Week 2 How to Design Characters: KILALANIN

329 Words
CHARACTER DESIGN Design the background of the protagonist Ayon sa propesiya ay siya ang magiging pinakadakilang tagapagtangol ng tribu. Pero hindi siya kailanman kinagiliwan ng tribu dahil kakaiba siya. Ang kanyang ina ay isang alipin na umibig sa isang Kastila na naging bihag ng tribu. Hindi rin siya ang inatasan na maging pinuno ng sentry dahil may dugo siyang banyaga. Ang lahat ng iyon ay naging dahilan ng sama ng loob ni Seb sa tribu kaya ginawa niya ang lahat para maging pinakamalakas na mandirigma. Figure out your character personality Iginagalang ngunit kinatatakutan si Sebastian maging ng mga kaaway na tribu dahil sa pagiging magaling na madirigma. Dahil sa mga naranasang hindi pantay na pagtrato ng mga kasamahan at pag-abandona sa kanya ng mga magulang ay tinuruan ni Sebastian ang sarili na maging pinakamagaling, pinakamabilis, pinakamalakas at hindi palilinlang. Ang mga katangian niyang iyon ay itinuturing ng mga ka-tribu niya na kaloob mula sa sagradong lupa na kanilang sinasamba. Physical features Halos lahat ng katangiang pisikal ng amang Kastila ay nakuha ni Sebastian. Makakapal na kilay at malalim na mata na walang emosyon at bihirang kumislap ng may interes sa mga bagay na nakikita. Sa oras na kumakawala ang mga katangian niyang kaloob ng sagradong lupa ay tumatalas at nagiging alerto ang kanyang paningin na parang sa agila. Mataas at matikas ang tindig niya kumpara sa karamihan ng lalake sa kanilang lahi. Mas mapusyaw ang balat niya kumpara sa mapulang balat ng mga kasamahan at ang kanyang itim na itim na buhok na hanggang batok ang nakuha niya sa lahi ng ina. Markado ang halos buong katawan niya ng mga tinta na nagpapakita ng kanyang tagumpay sa mga labanan pero lahat ng iyon ay naglaho nang isumpa siya. Build Social Relationships Dra. Florence- dating babaylan at kabilang sa tribung imortal. Ang ginang ang pinakamalapit na kaibigan ni Sebastian. Magkasama silang nagtatag ng isang humanitarian organization. Jesson- ang katiwala ni Sebastian mula sa pamilyang tanging may kaalaman sa tribung imortal.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD