CHAPTER 2

1006 Words
SINFUL CEOS SERIES 5: Passionate Deception Chapter 2 TINABLAN ng guilt si Chantara. Hindi rin niya sinasadyang ibagsak ang sikretong iyon na nalaman niya kamakailan lang. “A–are you accusing me as a mistress? What the hell, Chantara? Ganiyan na ba kapurol iyang utak mo?” Nang makabawi ay hinaklit ni Chandra ang isang braso niya at ramdam niya ang galit na may kasamang tensiyon sa higpit ng pagkakahawak nito sa kanyang braso. Malakas niyang binawi ang kanyang braso mula sa mariing kamay ni Chandra na sandaling ikinagulat nito. Ikinagulat nito ang pagpalag niya. Kasalanan niya rin na pinasanay niya si Chandra na okay lang na saktan siya nito verbally and physically. Kahit noon pang mga bata sila. Sa tuwing may mga instance na nalalamangan niya ito sa kung ano mang bagay-bagay ay dinudumog siya nito sa kanyang silid at sinasabunutan o kinakalmot. Hindi niya magawang ipagtanggol ang sarili o saktan pabalik si Chandra dahil awtomatikong ito ang kakampihan ng mga magulang nila. Mas lalaki ang gulo na siyang palaging iniiwasan niya. Ang palaging kakampi niya lang noon ay ang kanyang Lola Alicia ngunit pumanaw din ito noong nasa third year high school siya. “Alam kong alam mo na hindi iyon akusasyon lang, Chandra.” Binabaan niya ang kanyang tinig. “Baka nakakalimutan mong sa isang mental facility nagtatrabaho ang kapatid ni Lance. At ang isang pasiyente roon ay ang legal na asawa ni Davino Damarcus. Nawala sa katinuan dahil sa kagagawan mo. Sinira mo ang pamilya nila, Chandra. Anong klase ka?” Halos mabingi si Chantara nang dalawang sampal ang ibinigay sa kanya ni Chandra. Nag-aapoy sa galit ang mga mata nito. “Huwag kayong magkakamali ni Lance na ipagkalat sa bayang ito ang tungkol d’yan, Chantara.” Dinuro siya ni Chandra dahilan upang mapaatras siya. “Oras na malaman kong may pinagsabihan kayong ibang tao tungkol sa akin, tinitiyak ko saiyong gagapang sa lupa ang buong pamilya ng nobyo mo, Chantara! Kayang-kaya kong sirain ang buhay nila, tandaan mo ‘yan!” “Napakawalanghiya mo, Chandra!” Napakuyom ang mga palad ni Chantara at nanghihinang napasandal sa pinto. Gusto niyang sugurin si Chandra ngunit natatakot siyang magkampihan ang mga magulang nila at si Chandra at kagaya ng dati’y ikukulong siya sa kanyang silid. Si Neptune na kanyang best friend ay hindi nakakapasok sa bahay nila lalo naman ang kanyang long time boyfriend na si Lance Buenaflor. Iyong tipong hihinto saglit at susulyap si Lance sa bahay nila mula sa kalsada ay awtomatikong tututok ang rifle ng kanyang ama kay Lance. Nakakapuslit lang siyang makipagkita kay Lance o makadalaw kay Neptune kapag namamalengke siya o kung may iniuutos sa kanya ang mga magulang nila sa bayan. Madalas ay sa likod ng chapel ang tagpuan nila ni Lance. Masuwerte na si Chantara kung makakausap niya si Lance ng isang oras. At pinagkakasya na lamang nilang mag-nobyo ang kanilang mga sarili sa ganoong uri ng set-up. At least, may cellphone siya na nakokontak nito tuwing tulog na ang Mama’t Papa niya. Mayakap lang niya saglit si Lance ay masaya na siya. Baon-baon na niya iyon sa mahabang gabing lilipas at magsisimula na naman siyang magbilang ng araw hanggang makahanap muli ng tiyempo na makita ang nobyo. “I will be out of the country for three months.” Sa isang iglap ay imporma ni Chandra. May kayabangan ang pag-igkas ng kilay nito. Chandra already composed herself. “Siyempre kasama ko si Davino. Yes, Chantara. I have an affair with the country's richest businessman, Davino Damarcus.” Blangkong ekspresiyon ang iginuhit ni Chantara sa kanyang mukha habang sinasalubong ang nang-uuyam na titig ng kanyang kakambal. Awat-awat niya ang sarili na huwag itong i-realtalk na nakatatamasa lang naman ito ng ganoong uri ng lifestyle ay dahil sa maling gawain nito. Dahil sa pakikiapid para lang sa pera. And she was hurting, too dahil proud pa si Chandra sa pagiging homewrecker nito. Proud pa ito na nakasira ito ng pamilya at nang-agrabyado ng kapwa! The guts! “I am living the life that every woman ever wanted to have. A luxurious life, Chantara. Iyon ang hinding-hindi mo mararanasan hanggang sa magpantay ang iyong mg paa. Because you know what? Dahil bukod sa boba ka ay isa ka ring tanga pagdating sa pag-ibig.” “Hindi lahat ng babae ay kagaya mo, Chandra. Nagkakamali ka. Maling-mali ka dahil kahit ako’y nunkang ibaba ko ang aking dignidad kapalit ng karangyaan. I will never dream to have a life like what you have right now. I will never be like you!” “Hypocrite!” Chandra sneered, sternly glaring at her like she wanted to burn her alive. “You and your bullshit dignity and life principles. Diyan ka palagi magaling, Chantara. And what? Nakakatulong ba iyang malinis mong prinsipyo sa ikauunlad ng pamilyang ito? b***h please!” Chantara decided to shut her mouth for the better. Masyado nang humahaba ang argument nilang magkapatid. Alam na rin naman niya ang tinutumbok ni Chandra. Pera. Pera pa rin! Wala siyang silbi sa pamamahay na iyon dahil wala siyang naiaakyat na pera hindi katulad ni Chandra na ini-spoil ng pera at materyal na bagay-bagay ang mga magulang nila. Gustuhin man niyang maghanap ng trabaho ay ayaw ng kanyang Papa. Magtatrabaho lang daw siya kapag registered nurse na siya. Madalas ay iniisip ni Chantara kung matino pa ba ang mentalidad ng kanyang mga magulang. Nagdududa na siya sa mental health lalo na ng kanyang ama. “Ayaw na kitang sumama sa dinner namin ng Mama’t Papa. You already ruined my mode, damn you! And anyway, don't worry. I will send a lot of pictures of mine in every country na bibisitahin ko. Lalo na sa Italia. Oh, I vividly remember that Italy is your dream destination. Lucky you, ako ang tutupad ng pangarap mong hindi mo matutupad dahil kahit kailan ay hindi na magbabago pa ang uri ng buhay na mayroon ka, Chantara. You will be forever worthless and pathetic! A trash!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD