CARMELA Isang linggo na simula nang umalis si Oliver. At sa bawat araw na wala siya sa tabi ko ay mas lalo ko siyang nami-miss. Kahit na lagi siyang tumatawag ay iba pa rin kapag nasa tabi ko siya. At ngayon na nakikita ko siya sa screen ng phone ko ay gusto kong pumasok sa loob ng phone ko kung puwede lang. “How’s your day?” tanong niya sa akin. “Okay naman po. How about you?” Tanong ko sa kanya. “It was a tiring day, Mi vida.” “Sige na magpahinga kana po. Inaantok na rin ako,” paalam ko sa kanya. “Okay, Mi vida. Always remember that I love you so much.” sabi pa niya sa akin. “I love you, love.” Humiga na ako dahil inaantok ako. Ilang araw na akong ganito. Minsan ay late na ako sa pagpasok sa school dahil lagi akong late kung gumising kahit na hindi naman ako nagpupuyat. Pinipil