel sabay binigay ko sa kanya iyon. "Seryoso ba itong trabaho na gagawin natin? May mga katulong naman para linisin iyong kurtina ah?" sabi ko sa kanya at bigla naman niya akong tinignan ng masama kaya natakot na naman ako. "Mabigat iyong kurtina naalala ko, nakakaawa naman iyong mga katulong mga babae sila at hindi sila pinag bubuhat ng mabibigat," sabi niya sa akin. "Ibig sabihin mga prinsesa din mga katulong?" Pag ka tanong ko niyon bigla niya akong binatukan kaya napakamot ako ng ulo ko. "Tara na," sabi ko at binigyan naman niya ako ng pang linis. Siya naman hawak niya kurtina na bago. Lumabas na kami ng opisin at pumunta na kami sa kwarto daw nila ni Hana. Habang papunta kami doon, napadaan kami sa pinaka malaking room kung saan ginaganap ang ballroom. Nanlaki mga mata ko ng makita ko si Hana na sumasayaw doon kaya napahinto naman ako. Hana's Pov Habang sumasayaw ako bigla namang narinig kong bumukas ang pintuan kaya napahinto ako. Nakita ko na si Mark iyon at si Nyxon. "Galing naman." Biglang pumapalakpak si Nyxon at pati na din si Mark kaya napangiti naman ako. "Gusto niyo ba turuan ko kayo sumaya kagaya ng ginagawa ko?" Tanong ko sa kanilang dalawa. "Matigas katawan ko," sabi ni Mark kaya naman nag tawanan kaming dalawa ni Nyxon pero habang nakatingin ako sa kanya namumula ang pisngi niya. "Ako turuan mo ako Hana," sabi sa akin ni Nyxon pero bigla naman hinila ni Mark si Nyxon palayo sa akin kaya natatawa ako. "Tara na may gagawin pa tayo," seryoso na sabi ni Mark. Pag tingin ko kay Mark ngumiti siya sa akin kaya napangiti din ako sa kanya pabalik. Pag ka alis nilang dalawa kinuha ko naman ang tubig ko na nakalagay sa baso. Ininom ko iyon at nag lakad naman ako palabas nakita ko iyong dalawa na nag lalakad. "Teka lang sabay ako sainyo saan ba kayo pupunta? Tsaka bakit may dala kang kurtina Mark?" Tanong ko sa kanilang dalawa. "Hindi ba sabi mo naiyak ka dahil sa alikabok doon sa kwarto natin iyong kurtina?" sabi naman ni Mark sa akin kaya napahinto ko. "Hindi naman iyon totoo eh." Mahina kong sabi at bigla naman silang napahinto. "Sabi ko sayo ang mga babae mahilig mag tago ng nararamdaman Mark." Narinig kong sabi ni Nyxon. Napaluhod naman si Mark sa akin sabay tinignan niya ako sa mga mata kasi nakayuko ako. "Bakit ka nag sinungaling?" Tanong sa akin ni Mark. "Kasi ayokong mag alala ka sa akin. Namimiss ko lang naman kasi iyong pamilya ko sa taon ko," sabi ko sa kanya sabay niyakap naman niya ako. "Ayos lang iyan," sabi niya naman sa akin. Nakita ko na nakangiti si Nyxon sa aming dalawa sabay napailing iling. "Kakaiba kayong dalawa mag mahal," sabi ni Nyxon. "Pwede na 'yata akong ninong sa anak niyo para marami akong makuwento sa magiging anak niyo," sabi niya sa amin kaya naman nag tawananan kaming tatlo. "Gusto ko nga na magiging anak ko babae," sabi ko kay Mark. "Gusto ko lalaki para susunod na maging hari," saad naman ni Mark sa akin. "Bakit iyong babae pwede naman maging reyna sa ibang palasyo ah?" sabi ko sa kanya at nagiisip pa talaga siya kaya naman pinatayo ko na siya. "Wag ka ng mag isip. Oo na magiging lalaki anak natin balang araw," sabi ko sa kanya bigla naman siyang ngumiti. "Wala na tayong trabaho na gagawin ngayon. Gusto mo ba maaga turo ko sayo ngayon para maaga din pag pahinga natin?" Tanong sa akin ni Mark. "Pwede ba akong sumali diyan?" Tanong ni Nyxon. "Sige sali ka!" sabi ko kay Nyxon. "Ibabalik lang namin 'to. Mag palit ka na ng suot mo," sabi sa akin ni Mark kaya naman tumango tango ako. Nag iba na sila ng daan at ako naman dali daling bumalik sa kwarto. Kinuha ko ang kulay green na kagaya na sinuot ko kahapon. Long sleeve tapos palda siya sinuot ko na din ang boots na kulay brown. Pag tapos kong mag bihis lumabas na ako ng kwarto, papunta na ako sa garden kasi doon malapit ang Sword Room at nakita ko naman ang dalawa na nakasuot ng armor. Pakiramdam ko nakipag labanan na sila na mag kasama. "May tanong ako sainyong dalawa." Sumulpot naman ako sa kanila pero parang hindi naman sila nagulat sa akin. "Ano iyon?" Sagot nilang dalawa. "Nag kasama na ba kayo sa labanan?" Tanong ko sakanila. "Minsan lang kami mag kasama sa labanan. Kapag kailangan ng madaming kawal ni Mark sinasama ko mga kawal ko sa kanya pati ako kasama na din doon," sabi niya sa akin at napatango tango naman ako. "Ibig sabihin magaling kayong dalawa sa labanan?" Tanong ko ulit. "Mas magaling si Mark kaysa sa akin," sabi niya sa akin at napatingin naman ako kay Mark na kakapasok lang sa loob ng Sword Room. "Mukhang ayaw pa 'yata umamin ni Mark." Dugtong na sinabi ni Nyxon sa akin kaya pumasok na din kami sa loob. Kinuha ko na ang armor ko doon. Sinuot ko na 'yon sa akin at kinuha ko espada na kahoy sabay humarap sa kanila .Bigla naman natawa si Mark. "Hindi na iyan iyong gagamitin mo. Totoong espada na para mas lalo kang masanay," sabi niya sa akin at binitawan ko naman ang kahoy na espada. Kinuha ko ang ginamit ko kahapon na kulay silver. "Isipin mo naman ngayon na kahoy lang iyan hawak mo para hindi ka natatakot. Ganoon din isipin mo sa hawak ko," sabi niya sa akin. Pumorma naman ako para sumugod sa kanilang dalawa. "Una mong lulusugin si Nyxon." Dugtong niyang sabi sa akin kaya naman mabilis akong sumugod kay Nyxon. Bigla naman naging seryoso ang tingin sa akin ni Nyxon kaya naman nag focus ako sa bawat galaw niya. Habang nag lalaban kaming dalawa, hindi naaalis ang tingin ko sa kanya habang gamit niya lang ay isang kamay at ako dalawa. "Mag focus ka lang Hana. Wag kang madidistract tandaan mo iyan kahit na tumawa siya o mag patawa siya," narinig kong sigaw ni Mark sa akin. Bigla naman ako napatingin sa gilid ko dahil lumusog si Mark kaya naman mabilis akong yumuko. Nakita ko na papalapit ang espada ni Nyxon sa mukha ko ng bigla kong hinarang ang espada ko. Buong lakas ko siya itinulak sumunod naman si Mark. "Kaya mo ba ako?" sabi niya sa akin kaya naman pinilit ko siyang itulak pero hindi ko magawa dahil madiin ang pag kakahawak niya sa espada niya. "Kaya kita kahit lalaki ka. Hindi mo ba alam lahat ng ginagawa ng lalaki kaya din namin mga babae!" sabi ko sa kanya sabay naitulak ko siya at napaatras naman siya ng kaunti. "Magaling," sabi ni Mark at hiningal naman ako doon dahil mabilis ang pangyayari. "Bakit parang mahirap na 'yata iyong tinuturo mo sa akin?" Tanong ko sa kanya at bigla naman siyang napatingin sa akin. "Napansin mo? Buti naman at napansin mo iyon," sabi niya sa akin at lumapit naman ako sa kanya habang nag pupunas siya ng pawis niya. "Dapat sinasabi mo sa akin na mahirap na iyong tinuturo mo kaagad sa akin," sabi ko sa kanya. "Hindi na dapat sinasabi iyon kasi alam ko mas lalo ka lang kakabahan kapag sinabi ko na mahirap na iyong ituturo ko sayo," sabi niya sa akin kaya naman napailing iling nalang ako. "Wag ka mag alala marami ka pang matututunan nag sisimula palang naman tayo." Aniya nya sa akin. "Kung ganoon lalo akong lalakas kung ganito ang sitwasyon," sabi ko sa kanya sabay napangisi ako sa kanya. "Iyan ang gusto ko sayo. Napakatapang mo talaga," sabi ni Mark. "Huwag niyo ako kalimutan nandito din ako." Bigla naman sumingit ng usapan si Nyxon kaya naman nag tawanan kaming tatlo. Nag simula na ulit kami makalipas ng ilang oras napagod na ako. Umupo muna ako habag nag papahinga ako nakita ko na nag alis ng armor si Nyxon ganoon na din si Mark kaya naman nag takha ako. "Tekha tapos na iyong pag turo mo sa akin?" Tanong ko sa kanya. "Oo, kailangan mo na mag pahinga. Halatang pagod na pagod ka naman eh," sabi niya sa akin, bigla naman nag init ang pisngi ko. Tinanggal ko na din ang armor  ko pag tapos niyon nilugay ko ang buhok ko. Habang inaayos ko ang armor bigla naman may yumakap sa akin. "Wag kang mag lulugay sa harapan ng ibang lalaki. Sa akin lang dapat," bulong sa akin ni Mark. "Edi itali mo ulit," sabi ko sa kanya sabay binigay ang tali sa kanya. Naramdaman ko naman na hinawakan niya ang buhok ko. Lumabas na kami ng Sword Room nag paalam naman si Nyxon na uuwi na siya. Pumayag naman si Mark habang kami papasok sa loob ng palasyo. "Anong oras na ba? hindi ko nakita iyong orasan doon." Tanong ko sa kanya. "Alas kuwatro palang. May libre pa tayong oras para makapag kwentuhan," sabi niya sa akin. "Ano naman gagawin natin?" Tanong ko sa kanya sabay pumunta kami sa library. Dito may hinahanap naman siyang libro kaya umupo muna ako. Pag ka upo ko, may bitbit siyang makapal na libro at nilapag iyon sa harapan ko. Binuksan niya iyon at may mga litrato iyon na galing sa labanan. "May ipapabasa lang ako sayo na tungkol sa labanan dati," sabi niya sa akin at tinuro naman niya ang babasahin ko. Nag simula naman ako mag basa habang nag babasa ako tahimik naman si Mark. Medyo mahaba siya iyong babasahin ko kaya matagal kaming nandito hindi ko na namalayan ang oras. Pag tapos kong mag basa nakita ko na natutulog na si Mark. Sinarado ko naman ang libro na pinabasa niya sa akin inilapit ko ang mukha ko sa mukha niya. Habang natutulog siya hinalikan ko sya sa noo niya sabay napangiti naman ako. Napangisi naman ako at tumayo ako sabay inalis ang boots ko. Tinanggal ko ang tali ng buhok ko sabay inimagine ko na may hawak akong espada. Pumikit ako at naalala ko ang mga tinuro sa akin na galaw. Habang gumagalaw ako naiimagine ko din na may mga kalaban ako. Napahinto lang ako dahil narinig ko ang boses ni Mark. Napadilat ako at gulat na gulat siya. "Anong ginagawa mo?" Tanong niya sa akin sabay lumapit naman siya sa akin at tinignan niya ang kamay ko. "Wala ka naman hawak pero bakit parang may hawak ka habang nakapikit ka?" Tanong niya sa akin kaya napangisi ako. "Iniisip ko na may kalaban ako at inalala ko ang mga bawat galaw na tinuro mo sa akin," sabi ko sa kanya. "Kaya mo na nakapikit ka?" Tanong niya sa akin. Tekha ano bang itsura ko kapag nakapikit ako na nakikipag laban? "Ano ba iyong itsura ko? Mukha ba akong tanga?" Tanong ko sa kanya. "Magaling ka din kahit nakapikit iyong mga mata mo," sabi niya sa akin kaya naman lalo akong nagulat. "Talaga ba?!" Tanong ko sa kanya at tumango siya. "Hindi ako makapaniwala. Gusto ko din matutunan iyong nakapikit na nakikipag laban pakiramdam ko mas magaling ako," sabi ko sa kanya. "Susubukan natin iyan bukas kung gusto mo," sabi niya sa akin sabay tumango tango naman ako pag kasabi niya niyon sa akin. "Sige gusto ko iyan!" aniya ko sa kanya at natawa naman siya. "Sigurado ka?" Tanong niya sa akin. "Oo seryoso ako at sigurado ako," seryoso kong sabi sa kanya kaya naman napangisi siya. "Alam ko na magiging resulta kapag lumakas ka lalo. Ikaw iyong tatawagin nila na Queen of Battle," sabi niya sa akin kaya naman natawa ako. "May ganoon ba?" Tanong ko sa kanya. "Oo meron ganoon sa ibang palasyo," sabi niya sa akin. "Tara mag basa ka pa ng ibang labanan," sabi niya sa akin sabay nag hanap naman siya ng libro na ipapabasa niya sa akin. Habang ako sinuot ko ang boots ko sabay umupo ako sa silya dito at maya maya may dala siyang dalawang libro at nilapag niya iyon sa lamesa. Binuksan ko naman ang isa sabay tinuro niya kung saan ako mag sisimula mag basa. Binasa ko naman iyon medyo mahaba siya pero sinubukan kong mag basa. Habang nag babasa ako pakiramdam ko kasama din ako sa labanan kaya naman napangisi ako mukhang mas lalo akong lalakas kapag may nakuha akong ideya dito kung paano makipaglaban ng mas maigi. Pag tapos kong mag basa ng isa, iyong isa naman ang binasa ko medyo mahaba din siya at naiisip ko iyong mga nangyayari sa binabasa ko. "Mukhang maganda iyong kwento dito sa isang libro na natapos mo." Narinig kong sabi ni Mark. "Oo maganda nga," aniya ko naman. **
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD