Episode 4

2014 Words
I never hated Tuesday as much as I hated Monday morning. Kapag naiisip ko na babangon ako ngayon at makikita ko na naman si Zach, yes, hindi na professor Zach, ay talagang kumukulo ang dugo ko. Isang beses ko lang siyang nami-meet actually sa klase. Every Tuesday iyon before lunch. I do not hate his subject, I love accountancy okay. Ayaw ko lang talaga sa nagtuturo. Kahit na dapat every Tuesday ko lang siyang nakikita ay nakakasalubong ko pa rin siya madalas. Popular siya sa mga babae at binabae sa university namin. Binansagan pa nga siyang 'The Professor Hunk of St. Lucaz University'. Bulag ba sila? Adik na adik sila sa two faced professor na iyon. Malay nila ay mukha lang siyang gwapo at inosente. I shook my head pushing those thoughts away. Masyado naman niya atang kinakain ang sistema ko? Hindi pwede ito! Like I am always saying, no man can rule me. I started doing my usual morning routine. Una ay naligo muna ako. I was showering and taking the time of my life, nang makaramdam ako ng kilabot. You know that instinct like someone is watching you? Ganoon na ganoon 'yung nararamdaman ko. It feels like someone is watching me. Minumulto na ata ako! s**t! Ang creepy! Kaya naman binilisan ko na ang pagligo ko, hindi na rin ako kumain ng breakfast Basta pagkabihis ko ng damit ay lumabas na ako sa apartment ko. Gusto ko man sanang lumipat ng lugar, regalo ito sa 'kin ng Papa ko. Wala akonv balak na umalis diyan. At kung siniswerte nga naman ako ano, kakalabas ko lang ng pinto ay nakita ko na sabay ring lumabas si Prof. Zach sa kanyang condo. He looks at me with the same expressionless face. Huwag niya akong matingnan-tingnan gamit iyang pokerface niya, ha? Hindi iyan tatalab sa akin! Kakainis. "What?!" singhal ko sa kanya at nang hindi niya ako kinibo ay diretso elevator na ako. Who cares about him anyway. Excited na ako mag-grad para mabawasan naman ang salot na tulad niya sa buhay ko. Annoyingly, pumasok din siya sa elevator, and kami lang dalawa ang nandoon. It is so cringy na kasama ko siya ngayon sa isang close space. "You really hate me, Ms. Del Rey?" sabi niya sa akin habang nakangisi. I crossed my arms while looking at him. He is so impossible, like duh! Paano ko naman nagugustuhan ang ugali niyang ganyan. I tried not to talk to him in this damn elevator na hindi ko alam kung bakit ang bagal bumaba! Parang nananadya e! Stupid! Kaso papansin talaga itong sir ninyo. Lagi siyang nagtatanong sa akin. And take note! He is so creepy. Gwapo siya pero alam niyo iyon, hindi ako sanay sa presence niya. Laking tuwa ko nang sa wakas ay bumukas na ang elevator! Dapat five minutes lang ang pagbaba namin pero umabot ng twenty minutes. Wala naman akong pakialam sa oras ng klase, may paki ako kung gaano ko katagal nakasama itong si ZACH sa loob ng elevator. Sumakay na ako sa motor ko nang makarating ako sa parking lot. Hindi ko na siya pinansin pa kanina. Bakit po pa ba siya papansinin? Baka lalo lang ganahan na mamikon iyon. 15 minutes had passed, at nakarating na rin ako sa wakas sa University. Nothing is new maliban sa nakakatamad talagang pumasok rito. Ang iniisip ko na lang tuloy ay 'yung nightlife ko mamaya. I missed drinking to my hearts content. Pumasok ako sa unang subject ko at halos kalahati lang kami na nasa klase roon. Wala din si Tanya and Brianna, which is I am very glad. Wala akong oras sa mga nakakainis na tili at kwento nila. The bell rang and it is the end of our subject so pumunta na agad ako sa second subject. Nandoon na agad ang ilang babae kong kaklase, nandoon na rin si Zach na tiningnan ako with that amuse stares. Like hell! Pumasok ako na hindi man binati si PROFESSOR Zach. Sa pinakalikod ako pumwesto sabay salong baba. He started doing his usual teaching session. Magaling siyang magturo. After all, kilala siyang businessman at talagang matalino raw siya. Hindi naman ako nagda-doubt doon, pero kung gaano siya katino, ganoon din siya nakakainis. He is the perfect definition of an asshole. Hindi ko na lang siya pinansin at nagsulat na lang ako ng tula sa notebook ko. I was busy writing when I felt a presence of someone tall guy standing in front of me. "What are your doing Ms. Del Rey that is more interesting than my subject?" Nag-angat ako ng tingin dahil ang nakakainis na lalaki na naman ito. Umismid ako at ibinalik ang notebook ko sa loob ng aking sling nag. I glared at him at saka nag-iwas ng tingin. "Ms. Del Rey! Pumunta ka mamaya sa opisina ko!" Iniwan na niya ako sa upuan ko na nagtataka. Like what the hell?! Lahat tuloy ng mga kaklase ko na babae ay masamang nakatingin sa akin, even Tanya and Brianna. I just rolled my eyes. Bitches. Natapos ang klase at expected ko ng lalapitan ako ng dalawa. Tanya looks grumpy, while Brianna cannot hide her rage on her eyes and pouted lips. "Hi Friend," saad ni Tanya sa maarteng tono. ''Nilalandi mo ba si Sir?" she asked while glaring me. Tumayo naman ako at dahil mas matangkad ako sa kanila ay napaatras ako. They are too much for me! "I do not have enough bullshit to the two of you." Akmang aalis na ako nang hilahin ako ni Brianna. "Umaalis ka na ba sa pagkakaibigan na ito? Gusto mo rin bang mapasama sa mga binu-bully namin? If hindi lang naman sa pera mo! Hindi ka namin isasama sa grupo." Binigyan ko sila ng nakakamatay na ngiti. "Friendship? Alam ba iyon ng mga tulad ninyong plastik?" Napasinghap sila at ng mga nakikinig sa amin sa sinabi ko. "How dare you!" Sinampal ako ni tanya habang pulang-pula ang mukha niya. Binigyan ko siya ng madamang tingin sabay suntok diretso sa mukha niya. Pinagtulungan nila ako, but I got the better hand. Sadyang matatalas lang ang mga kuko nila kaya nasusugatan ako. Pero mas nabugbog ang mga mukha nila. Kung hindi pa kami pinigilan ng mga prof ay baka itapon ko na silang dalawa sa bintana! These clowns! Ang sasarap nilang tadyakan! NOW we are stuck in the guidance office. Kasalanan ng dalawang mahaharot na haliparot na umiiyak ngayon. Iyakin ampota! Ang sarap nilang durugin. They are obviously acting like a victim. Ako ang sinabihan nilang nagsimula ng gulo. Pero inismiran ko lang sila. "Makakarating ito sa Daddy ko!" galit na saad ni Tanya. Like I am so scared. "E 'di maganda! Para naman may dahilan ako upang durugin iyang pipitsugin ninyong kompanya!" Mukhang natakot naman sila. Dahil hindi basta-basta ang kompanya na namana ko sa mga namatay kong magulang. They left with no choice but to back down and accept the punishment. At the end of the day, kapag mahina ka at ang kapangyarihan at impluwensya mo, talo ka. Ngayon ay kasama ko ang tito ko na may ari ng university na ito. Nasa opisina niya kami at alam ko na kung ano ang ibig sabihin nito. Sermon na naman. "Ano? Hindi ka na ba talaga magbabago Alesha? Anong gulo na naman ba ang pinasok mo?" tanong niya. Napairap ako sa kawalan. "Pwede bang umalis na ako?" "Alesha! Pwede bang huwag ka ng gumawa ng gulo ulit? Lagi ka na lang nagiging sakit ng ulo namin? Dahil ba ito sa maagang pagkamatay ni Kuya Zed at ate Lilia?! Kaya ba lumaki kang ganyan?!" He hit me below the belt. Napahampas ako ng malakas sa lamesa. Namumula ang muka ko sa galit. "Stop dragging my parents name here! Kahit tito pa kita ay hindi kita uurungan! Sana ikaw 'yung sinampal ng Tanya na iyon para ikaw ang nagdesisyon kung lalaban ba ako o hindi." Umalis ako sa opisina na iyon. Kung ako lang ang dating Alesha. Iiyak siguro ako na umaalis sa opisina na iyon. Pero iba na ang sitwasyon na iyon. Wala na akong pakialam sa mga sasabihin ng ibang tao. They can throw their bullshit whoever they are. Pero huwag lang nilang idadamay ang magulang ko. Magkakamatayan talaga kami panigurado. Umuwi na ako at alam ko na mag-iiba na ang last year ng pag-aaral ko sa school na ito. Brianna and Tanya will try to get even with me. Alam ko na gaganti sila sa abot ng makakaya nila. Pero subukan lang nila. Subukan lang nila para magkaalamanan na. Ang mas nakakainis ay dahil lang sa isang lalaki ay magbabago ang buhay ko. Ni wala nga akong pakialam sa kanya. Pagdating ko sa condo ay naghanap ako ng ibang bar gamit ang phone ko. Ayaw ko na sa bar na pagmamay-ari ni Tanya. Maraming higad doon. Maghahanap na lang ako ng mas high class. Hindi naman ako nabigo. Ang ptoblema lang ay sobrang lakas ng ulan para lumabas ako. Kaya naisipan ko na lang na magkulong sa kwarto ko. At ngayon ako nagsisisi. Wala na akong stock ng pagkain at baka mamatay na ako kapag hinintay ko pa 'yung order ko ng pagkain. I was sighing so loud nang may kumatok sa pinto. Baka' yung delivery man na iyon! To my dismay ay iba palang tao, at 'yung taong ayaw ko pang makita. Ang kapitbahay ko pala. "What are you doing here?" Ipinakita niya lang 'yung bitbit niyang alak at pagkain at saka na pumasok sa condo ko. "Hey! Bakit ka bigla na lang pumapasok?!'' inis na bulyaw ko sa kanya. "Saluhan mo na lang ako sa pagkain kaysa nagrereklamo ka, Ms. Del Rey." Aba! Anong nakain nito? "Balak mo ba akong lasunin?" Kinain niya 'yung dala niyang lasangna at buttered shrimp. "Hindi naman ako namatay," sarcastic na sabi nito. Lumapit na lang ako sa pwesto niya at inilipat sa plato ang mga dala niya. Nagbukas ako sa dala niyang beer in can at nilagok ito bago kumain. He is looking at me with an amuse smile. "What?!" Pinaningkitan ko siya ng mata. "Nothing, thank you ha?" he sarcastically said. "Yeah." Kumain lang kami ng maayos. Okay pala siya kung hindi siya magsasalita. I like him more kung hindi niya paiiralin ang kasungitan niya. "Hindi ka pumunta sa opisina ko," he said. Paano naman ako pupunta roon. Eh pinagtulungan ako ng dalawa niyang fans. "Come on, you know what happened." "Yeah, I did not know that those two are so obssess with me." "Kapal..." Ang kapal talaga ng mukha niya. He cackled. "Hindi mo pa nilagyan ng first aid mga kalmot mo?" "Hindi na ako nakabili kanina pauwi..." maikling sabi ko bago simutin ang buttered shrimp. Ang sarap! Saan kaya niya binili 'to? "You like my food, great." "You are kidding me," sabi ko sa kanya with stern look. He can't cook! He should be! "Well, ako ang nagluto sa mga iyan." Grabe, naiinggit ako bigla. Ako kasi kapag nagprito ng hotdog, agad na nasusunog. "Fine, ikaw na ang talented!" May inilabas siya sa pocket niya. Betadine iyon at mga band aid at naka-plastic na cotton balls. "No, I am fine!" Pero wala rin naman akong nagawa nang linisan na niya ang mga sugat ko. As much I hate him okay din naman pala siya. "So? Aalis na ako?" he said at tumayo na. Tumango na lang ako at inihatid aiya sa pinto. "Yeah, thanks for the food." Umalis na rin naman siya at ako naman ay humiga na sa aking kama. I am thinking about how my life will end up again. Marami na namang magbabago, and I hate adjustment. I just fall asleep and thinking about my life turning event. KINABUKASAN ay wala akong pasok ng umaga kaya naman tanghali na akong nagising for my 3pm class. Wala rin naman si Tanya at Brianna dahil naka-confine daw. Napakaarte talaga. Sana binalian ko na sila ng leeg para may dahilan sila. I am on my economics subject nang may pumasok na lalaki. Estudyante din siya at mukhang may ibang lalaki na naman titilian ang mga kaklase ko. "Hi, my name is Nathan."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD