HINDI niya ako hinatid sa University. Nauna akong umalis sa kanya dahil mamaya pa palang tanghali ang pasok niya as a Professor. Ako naman ay nakarating na sa University matapos makipaglaban sa malalang traffic ng Pilipinas. Nagsisi pa tuloy ako na kotse ang dinala ko. Pagdating ko naman sa University ay nakita kong marami na ang nag-aabang sa akin. Para akong instant celebrity. Medyo na-shock pa nga ako, at na-windang. Marami sa kanila ay lalaki. Nag-boost bigla ang popularity ko. Pagdating ko sa classroom ay maraming nag-congrats sa akin. Medyo natuwa ako at minsan ay napapangiwi na rin. Hindi rin maganda 'yung sobrang atensyon na ibinibigay nila sa akin ngayon. Umupo na ako sa tabi ni Adrian. Tamang cellphone lang ito habang kinakausap ako. Seat mate na kami ngayon. Mukhang ayos na