Si Artavius ay isang anak mayaman at presidente ng isang paaralan; matalino at palaging nangunguna sa lahat ng bagay. Dahil din sa taglay na pisikal na katangian, habulin siya ng mga babae. Maaari na siyang matawag na ideal man nino mang mga babae. Everything seems to be perfect.
Pero isang araw, may nakilala siyang nagbuhay ng kakaibang damdamin sa kaniyang puso. Palaging itong hinahanap ng kaniyang mga mata at matitigan ito habang nag-aaral. Ngunit naiinis naman siya kapag ngumingiti na ito.
Matalino rin ito gaya niya at kaya siyang sabayan. Ang mas nakakainis para sa kaniya ay hindi siya nito pinapansin. Kapag nagkakasulubong sila ay palagi lang siya nitong binabalewala na parang ordinaryong tao. Palagi rin nito nakakalimutan ang pangalan niya na siya palaging nagpapainit ng kaniyang ulo.
Hanggang pati ang atensiyon ng kaniyang kapatid ay nakuha na rin nito. Naiinis siya sa babae kaya gusto niya itong balikan, gusto niya itong saktan at bawiin ang para sa kaniya.
Pero sa kabila ng inis na kaniyang nararamdaman, isang damdamin ang sumisibol sa kaniyang puso. Hindi niya napapansin na nakakapasok na ito sa kaniyang puso.
Ano kaya ang gagawin ni Artavius upang makapaghiganti? Higanti nga ba, o ang pagkuha ng pansin nito upang mapansin niya?