Week 5: How to Design a Conflict?

343 Words
Si Artavius ay isang estudyante na palaging nangunguna sa klase, mapa-akademik man o esport. Walang sino man ang nagkalakas ng loob na kalabanin siya. He was graduating at that time when a smart girl caught his attention. Her name is Joyce. Nakaramdam siya ng inis dahil hindi siya nito pinapansin at nakita niyang maaari itong ikompara sa kaniya. Naiinis siya kaya noong nag-aral na ito sa paaralan kung saan siya ang presidente, paminsan-minsan ay pinapahirapan niya ito.   Pero hindi niya naisip na magiging kaibigan ito ng mahal niyang kapatid. Mas lalo siyang nainis dahil nakukuha na nito ang pansin ng kapatid na noon ay nasa kaniya lang. Ang kapatid niya lang ang kasama niya palagi kaya nasanay siya na sa kaniya palagi umaasa ito.   Habang si Joyce ay likas na mabait kaya mabilis ito magpatawad. Naiinis man siya ay pinapatawad niya rin agad ito. Dahil sa kaniyang kabaitan, mas nahulog si Artavius ng hindi niya namamalayan. Nahulog siya at natutong manindigan sa kaniyang nararamdaman. Pero hindi ganoon kadali ang lahat. Anak mayaman si Artavius habang anak mahirap naman si Joyce. Ang estado nila sa buhay ang naging problema sa tagpong ito, kung saan masaya na sana sila at nagmamahalan. Umuuwi ang mga magulang ni Artavius at sila ang pumagitna sa pagmamahalan ng dalawa. Gusto nilang bayaran si Joyce ngunit hindi nito tinanggap ang pera. Kaya gumamit sila ng dahas para mawala ito sa landas ng anak, ang tagapagmana ng kanilang pamilya.   Nawala na parang bula si Joyce na siyang kinawalan na rin ng buhay ni Artavius. Para itong robot na nagtatrabaho, kumakain, at natutulog. Wala itong gana at mapapansin na halos ayaw na nitong mabuhay. Ngunit sa huli ay bumalik rin si Joyce, ngunit sa pagbalik nito ay iba na itong tao. Hindi niya na kilala si Artavius, may anak na rin siya at asawa. Panibagong pagsubok na naman ang kailangang harapin ni Artavius para mabawi ang taong mahal. Ang estado nila sa buhay ay isang conflict na maaaring makasira sa isang magandang relasyon. Minsan wala sa taong nagmamahalan, kundi sa sitwasyong kinasasadlakan. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD