Prologue
The wind chime sounds like a nostalgic thing to her. Agad akong ngumiti at hinarap na ang mga customer sa aking shop.
Mag-aapat na taon na itong napatayo kong business- ang 'Su Su Na Milktea Shop', dito sa Bangkok. Limang taon na ako halos na naninirahan dito. After that incident.
Kamusta ang buhay ko rito? Very big adjustment. Sa pamumuhay pa lang ay napakalaki ng adjusment na ang ginawa ko. I have to learn their language, culture, holidays and how this business works from the scratch. Mahirap pero kinaya ko, wala na akong dahilan para manatili sa Pinas.
I cannot afford to see him again. I don't want to go through the same pain again. Iyon na ang leksyon na ayaw ko nang balikan pa. I don't want to be loved, wherein it is all just an illusion.
Nabalik ako sa wisyo nang makita na madilim na sa labas. Hindi na rin gaanong marami ang mga tao. Kaya naman ipinaubaya ko na sa mga empleyado ko ang mga natitira pang gawain. Halos half Pinoy or pure Pinoy sila.
Bumalik na ako sa office at nandoon lang ang baby Alek ko. Four years old na siya. At kung may isang biyaya lang ang ibinigay ni Zach sa buhay ko. Si Alek iyon... Ang anak ko lang ang dahilan kung bakit patuloy pa rin akong lumalaban.
''How is my baby doing?'' tanong ko sa aking anak.
Bibo naman na sumagot ang anak ko. "Okay lang po Mommy! Tuloy po ba ang uwi natin sa Pilipinas?" tanong ng anak ko na nasasabik.
Yeah, you heard it right and clear. I and my son need to fly papuntang Pilipinas. We will stay there which is good for 1 month lang. May kailangan akong asikasuhin, sabi ni Aunt Mabel. Kaya wala akong magagawa kahit na ayaw ko.
"Yes, anak, we will finally visit the Philippines!" masayang sabi ko. Tuwang-tuwa naman ang anak ko.
"I want to see a real Philippine Eagle, Mommy! Can we? Please po? Please?" pamimilit ng anak ko habang pinupugpog ako ng halik sa mukha. My sweet child.
"We will visit the Manila Zoo anak, I will assure you. Maraming animals doon, at titiyakin ko na mag-e-enjoy ka," sabi ko sa anak ko.
Iniwan ko na siya muna roon. Malapit na rin ang closing namin, and our house is just few blocks away, kaya naman okay lang sa akin na late ang pagsasara nitong shop.
Iniisip ko pa rin hanggang ngayon ang pag-uwi namin sa Pilipinas. I made a lot of effort just to hide from him, I cannot afford to just let him see us. Sabagay, imposible na iyon...
I found myself looky at the mirror. Hinawakan ang mukha ko at mapait na ngumiti.
Four years ago ay pinapalitan ko na ang mukha ko. I did not look like entirely the same girl he fooled. Wala na ang mukha na kinakabaliwan niya.
I want to erase him in my life, in the history of mine. At alam ko na sa tamang panahon. He will just be a scar on my past, bit the wound is still so deep, kaya naman hanggang ngayon ay hindi pa ako tuluyan na ayos na. Every wound still needs a time to heal.
DUMATING ang araw na kailangan kong asikasuhin ang lahat. From our passport to Visa and everything. I also arrange the schedule of my business. May pinagkakatiwalaan naman akong tao na pansamantalang hahawak muna sa business ko.
I SWEAR that as we landed at the same airport, where I cried miserable 5 years ago. It hits me suddenly. Parang sumariwa yung mga bagay na pilit kong nilimot sa Bangkok. I thought, it won't be as painful as I imagine.... But guess, I am wrong, so wrong.
Sinamahan ko na ang anak ko. Uuwi kami sa isang condominium na inasikaso ni Auntie Mabel. Everything is settled, which is good for a month of living here in the Philippines. Kung pwede ko lang hilahin ang oras.
I know that the probability of meeting him again is so small. Pero hindi ko hahayaan na makita niya ako, ni makilala man lang. I won't let him barge on my life again. He f*ck up really hard once, why the hell I should let him go twice?
Pagod ang anak ko, kaya nasa isang taxi vehicle pa lamang kami ay bagsak na siya. Kanina pa papikit-pikit ang kulay abong mga mata niya. Sa akin niya namana iyon, unexpectedly ay habang lumalaki ang bata- mas nagiging kamukha niya ang tatay niya.
But I promise, from the day he was born. Hindi ko hahayaan na matulad siya sa ama niyang walanghiya. Papalakihin ko siya na isang mabuting tao. A person who doesn't use other person too, just to satisfy their fantasy.
HINDI na rin naman masama ang bagong condo na napili ni Auntie. It is huge, and comfortable to stay. May laman na ang ref namin kaya hindi na ako maaabala na lumabas pa para sa makakain namin ng anak ko...
Napaupo na lang ako sa sofa at bagod na huminga. Iba pa rin pala talaga ang lupang sinilangan ano? Life in Bangkok is different here in Makati. Same busy streets and life, but different atmosphere.
I was in deep thinking, nang mag-ring ang aking phone. It is my Auntie Mabel... I answered her call.
"Yes Auntie?" tanong ko.
"Mabuti at nakauwi ka na ng ligtas. How is my apo?" tanong niya.
"Alek is sleeping Aunt. Bukas mo na lang siya kausapin," maikli na sabi ko.
"I see, you are still having that jet lag. Sige, rest well dahil kailangan na natin na maasikaso ang business..." Wala naman akong pakialam sa sinasabi niyang business e. Go to the flow na lang ako.
"Okay." Ibinaba ko na ang tawag.
PARA akong binabangungot ng gising. Hindi ko akalain na nasa harapan ko siya, habang nasa mukha niya ang galit at nasa sitwasyon ako na akala ko, ay sa panaginip na lang mangyayari.
"Ikaw si Alesha! You can f*king change your face, but you cannot hide your eyes on me. Ang tagal kitang hinanap!" ani niya sa akin.
"PWEDE BA BITAWAN MO AKO!" mariin ko na sigaw sa kanya. We are on the seaside, birthday ni Auntie. And I have no idea, why this guy is here!
"Hindi kita kilala Sir. Kaya pwede ba? Leave me alone, get out of my life," saad ko. Pilit ko pa rin na iniiba ang usapan. I forgot to wear my contact lense!
"You cannot fool me Alesha! You are f*cking mine. And if you are thinking of escaping, think again! You cannot leave me again. Never... Never Alesha, lalo na at may anak pala tayo!" saad niya na ikinakaba ko.
Paano niya nalaman!