Nagulat talaga si Peri sa sinabi ng Prinsipe, ano yon haba naman ng hair niya. Hari at Prinsipe may gusto sa kanya, samantalang sa mundo nila hindi manlang siya pagtuunan ng pansin ng mga boys. Sabagay, boring nga daw siyang kasama. Kasi nga ang karamihang type ng mga kalalakihan sa campus nila ei yong kayang makipagsabayan sa mga trip ng mga ito. Pero hindi tama ito, aasawahin na siya ng Hari at kapatid pa nito. Malaking pagtataksil ang hangarin nito ang pag-aari ng Hari. Medyo natututunan na niya ang mga rules ng kaharian ng mga ito, sabagay hindi naman nalalayo sa rules ng mga Korean Historical Drama Series na napanood na niya. Maaari nito at pati na rin niyang ikapahamak iyon kapag nalaman ng Hari. " Mahal na Prinsipe, opo sobrang gusto ko po talagang makauwi na sa am