HINDI ako pinatulog magdamag ng halik na iyon. Hindi lang isang simpleng halik iyon. Dama ko pa rin sa aking alaala kung paano gumalaw ang labi at dila niya na humihingi sa akin ng permiso. At naalala ko rin na tumugon din ako sa mainit na halik na iyon. Hiyang-hiya ako ngayon. God knows how I wish that he did not remember that thing. Sana ay wala siyang maalala dahil sa labis na kalasingan niya. Gosh! Pumatol ako sa sarili kong propesor. At hindi ko rin naman ma-imagine kung saan pupunta ang halik na iyon kung hindi ko napigilan ang sarili ko. Kaya naman kinabukasan ay nakadalawang tasa ata agad ako ng kape. Huwebes pa lang at may klase ako mamaya. Hanggang sa naalala ko 'yung putik na audition. Tinatamad ako at gusto ko sanang mag-back out. Kaso maganda rin namang divertion 'iyon p