Natuliro ang isipan ni Peri sa ginawi ng hari. Bago ito sa kanya kaya ganon nalang ang kanyang nararamdaman. Tila may paru-parong naglalaro sa kanyang kalamnan, pababa sa kanyang puso at pababa pa sa dako pa roon. Wala pang sinuman ang nakagawa ng ganitong kapangahasan sa kanya, maging ang halik na pinalasap nito sa kanya kanina sa may batis ay ito pa lang ang nakakagawa non sa kanya. Masarap sa pakiramdam, tila napapaso ang kanyang balat sa tuwing dadampi ang labi nito. Nasa parteng hindi na natatabunan ng kanyang suot na bra ang hinahalikan nito kaya ramdam na ramdam niya ang init. Tila nagbabaga iyon na imbis na masaktan siya ay mas lalo pang nakakadagdag ng sarap aa tuwing lalapat iyon. Maya-maya nanlaki ang mata niya ng simulan nitong hagudin gamit ang dila nito ang kanyang dibd