Minsan lang sa buhay ni Joyce siya ay nabigyan ng pagkakataon upang ipamalas ang angking talino. Dahil din dito ay nakakuha siya ng pagkakataon na matupad ang kaniyang pangarap. Palalampasin niya pa ba ito?
Ni minsan ay hindi nag-iba ang pasya ni Joyce simula noong nalaman niya na nakapasa siya sa entrance exam s***h scholarship ng eskwelahan.
Wala naman problema sa lahat dahil sagot na ng scholarship. Pero iyon nga lang, kailangan niyang bayaran ang dati niyang paaralan para makuha ang mga papel niya roon at makapag-enroll na siya. Kailangan niya rin ng pang-xerox at pamasahe dahil hindi na sasama ang ginang.
“‘Nay, alis po muna ako.” Napalingon si Elsa sa anak na may pagtataka sa mukha.
“Saan ka na naman pupuntang bata ka? Ang aga-aga pa, ah," puno ng pagtataka niyang sabi habang naghahanda ng pagkain para pambaon.
“Mag-eekstra po ako sa patahian ni Mang Julio roon sa kanto, ‘Nay. Kaunti na lang po ang kulang sa pera ko at makukuha ko na rin ang papel ko sa school mamaya. Bukas last day na po ng enrollment doon sa Anderson.”
“Nakung bata ka! Bakit hindi ka man lang nagsabi sa akin? Edi sana noon ka pa nakapag-enroll. Magkano ba ang kailangan mo? May naipon pa ako rito,” nagpunas ng kamay si Elsa at handa ng pumasok sa silid pero pinigilan siya ni Joyce.
“Huwag na po, ‘Nay. Ipunin na lang po muna ninyo iyan para kung may mas importanteng paggagamitan ay may madukot. Isa pa, malakas pa po ako para kumayod para sa panggastos ko.” Humalik siya sa ina at ngumiti ng malawak rito. “Sige po. Ingat po kayo sa pagpasok. Bye!”
“Sandali! Ito!” pigil ng kaniyang ina at binigay ang baon na hinanda niya ka ina. “Sa iyo na iyan at mag-ingat ka.” Hinalikan niya sa noo ang anak.
Agad na tumakbo si Joyce palabas ng kanilang bahay habang si Elsa ay napailing na lang. Laki ng pasasalamat niya na lumaking responsable at masipag ang anak niya kaya hindi naging mahirap para sa kaniya ang palakihin ito. Pero mahirap pa rin ang buhay kaya hindi niya maibigay ang nararapat dito lalo na sa edukasyon.
Nagpatuloy si Elsa sa ginagawa at umalis na rin para magtrabaho. Si Joyce naman ay mabilis na narating ang patahian. Kalahating araw lang siya rito kaya dapat niya agad matapos ang nakatuka sa kaniya.
Mabilis ang galaw na nagsimula agad si Joyce. Sanay na siya sa ganitong gawain kaya mabilis lang sa kaniya na gawin ito.
“Ang aga natin, ah.” Isa sa mga trabahador ng may-ari ng patahian ang lumapit kay Joyce.
“Kailangan ko po kasi agad na matapos ang pagtahi rito sa basahan. May pupuntahan pa po kasi ako mamaya.” Sumagot lang si Joyce na hindi na nilingon ang kausap at nagpatuloy lang sa pagtahi.
“Ganoon ba. Sige, pagsipagan mo.” Umalis na rin ito agad dahil alam niyang hindi niya makakausap si Joyce kapag tutok na tutok ito sa ginagawa.
Mabilis na lumipas ang oras at tapos na mananghalian ang kasamahan ni Joyce noong natapos siya. Pinili niyang huwag na kumain at tinapos na lang ang gawain. Ngayong tapos niya na ang lahat, kumain na rin siya.
Pagbukas niya ng baunan na pinadala ng kaniyang nanay, napangiti siya. Para sa kaniya ay suwerte niya sa kaniyang nanay dahil maalaga ito at napakabait.
Ang laman ng baonan ay kainin at tuyo lang pero ang ngiti ni Joyce ay parang nakaulam siya ng masarap na putahe. Masaya siya sa simpleng ulam na ito dahil alam niyang pinaghirapan ito ng kaniyang nanay. Kahit ganito man ang buhay niya ay masaya na siya.
“Joyce,” tawag ng matandang boses sa kaniya. Agad niligpit ng dalaga ang baonan, sakto lang din na tapos na siya.
“Nandito po ako.” Lumapit siya sa matanda na tinitingnan ang knaiyang gawa. Mukhang nagustuhan naman nito kasi panay ang tango.
“Maganda ng gawa mo.” Dumukot agad ito ng pera na pambayad kay Joyce. “Nasa dalawang daan lang ito, ah. Tulad ng usapan natin,” sabi niya sabay abot ng pera.
“Salamat po talaga. Dalawang daan man po ito, malaking tulong na po ito.” Totoo naman na malaking tulong na ito sa dalaga. Kasama ng ipon niya, mababayaran niya na ang bayarin sa eskwelahan pagkatapos ay may matitira pa siya para pamasahe at pang meryenda.
“Oh, siya. ‘Di ba sabi mo, pupunta ka pa ng paaralan? Kung gayon, gumayak ka na at naka mahuli ka pa," sabi nito habang nakangiti. Ginulo niya pa ang buhok ng dalaga na natawa na lang. Mabait ang matanda kaya marami ang lumapit dito kapag may kailangan pero nga lang ay kailangan mong pagsikapan na natural lang.
Nagpaalam lang sandalia si Joyce at umalis na rin agad. Hindi na siya umuwi at tumuloy na lang sa paaralan. Doon ay nakita siya ng dati niyang guro.
“Good afternoon, Ma’am!" bati niya rito.
“Oh, Joyce! Good afternoon din. Bakit ngayon ka lang napadalaw? Mag-aaral ka ba ngayong taon?” tanong agad nito kay Joyce, ang pinakamatalino niyang estudyante nitong taon.
“Opo. May tumulong po sa akin upang makakuha ng scholarship kaya makakapag-aral po ako.” Ngumiti pa ito na kinahinga ng maluwag ng guro. Mabuti na lang at hindi mababalewala ang talino ng kaniyang estudyante.
“Kung ganoon, kukuha ka ba ng card mo?”
“Opo. Last day na po kasi ng enrollment bukas. Hahabol po ako.” Sumabay na si Joyce sa paglalakad sa kaniyang guro na mukhang papunta rin sa office ng paaralan.
“Saan ka ba mag-aaral?”
“Sa Anderson University po,” nakangiting sabi ni Joyce na kinatulala ng tigil sandali.
“Wow! Congratulations, Joyce. Maraming nagsasabing maganda raw ang scholarship nila riyan dahil may pa-allowance pa sila na kailangan talaga ng estudyante. Kaya lang napakahirap ng exam kaya hindi madali makakuha. Anderson University is one of the prestigious schools in the country. I am so proud of you na nakapasok ka. I know, sa talino at sipag mo ay makakapagtapos ka talaga roon.” Bakas talaga ang paghanga nito kay Joyce na siyang kinapula ng pisngi ng dalaga. Nahihiya siya na nasisiyahan sa sinabi ng guro.
“Salamat po, Ma’am. Sinuwerte lang po akong nakapasok kaya grab the opportunity na po agad.”
“Tama iyan.” Nakarating din sila sa office sa wakas. “Sige. Kunin mo na kailangan mo at baka abutin ka ng closing. Mauna na ako. Ingat ka!”
“Sige po, Ma’am. Ingat din po.”
Kinuha na rin ni Joyce ang kaniyang pakay sa eskwelahan. Mga credentials niya na kakailanganin sa bagong school. Pagkalabas niya ay pinakopya niya lahat, pati ang birth certificate na dala niya, pagkatapos ay nagpakuha ng litrato. May natira pa siyang tatlong daang pesos dahil binayaran daw ng punong-guro ang kalahati ng bayarin niya bilang regalo sa paggiging top one.
Kahit saan talaga siya magpunta ay binibiyayaan talaga siya ng Diyos. Hindi siya nito pinapabayaan na nararapat lang dahil sa kabaitan nitong taglay.
Umuwi agad siya sa kanilang bahay. Wala pa ang kaniyang nanay, kaya agad siyang nagluto para kain na lang ito pagkauwi. Naubusan din sila ng tubig kaya nag-igib siya sa puso. Nakatatlong balik din siya para pampaligo niya na rin bukas.
Pagkatapos niya ng gawing bahay, hinanda niya ang kaniyang dadalhin para bukas. Pati ang damit ay kaniya na ring hinanda para hindi siya ma-late kakahanap ng damit. Jeans lang naman ito at ang damit na bago pa dahil tinatago niya.
Sumapit ang gabi at payapang natulog ang mag-ina. Masaya sila sa munting barong-barong kahit maliit man ito.
Mabilis na lumipas ang oras at sumapit na rin ang umaga. Excited si Joyce sa kaniyang pupuntahan.
“Handa na ba lahat ng dadalhin mo, Anak?” tanong ni Elsa sa anak na parang may iniisip pa kung ano ang kulang.
“Mukhang nasa bag ko naman na po lahat, ‘Nay. Kaya ko na po ito.” Ngumiti pa siya sa ina. Tapos na silang kumain at handa na ring umalis. “Ako na po ang maglo-lock, ‘Nay.”
“Sige. Mauna na ako at hintayin na lang kita sa labas.” Naunang lumabas ng bahay si Elsa habang si Joyce ay sinigurado munang nakasara ang lahat ng pinto at bintana.
Paglabas niya, nakita niya ang ina na kausap ang isang batang babae. Isa ito sa binibigyan ng kaniyang ina ng pagkain.
“Tara na po, ‘Nay,” aya ni Joyce at kumaway pa sa bata.
Sumakay sila sa jeep at naunang bumaba ito habang siya ay nagpatuloy sa biyahe. Isang sakayan lang naman ito pero ang mahirap lang ang sa loob ng campus. Maaga pa naman, kaya niya pa iyong lakarin.
Pagkarating niya, halos lahat ng estudyante ay nakasasakyan at sa loob talaga ito bumababa. Si Joyce ay naglakad pa at napapangiti siya dahil ang ganda ng mga bulaklak sa daan.
Para kay Joyce, hindi mahirap ang lakarin. Inabot nga lang niya ng sampung minuto bago niya narating ang pilahan kung saan kukuha ng papel na kailangang sagutan para sa enrollment.
Wala naman siyang kilala kaya nanahimik lang siya at sumusunod sa susunod na pila. Hindi naman nagtagal at nakakuha rin siya.
Naghanap siya ng mauupuan at doon balak magsulat. May bench sa malapit kaya doon siya naupo at nag-umpisang sulatan ito. Nakakabit din dito kung ano ang kailangan niyang gawin.
Una, kumuha ng registration form tapos sulatan ng nararapat na impormasyon. Ang sunod ay ipasuri ito sa kabilang room para mabigyan ng slip para makapunta sa clinic. Libre ang medical dito kaya pumunta sa clinic for medical. Lalabas agad ang resulta at kapag nakapasa ka ay diretso ka na sa registrar for signing at doon din mangyayari ang interview. Malalaman naman agad kung tagumpay ang enrollment mo.
Kailangan itong sundin ni Joyce kaya naman inisa-isa niya. Sinagutan niya muna lahat na madali lang naman dahil personal information lang naman ito. May baon din siyang envelope at doon niya nilagay ang mga xerox copy habang tinago niya sa isang envelope ang original.
Sa pagtayo niya, halos matumba siya dahil hindi niya napansing may nakatayo pala sa kaniyang harapan. Nagulat siya sa lalaki at tiningnan niya ito. Pogi ito at masasabing habulin ng mga babae. Mapapansin mo talaga siya kapag hinalo mo sa ibang tao.
“Congratulations! You made it!” nakangiti nitong sabi pero kapansin-pansin ang kakaibang kislap sa mata nito. Laking kalye si Joyce kaya alam niya ang ganitong tao. Ngumiti pa rin ang dalaga kahit medyo naguguluhan.
“Thank you, Sir! Pero, puwede ko bang malaman kung sino po kayo?” puno ng pagtataka niyang tanong.
Dahil sa kaniyang tanong, nakarinig siya ng bulungan pero hindi niya alam kung ano iyon. Pero siguradong tungkol iyon sa kaniya na mas nagpataka sa dalaga.
“Kailangan bang kilala ko siya?” nagtatakang tanong niya sa sarili. Mukhang mayaman ang lalaki kaya siguro kilala pero hindi niya talaga maalala kung sino ito.
“Really? You forgot about me?” nababakas na naiinis ito dahil hindi siya makilala ng dalaga. Out of instinct na rin siguro, napaatras si Joyce.
“Nagkakilala na po ba tayo, Sir?” Kahit anong halungkat niya sa kaniyang isip ay hindi niya talaga maalala ang lalaki. Isa ito sa pangit niyang ugali, makalimutin siya sa pangalan at pati sa mukha. Hindi rin siya mahilig tumingin sa mukha ng nakakasalubong niya kahit kaklase niya pa ito. Maraming naiinis sa kaniya dahil dito.
“Yes. Tsk!” pumalatak ito at pumihit paikot. “Nevermind!” bakas na galit ito bago umalis.
Hindi naman siya kilala ni Joyce kaya hindi niya ito pinigilan. Napakamot si Joyce ng kaniyang braso dahil nahihiya. Hindi niya talaga kasi matandaan.
“Hindi mo talaga siya kilala?” tanong ng babaeng agad na lumapit sa kaniya. Nakangiti ito at halatang mabait kahit mayaman. Ang ibang nakikita niya ay mapagmataas kaya ibang-iba ang aura nito. Hindi makabasag pinggan ika nga.
“Hindi, e. Sino ba siya?” nakakunot pa ang noo na tanong ni Joyce.
“Wala. Pero dahil hindi mo siya kilala, can we be friends?” nakangiti na may dalang pa-cute pa nitong sabi. Sino bang hihindi sa ganitong mukha?
“Sure,” sagot ni Joyce. Kinuha niya ang kaniyang bag at tumingin sa bagong kaibigan. “Tapos ka na bang sumagot? At ano nga pala ang pangalan pa?”
“Tapos na, kaya tara na roon sa step two. Ang pangalan ko ay Amelia at katulad mo rin akong first year. Ano pa lang course or program ang kukunin mo?” tanong ni Amelia habang naglalakad sila papunta sa building kung nasaan ang step two.
“Bachelor of Architecture ang nilagay ko, pero baka magastos. Puwede ko kayang palitan ito?” nag-aalanganin talaga siya dahil baka mahirapan siya kapag nangyari.
“Scholar ka ‘di ba?” Tumango si Joyce bilang sagot. “Kung ganoon, huwag kang mabahala. Nakabase rin kasi sa course mo ang magiging allowance mo. Kaya masasagot lahat ng gastusin mo. Kung problema mo ang pamasahe, may dorm sila rito na puwede mong tirahan kapag weekdays tapos uwi ka ng weekend. Maraming offer ang eskwelahan na ito pero siyempre, kailangan mong palitan ito sa pamamagitan ng pagsali sa club na ia-assign nila sa iyo at maging teacher assistant.” Napatanga si Joyce sa sinabi ni Amelia, pero sa sinabi nito ay nagkaroon ng liwanag para sa kaniya.
“Gagawin ko ang lahat basta matupad ko lang ang gusto ko. Salamat, Amelia.” Napatigil siya at nagtanong ulit nang maalalang hindi niya natanong ito. “Ikaw pala, anong course ang kukunin mo?”
“Engineering naman ang sa akin at wala iyon. Pero dahil architecture ang kukunin mo, siguradong magaling kang mag-drawing. Puwede ko bang makita ang mga gawa mo?” Napakamot si Joyce ng kaniyang braso nito.
“May mga drawing ako pero lapis lang gamit ko at bond paper dahil wala naman akong pambili. At dala ko ang iilan ngayon para maging reference ko kung tatanungin ako mamaya.” Nahihiya pa si Joyce pero mawala ito noong nakita niyang excited talaga ang kausap, ang bagong kaibigan.
“Puwede ko bang makita?”
“Sige. Mamaya pagkatapos ng enrollment.”
“Sige. Hihintayin kita.”
Masaya silang nagpa-enroll at walang takot na hinarap ang lahat. Kahit ang interview ay walang kahirap-hirap. Nakita pa lang ng interviewer ang gawa ni Joyce, gusto niya na lang itong ilipat sa fine arts pero mas gusto talaga ni Joyce ang architecture. Magaling din si Amelia kaya nakapasa agad silang dalawa.
Pero dahil scholar si Joyce, may kailangan pa itong puntahan para ma-process nito ang grant sa kaniya.
“Ito,” may inabot itong papel na naman, “dalhin mo iyan sa Student Council President. Magpasama ka na lang kay Amelia dahil alam niya kung saan iyon.”
“Sige, Sir. Salamat po.”
“You’re welcome. Also, welcome to our school. Ito ang ikalawang pagkakataon na may naka-scorr ng mataas sa entrance exam.” Nakipagkamay pa ito bago sila hinayaang umalis.
“Upo muna tayo sa roon sa lilim ng puno ng para matapos ka na rin. Tapos, puwede ba tayong kumain pagkatapos? Nagugutom na ako. May treat, at bawal humindi.” Napailing na lang si Joyce dahil parang bata si Amelia.
“Sige. Habang sinusulatan ko ito, puwede mong tingnan ang drawings ko.”
“Sige!"
Iyon nga ang ginawa nila. Nanlalaki ang mata ni Amelia nang makita niya ang drawing ni Joyce. Ang realistic nito kahit lapis lang ang gamit.
“Pinag-aralan mo ba ito?” Napaisip si Joyce sa tanong nito.
“Pinag-aralan na pumasok talaga sa eskwelahan, hindi. Natuto lang ako sa dating teacher na nagtuturo ng arts noon. Ang iba ay inaral ko sa pamamagitan ng panonood sa mga video.” Lalong namangha si Amelia dahil wala pa itong proper training pero ang gawa parang gawa na ng isang sikat na artist.
“Bakit hindi ka nag-fine arts?” Natawa si Joyce rito.
“Ganiyan rin ang sinabi ng guro kanina. Pero gusto ko talaga ang architecture, e.”
“Okay.” Hindi na nakipagtalo pa si Amelia at tiningnan na lang ang gawa ng kaibigan. Gusto niyang bilhin ito lalo na ang isang drawing na mata lang nandoon. Hindi niya alam pero napakapamilyar ng mata. “Puwede ko bang bilhin ito?”
Pinakita niya ang drawing ng mata pero umiling si Joyce. Hindi niya kayang ipaliwanag pero ayaw niyang ibigay ang drawing na mata na iyon.
“Drawing na lang ako ng portrait mo.”
“Really?”
“Opo. Kaya lang bond paper lang ang kaya ko pero kung gusto mo ng malaki, ikaw na lang bumili ng papel at lapis.” Wala rin kasi siyang budget, talent lang talaga ang mayroon.
“G! Ako ang bahala sa materials, ikaw ang sa drawing.” Malawak ang ngiti na tumingin ulit si Amelia sa mga drawing. Hindi mawaglit sa kaniyang isipan ang mata dahil pamilyar talaga.
Sandali lang ay natapos na rin si Joyce. Ilang kopya rin ang kaniyang ginawa kaya medyo natagalan.
“Ito na ang office niya. Katok ka lang at pumasok. Hintayin na lang kita roon sa bench.” Tinuro pa nito ang bench sa ilalim ng puno. Marami kasing puno ng eskwelahan kaya napakaaliwalas.
“Sige. Salamat talaga, Amelia.”
“Sige na. Pasok ka na at baka naghihintay na iyo.” Tumango na lang si Joyce at kumatok. Hindi naman nagtagal at may nagsalita sa loob.
“Come in.” Dahan-dahan na binuksan ni Joyce ang pinto at nagulat talaga siya noong nakita niya ang lalaki. Tiningnan niya ang pangalan sa desk nito.
Artavius Winner, School Council President.
Habang ang lalaki ay napakunot ang noo. Artavius left a while ago with range in his heart because for the first time, a woman forgot about him even though he didn’t care before. Naiinis sa maganda nitong mukha at talino na nasasabayan siya o baka higit pa. Siya lang din ang babaeng binalewala siya.
Ngayon niya naalalang scholar nga pala ito. Kaya dadaan at dadaan talaga sa kaniya.
“Sorry po, Sir. Maling room po ata napasok ko.” Doon napabalik si Artavius sa kasalukuyan. Hindi siya sumagot dito at hinayaan ito.
Lumabas nga si Joyce at tiningnan ang pinto pero ito nga talaga. Nahihiya siya bumalik. Nakayuko siyang humarap sa lalakiang ilang taon lang ata ang tanda sa kaniya.
“Sir, kayo po ba ang president? Sorry po kung hindi ko kayo agad nakilala.” Pinaalala pa nito ang nangyari kanina kaya mas nainis ang lalaki.
“What do you think? Sit down, Miss Scott.” Seryoso talaga ito kaya medyo kinabahan si Joyce. Ito na lang ang huling proseso at baka mabulilyaso pa.
Naupo siya sa upuang nandoon. “Thank you, Sir. Also, sorry po sa disturbo. Sabi po ng Dean sa inyo ko raw po ipapasa itong sa scholarship.” Inabot niya ang papel at agad naman itong tinanggap ng lalaki. Pinasadahan niya lang ito ng tingin bago itinabi.
“All good. By the way, congratulations for a perfect score,” walang emosyon niyang sabi na nakasandal sa upuan.
“Really? Thank you, Sir. Hindi ko po alam na na-perfect ko po pala.” Nangingislap pa ang mata ng dalaga na siyang kinaismid ng lalaki.
“Yeah, and how did you do it? Did someone give you the answer beforehand? Or you stole the answer that day when I saw you running in the corridor?” Ang ngiti kanina ni Joyce ay agad nawala. She was speechless at first pero nakabawi rin siya agad sa katinuan.
“I never cheated and never in my life will I!” buong diin niyang sabi. Nagagalit siya sa panghuhusga ng lalaking ito.
“Okay. If you say so. I don’t care for what is done. But I am warning you, I am watching you.” He smirked and bit his lower lips while looking at the dumbfounded girl.