Nang matapos ang pagpupulong, si Periwinkle ay inihatid mismo ng Mahal na Hari sa kanyang magiging silid. Ang silid na para sa isang Reyna. Manghang-mangha siya ng tuluyan makapasok sa kanyang silid. Isa iyong napakalawak na silid, napapalamutian din ng mga kumikinang na ibat-ibang klase ng bato may mga paru-parong lumilipad na nagmumula sa isang bintanang nakabukas. Agad siyang napatakbo sa kamang napakalaki at napakalambot na tila may nakadesinyong kulay pink na kulambo. Animo higaan ng mga prinsesang napapanood nya sa mga korean drama. Agad siyang umahon mula doon at tumakbo naman sa nakabukas na bintanang pinagmumulan ng nagliliparang paro-paro. Gabi noon ngunit napakaliwanag sa labas niyon. Iyon pala ay liwanag na nagmumula sa mga malalaking alitaptap na tila nasisiyahang tangl