Rafael’s Pov
“This is not happening,” mahinang sambit ni Michael habang pinanonood ang mga cctv footage na kuha sa buong mundo. “This is not happening!”
“Wake up. Mike!” sigaw ni Gabriel sa kaibigan. “We are already too late. Hindi na natin magagawa pang maibalik ang buhay ng mga taong pinaslang nila upang makuha ang planeta natin!”
“Tama si Gab.” Tinapik ko ang balikat nito pagkuwa’y inabutan siya ng panyo dahil tuloy-tuloy na ang kanyang pagluha.
Sa aming apat, siya talaga ang emosyonal kaya naman naiintindihan ko na hindi madaling tanggapin ang kanyang nasasaksihan ngayon.
Bumuntong hininga ako at ibinaling ang tingin sa mga footage na iyon.
Sino nga ba ang hindi magiging emosyonal dito.
Tatlong taon na ang nakalipas nang unang magpakita ang mga nilalang na ito sa himpapawid ng aming planeta.
Isa silang unidentified species at tinawag nalang namin silang Erian na ibinase sa tunog na ginagawa ng kanilang spaceship.
This is the first time in Earth history. An alien making contact to us kaya naman ganoon nalang ang tuwa ng lahat nang makita ang kanilang sasakyang pamhipapawid.
Inakala pa namin na isa silang kaibigan kaya’t malugod silang tinanggap ng aming mga pinuno nang hindi man lang pinag-iisipan ng masama pero isang malaking pagkakamali pala iyon.
Siguro ay nang makita nilang wala kaming paghahanda laban sa kanila ay agad nila iyong ginamit upang isa-isang pasabugin ang mga weapon at military facility ng bawat bansa sa buong mundo.
Hindi pa doon nagtatapos.
Isa-isa din nilang hinanap at pinaslang ang bawat pinuno ng bawat bansa hanggang sa wala nang matira kahit isa sa kanila.
At nang akma nang susuko ang buong sangkatauhan dahil sa kawalan ng pag-asa ay nalaman namin isa sa mga bagay na plano nilang gawin sa amin.
They are a human-eating creature. And they enjoy munching human flesh and drinking our blood.
At iyon ang nagtulak sa iba na pumiglas at tumakas.
Takot na mamatay at maging isang pagkain na lamang para sa mga nilalang na bigla na lamang dumating sa aming mundo.
At doon nabuo ang grupong pinamumunuan naming apat na magkakaibigan. Ang Archangel.
Hindi naman namin intensyon na labanan ang mga erian tulad ng ibang grupo. Mga dati lang kaming empleyado sa opisina at wala kaming kakayahan na makipaglaban sa mga nilalang na higit ang taas sa amin.
Ang mga erian ay may taas ng higit anim hanggang walong talampakan. Malalaki din ang kanilang mga braso. Kulay gray ang kanilang balat at may kakayahan silang gayahin ang itsura ng taong kanilang kinain. Ngunit maliban pa doon, mayroon din silang malaking bibig sa bandang dibdib nila at naglalabas iyon ng asido kaya naman wala ding makalapit sa kanila.
Ang alam ko ay ang tanging nakakaharap palang namin ay mga sundalo ng Erian at pinakamababang ranggo pa lamang. Wala pa kaming nakikitang high ranking sa panig nila kaya hindi na talaga inisip ng Archangel na makisali pa sa mga grupong tila nagpapakamatay nalang na sumusugod sa mga ito.
Nag-focus nalang kami sa pagliligtas sa mga taong nais pang mabuhay tulad naming magkakaibigan.
Ngayon nga ay marami-rami na din kaming naililigtas.
Isang dating IT specialist si Gabriel at sa tulong ng kanyang kakayahan ay nakukuha namin ang access sa mga cctv camera na ngayon ay gumagana pa din naman.
Sa tulong din ng mga camera na iyon ay nalalaman namin kung anong mga lugar ang dapat naming tahakin upang makaiwas sa mga erian tuwing may ire-rescue kami.
“So?” Bumaling kami kay Uriel. “Ano na ang gagawin natin?”
“Hindi na aabot ng isang buwan ang mga pagkain na mayroon tayo ngayon,” sabi ni Gabriel. “At mapipilitan tayong pumunta sa malayo para makapaghanap ng stocks pero alam nyong hindi iyon magiging madali dahil napapadalas ang paglabas ng ibang grupo para kalabanin ang mga erian.”
“Malapit na ding matunton ng mga erian ang pinagtataguan natin,” dagdag ni Michael na mukhang nakabawi na sa kanyang nasaksihan. “Kailangan na nating umalis dito sa lalong madaling panahon.”
“At saan naman tayo pupunta?” tanong ko. “Alam nyong ito lang ang nag-iisang lugar na iniiwasan ng mga erian.”
Hindi ko alam kung anong mayroon sa building na aming pinagtataguan ngunit kailanmn ay hindi ito pinasok ng mga nilalang na iyon samantalang ang mga katabing building at establishment ay na-raid na nila.
May isang pagkakataon pa kung saan ang isang taong nahuli nila ay nakapalag at agad na tumakbo papunta sa building na ito.
Sinubukan nila itong habulin ngunit nang tuluyan itong makapasok ay agad na silang tumigil at bumalik na lamang sa kanilang hanay.
“May isang lugar tayong maaaring puntahan,” sabi ni Gabriel. “And I know that this is not the best way for us to live pero kailangan nating masiguro na hindi mauubos ang lahi ng mga tao.”
“What do you have in mind, Gab?” tanong ko.
May kinuha siyang nakarolyong malaking papel at inilatag iyon sa lamesa. “The only choice we have is to continue hiding in a place where those erian cannot enter.” Itinuro niya ang gitna ng mapang kanyang inilatag. “At nasa lugar na ito ang kasagutan sa kaligtasan nating lahat.”
“Are you kidding?”
“I am dead serious, Rafael,” seryoso niyang sabi. “Nakita natin kung paano nagawang pabagsakin ng mga erian ang lahat ng pwersang pang militar ng bansa. Personal mo ding nakita kung paano pinaglalaruan ng mga nilalang na iyon ang mga grupong sumusugod sa kanila sa pag-aakalang magagawa nila itong matatalo. Wala tayong laban sa kanila.”
“Alam ko iyon pero ang magtago habang buhay?” sabi ko. “Iyon lang talaga ang nakikita mong paraan?”
Tinaasan niya ako ng kilay. “Bakit? May naiisip ka pa bang ibang paraan para manatiling buhay at ligtas ang mga taong nailigtas natin?”
Hindi ako nakasagot.
Wala din talaga akong maisip.
Nasaksihan namin ang kayang gawin ng mga nilalang na iyon at kahit ano pang gawin namin ay hindi namin sila matatalo.
Ni wala nga ni isa sa amin ang may kakayahang labanan ng harapan ang mga iyon.
“He is right, Rafael,” sambit ni Uriel. “This is the only place on earth where we can ensure the safety of everyone in Archangel.”
“We have to survive.” sabi ni Michael habang nakatitig sa mapa. “Kahit pa ang ibig sabihin nito ay habang buhay tayong magtatago sa loob ng lugar na iyan.”
Bumuntong hininga ako at hinilot ang aking sentido.
Bakit nga ba nauwi sa ganito ang lahat?
Parang noong nakaraang taon lamang ay ang tanging pinagkakaabalahan namin ay ang tambak na papeles na pinapa-trabaho sa amin sa kumpanya.
Pero ngayon ay kailangan na naming isipin ang kaligtasan ng mga taong aming iniligtas.
“You have to decide, Rafael,” sabi ni Gabriel. “We don’t have much time in our hands now.”
Muli akong bumuntong. “Okay. We will go to that tower.”
Nagliwanag ang kanilang mga mukha at bumakas sa kanilang mga mata ang pag-asang kanilang nakikita upang mabuhay pa ng matagal.
“But first, kailangan nating malaman kung anong mayroon sa loob ng tower na iyan at kung mayroon ba itong mga bagay na kakailanganin natin kapag pinasok na natin ito.”
“If that’s what you want, I can hack it’s system.” ani Gabriel pagkuwa’y humarap sa kanyang mga computer at nagsimulang mag-type.
Hindi iyon naging madali sa kanya dahil ang toreng sinasabi namin na siyang magiging tanging lugar na maaari naming pagtaguan ay pagmamay-ari ng pinakamayamang tao sa buong mundo.
Pero walang nakakaalam kung bakit nga ba sinimulang itayo ang toreng iyon. Ang malinaw lang sa lahat ay mahigpit ang seguridad nito at gawa ang buong gusali sa pinakamatibay na bakal na mayroon ang Earth na kahit ang pinakamalakas na sandatang mayroon dito ay hindi kayang masira o mapabagsak man lang.
At ilang sandali lang ay nagawa nang mapasok ni Gabriel ang system ng naturang tore pagkuwa’y humarap ito sa amin at ngumiti. “We can live inside this tower. And we can also preserve humanity inside without worrying about our daily needs.”
Lumapit ako sa mga monitor kung saan ipinapakita ang ilang footage na kanyang nakuha mula sa loob ng toreng iyon.
At napangiti nalang din ako. “Ihanda nyo na ang lahat.” Humarap ako sa kanila. “Tell all the members of Archangel to prepare everything. Pagsapit ng gabi ay agad tayong tutungo sa Tower of Zion.”