CARMELA Gabi na ako napadpad dito sa Pampanga. Hindi ko alam kung bakit ko dito napili. Naghanap na lang ako ng matutuluyan ko ngayong gabi. Kaya nagcheck-in na lang ako sa motel. Nakakahiya man pero mas mura kasi dito kaysa sa mga hotel lalo na hindi naman ako pamilyar sa lugar na ito. Habang nakahiga ako ay hindi ako matigil-tigil sa kakaiyak ko. Sobrang sakit talaga ng puso ko ngayon. Ang sakit lang na umasa at mabigo. “Baby, kapit ka lang sa akin. Kasi kakayanin natin ito. Mahal na mahal kita. Alam ko na darating ang araw na magkikita kayong dalawa ng daddy mo. At sana kapag nangyari ‘yun ay tanggapin ka niya. Kahit hindi na ipakilala sa iba basta tanggap ka. Sorry, anak kung umiiyak si mommy. Ang lungkot kasi at ang sakit. Parang hindi ko kaya,” humagulgol na naman ako. At nang map