SINFUL CEOS SERIES: BOOK 5 PASSIONATE DECEPTION Doukas Damarcus Chapter 20 HITIK SA PAWIS ang katawan ni Doukas habang yinayaring mag-isa ang bakod sa palibot ng bahay. Isang araw at kalahati pa lang niyang tinatrabaho iyon pero lampas sa kalahati na ng lawak ng kanilang bakuran ang natayuan niya ng estokada na may taas na aabot sa dibdib niya. Sinadya niyang taasan ang bakod dahil napapansin niyang ilang araw nang may mga taong kunwari ay napapadaan lang sa bahay nila ngunit alam niya ang pakay ng mga ito na makikiusyuso lang naman dahil sa bago lang silang residente sa lugar na iyon. Sa abot ng kanyang makakaya ay nais niyang iwasan na mapag-usapan sila sa baryo na iyon. Kaya nga mariin niyang iniutos sa tauhan niya na piliin ang tirahan na apartado sa ibang kabahayan para malayo