CARMELA “Good morning, Mi Vida.” narinig ko na bumubulong sa tainga ko si Oliver. Nanatili lang akong nakapikit at pinipigilan ko ang sarili ko na tumawa dahil kinikiliti niya ako. Panay rin ang halik niya sa buong mukha ko hanggang sa nakarating siya sa dibdib ko. Kakaiba ang araw na ito. Kahit na masakit ang buo kong katawan ay parang ang gaan lang ng pakiramdam ko. Hindi ko rin matukoy pero komportable at masaya ako. Nang imulat ko ang mga mata ko ay gwapo niyang mukha ang nakikita ko. Pakiramdam ko ay nasa isang panaginip ako ngayon. Panaginip na masaya at may totoong nagmamahal sa akin. Ibang-iba ito sa mga nangyayari sa akin na kasama ko siya. Kung sakaling panaginip nga ito ay sana hindi na ako gumising pa. Ayaw ko mang aminin pero mas gusto ko talaga na ganito kami. Na mahina