Agad na naalarma si Prinsipe Saimon ng maramdaman ang kakaibang enerhiya na nasa paligid. Natitiyak niyang may gumagamit ng kapangyarihan ang sinumang malapit sa kanya. Kaya nagmadali siyang magtungo sa lugar kung saan niya nararamdaman iyon. At hindi na nga siya nagkamali ng iniisip, nagmumula iyon sa silid ng Hari at malamang may katunggali itong may kapangyarihan tulad nila. Kinabahan siya sa naisip pero umusal pa rin siya ng taimtim na dasal sa mga bathala para hindi mapahamak ang nasa loob ng silid. Pagbukas niya ng pinto, nagimbal siya sa nakita. Nagpakawala ng kanya-kanyang kapangyarihan ang dalawa ngunit tila wala sa sarili ang mga ito ng gawin iyon. Kitang-kita niya ng tumama ang kuryenteng pinakawalan ng Mahal na Hari kay Prinsipe Saifron at ang apoy naman na pinakawalan ni