First: Seductive Emotional Relationship
For my beginning, I can say the first emotion sparked on Artavius first since Joyce was too innocent and focus on her study. She really get his attention.
Second: Contractual Type Emotional Relationship
There’s no contractual between them but maybe on the long run.
Third: Misunderstanding Type Emotional Relationship
There’s no misunderstanding but her different spark something on Artavius, hate to admiration and vice versa.
Fourth: Loser Type Emotional Related
I can’t tell for now.
The Beginning:
In life, not everyone has the privilege to get what they want, and one of them was to study. Some need to work hard to get it and some chose to work for a living than to study.
But people were different, some were hardworking however some were lazy and enough to what they have. Some were contented for their small job, while some kept seeking more. Some people will sell their self to demon just to get by, and there’s also still gave someone even they don’t have anymore.
Different people, different personalities, and different perspectives in life. That is where Joyce lives to. People around her were different and she belongs to those who worked hard just to achieve her goal.
To achieve it, today is her first step.
“Ang ganda natin ngayon, ah. Saan ang punta?” sabi ng lalaking umaga pa lang ay lango na sa alak.
“Ang aga naman po niyan, Mang Bert.” Hindi sinagot ni Joyce ang kaniyang pasaring, bagkus ay pinuna niya rin ito.
“Pampalakas lang ito, Tisay.” Isang nakasando na puti at may balbas ang sumagot kay Joyce.
“Ganoon ba. Sige po, ituloy na lang po ninyo iyan. May pupuntahan pa ako, e.” Paalam ni Joyce sa kanila bago umalis.
Sanay na si Joyce na ganito palagi ang kaniyang nadaraanan. Iba’t ibang tao pero mga kasangga niya ang mga ito. Parang mga pamilya sila sa squatter area na ito malapit sa sapa. Ngayon nga ay pupunta siya sa taong tutulong sa kaniya upang maisagawa ang unang hakbang ng kaniyang pangarap, ang kolehiyo.
Bata pa lang ay pangarap na ni Joyce ang maiahon sa hirap ang kaniyang ina. Hindi naging hadlang ang mga taong nasa paligid niya o kung ano man ang tinitirhan niya. Basta siya ay nagsisikap, iyon ang mahalaga.
Mabilis siyang naglakad papunta sa bahay ng taong malaki ang tulong sa kaniya. Siya ay retiradong guro na nagbibigay ng kaunting pera kay Joyce upang pampuhunan nito sa maliit niyang negosyo, ang pagtitinda sa eskwelahan.
Nakakaangat ito sa buhay kaya medyo malayo-malayo rin ang kaniyang nilakad hanggang marating niya ang bahay nito. Kasama nito sa bahay ay ang mga katulong habang ang mga anak nito ay may kaniya-kaniya na ring buhay. Nakilala niya ito dahil minsan ay dito nagtatatrabaho ang kaniyang Mama, sideline sa paglalabada.
“Tao po! Tao po!” tawag niya mula sa labas ng gate.
Hindi naman nagtagal ay lumabas ang katulong na babae upang pagbuksan siya. Kilala siya nito kaya maluwag siyang nakakalabas-masok sa bahay.
“Kumusta na, Tisay?” nakangiti sabi ng katulong.
“Okay naman po, Manang Ging. Kayo po?” tanong niya pabalik.
“Okay rin.” Ngumiti pa ito at itinuro ang upuang naroon sa sala. “Maya-maya baba na si Ate. Hintayin mo na lang sandali at ako’y babalik muna sa kusina. Baka masunog ang niluluto ko.”
“Sige po,” sabi rin ni Joyce na may ngiti sa labi.
Umalis nga ang babae na may sa apatnapu na ang edad. Ito ang kasama ng Ginang noon pa man.
“Kanina ka pa ba riyan, Tisay?” tanong ng isang may edad na babae pero halata ang pagiging matalino nito sa mukha at talagang kagalang-galang.
“Good morning po, Ma’am!” nakangiti niyang bati. “Hindi naman po.” Tumayo siya upang alalayan ang matanda na palagi niyang ginagawa kapag nandito siya.
“Good morning din at salamat. Tara at mag-almusal muna tayo bago tayo umalis. At ayaw kong tinatanggihan,” tuloy-tuloy niyang sabi na kinangiti na lang si Joyce. Aayaw kasi siya kaya palaging ganito ang Ginang.
“Sige po,” pagsuko niya.
Sabay silang pumunta sa kusina at kumain kasabay ni Ging. Natatawa na lang ang dalawa ang mga kuwento ni Joyce tungkol sa lugar nila. Naging magana ang kanilang pagkain dahil sa pagdating ni Joyce lalo na’t malungkot rin noong sila lang.
Ilang sandali lang ang kanilang ginugol doon sa bahay bago sila umalis ng Ginang. Dahil sa isang itong guro rati, marami itong kilala at mabilis nakalakap ng impormasyon para makakuha si Joyce ng scholarship upang libre silang makapag-aral.
“Dapat maipasa mo ito, Tisay. Dito libre na tuition fee mo, libre ang libro at uniporme, at may monthly allowance ka pa. Minsan lang ito kaya dapat makuha natin.” Tumango si Joyce na kinakabahan. Maganda nga itong offer ng Anderson University kaya ayaw niya ng pakawalan. Ito ang isa sa mga hagdan upang marating niya ang dulo.
Sumakay sila sa jeep at naglakad papasok sa eskwelahan hanggang marating nila ang opisina. Dito ay may pinasagutan na papel kay Joyce bago siya pinapasok sa isang silid kung nasaan ay may iba pang estudyante na nag-aabang para sa exam.
Kinakabahan talaga siya kaya nakaramdam siya ng pamimigat ng kaniyang pantog. May nagbabantay naman sa kanila kaya tinaas niya ang kaniyang kamay upang tawagin ang pansin nito.
“Yes, Miss?” malumanay nitong tanong sa kaniya.
“Ma’am, puwede po ba akong magbanyo muna?” bakas ang kaba sa boses nito kaya napangiti ang taga-bantay.
“Sure. But be back after five minutes. Any moment now, your examiner will be here.”Tumango si Joyce at mabilis na lumabas ng silid. Nakita niya kanina sa daan ang banyo kaya tinahak niya ang daan.
Alam niyang nasa opisina pa si Ma’am Bernadette at hindi siya nito iiwan kaya hindi siya nabahala. Pero mas nababahala siya na baka maihi siya sa sobrang kaba.
“Oops!” Muntikan na siyang mabangga sa isang lalaki noong bigla siyang lumiko mabuti na lang sanay siya sa kanila kaya agad siyang nakatigil.
“Don’t run!” may pagkastrikto nitong sabi.
“Pasensiya po. Nagmamadali lang.” Hindi man lang tumingin si Joyce kung sino ang nabangga niya at nagpatuloy sa banyo. Tuloy hindi niya nakita kung paano nandilim ang paningin nito at nagkasalubong ang kilay.
Akala ng lalaki ay mayaman ito dahil sa makinis na kutis at kulay ng mata nito. Pero salungat pala dahil matatas ito magtagalog at ang damit ay may kalumaan.
Her beauty and scent captivate the man’s attention without any effort… at hindi ito alam ni Joyce.
“Interesting!” he mumbled before he walked away.
Habang si Joyce ay hindi na nagtagal sa banyo at bumalik agad sa silid ng kuhanan ng exam. Ngunit mukhang nandito na ang examiner dahil may nagsasalita na sa loob. Nahihiya man ay kumatok na rin siya.
Tumigil magsalita ang tao sa loob at naglakad ito palapit sa pinto. Bumungad kay Joyce ay isang lalaking medyo matanda lang sa kaniya ng ilang taon. Hindi rin naalala ni Joyce na ito ang nakabangga niya kanina.
“Good morning po, Sir. Isa po ako sa mga examinee, Sir. Nagbanyo lang po ako.” Napaangat ang gilid ng labi ng lalaki nang makilala niya ang babae. Hindi niya alam pero naiinis siya na gusto niya ang hindi pagkuha ng pansin ng babae dahil lang sa kaniyang mukha.
Para sa lalaki, kakaiba si Joyce dahil ito lamang ang taong nakaya siyang tingnan sa mata na hindi nahihiya. Ito lang ang babae na parang hindi siya nakikita. Gusto niya ang ganito pero sa kabilang banda ay naiinis din siya kung saan ay sobrang nakakapanibago.
“I know. Come in!”
“Thank you, Sir!” malawak ang ngiti na sabi ni Joyce bago siya pumasok. Pero ang ngiting iyon ay nagpabilis ng t***k ng lalaki. Nalilito man kung ano ang kaniyang nararamdaman, napatikhim na lang siya upang pagtakpan ito.
Sinirado niya ulit ang pinto bago siya humarap ito sa mga examinee. Nakita niyang nakaupo na rin ang babaeng nakaagaw ng kaniyang pansin kaya nagsalita na siya ulit.
“As what I am saying, I am Artavius and I will be your examiner today.” Sunod ay pinaliwanag niya ang lahat ng mga kailangang sundin bago binahagi ang test paper kasama ang kanilang mga answer sheet.
Tatlong oras lang ang palugit ng examination na mayroon apat na subject. Kaunti man ang oras ito ay dahil gusto nilang masubukan talaga ang talino ng bawat isa.
Habang sumasagot ang lahat, patuloy siyang nag-iikot. Minsan, hindi niya mapigilang huwag mapalingon sa babaeng nakakuha ng kaniyang pansin. Hindi niya alam ang pangalan nito pero kahit sino ay mapapalingon.
Ngayon lang din napansin ng lalaki na sexy rin pala ang babae kahit subsob ito sa papel at hindi dahil maiksi ang suot nito. Palagi niya ring sinisilip ang mga sagot nito at nakakaramdam siya ng pananabik sa magiging resulta nito. Also, he found out her name.
‘Joyce Scott’
Doon niya nahinuha kung bakit maputi ito at kakaiba ang kulay ng mata. Nakuha nito ito sa ama.
Lumipas ng mabilis ang tatlong oras hanggang umalis si Joyce na masaya. Alam niyang nasagutan niya lahat pero hindi pa siya sigurado kung tama ba ang iba roon. Ngunit mas malakas ang paniniwala ni Bernadette na makukuha nito ang scholarship. Joyce deserve it.
Habang si Artavius ay hawak ang isang answer sheet na nakangiti. Kakaiba ang ngiti nito na nino man ay hindi nakikita.
“Really interesting.”