SINFUL CEOS SERIES: BOOK 5 PASSIONATE DECEPTION Doukas Damarcus Chapter 21 INIHINTO NA NI Doukas ang pagsubo at napabuntong-hininga bago iniangat ang tingin kay Chantara na hindi ginagalaw ang pagkain. Kumakalam sa gutom ang sikmura niya sa anim na oras na walang tigil na paggawa niya ng bakod hanggang sa matapos niya iyon bandang alas onse. Isang Linggo rin na nakatiwangwang iyon dahil nang nakaraang Linggo ay halos hindi makaalis si Doukas sa tabi ni Chantara. Siya ang naging lakas at gabay nito habang sinasanay nito ang mga tuhod at kalamnan upang makatayo. Naging daily routine na nila na sabay gumising bago sumikat ang araw upang mag-almusal at pagkatapos ay aalalayan na ni Doukas ang dalaga sa pagtayo na kalaunan ay nagawa rin nitong ihakbang ang mga paa at ibalanse ang sarili