NAGING madalas na nga ang paglabas naming dalawa ni Natahan. Pakiramdam ko tuloy ay may meaning na ang lahat sa amin. I know that he is a natural sweet and gentleman in nature, pero hindi ko maiwasan na isiping espesyal ako para sa kanya. Even weekends na pahinga namin ay magkasama nga kami. Nasa isang ice-cream shop kami at of course kumakain ng ice-cream. Nagku-kwentuhan lang kami about sa pinanood naming pelikula. Kakagaling lang kasi namin sa sinehan, and napakaganda nang action movie na pinanood namin. “Sana may movie two para naman may aabangan ulit tayo,” sabi ko sa kanya. Napahinto naman siya sa pagkain niya ng kanyang mango graham flavored ice-cream. “About nga pala sa nangyari nang bigla kang umalis sa parking lot tapos hinabol kita, gusto ko lang malaman kung na-offend ka b