Chapter 2

1426 Words
CARMELA Pinipilit kong pigilan ang hikbi ko habang nakatingin sa mga nakasulat sa papel. Nakasaad dito na wala na talaga akong kalayaan sa piling niya. Halos hindi ko maintindihan ang mga nakasulat dito pero may isang nakasulat na hindi ko kayang alisin ang mga mata ko. Ang pinakaunang nakasulat sa parang kasunduan na ito. “Read and sign it,” malamig na utos niya sa akin. “Bedwarmer?” Wala sa sariling saad ko. “Yes, and that’s your number role as my wife.” sarcastic na sagot niya sa akin. “Hanggang kailan?” tanong ko sa kanya. “Hanggang sa magsawa ako sa ‘yo. You’re mine, only mine. You’re my property at wala kang ibang dapat gawin kundi ang sundin ang lahat ng nais ko.” Sagot niya sa akin. Hindi ko na napigilan na bumagsak ang mga luha ko. Ano bang buhay ang naghihintay sa akin? Ano bang kapalaran ito? Bakit ako humantong sa ganitong sitwasyon? Tanong ko na lang sa sarili ko. At unti-unti kong pinunasan ang mga luha ko. Tinuyo ko ang pisngi ko gamit ang palad ko. “Sign it,” utos niya sa akin. Nanginginig ang kamay ko. Parang hindi ko kayang pirmahan ang mga nakasaad dito. Pero ano bang magagawa ko? Sino ba ako para tumanggi kung pag-aari na niya ako? Wala na akong karapatan sa sarili ko simula nang gawin akong pambayad ng daddy ko sa kanya. Takot at lungkot ang lumulukob sa buo kong pagkatao. Mabilis kong pinirmahan ang papel na maging patunay ng pagiging alipin ko sa piling niya. “Leave,” malamig na utos niya sa akin. “M–May tanong ako?” Nauutal na tanong ko sa kanya. “What is it?” “Paano kung may nalabag ako na isa sa mga rules mo?” Tanong ko sa kanya. “Your family will pay, they will suffer. They taste the h*ll,” nakangisi na sagot niya sa akin. Mabilis akong lumabas sa opisina niya at patakbong bumaba papunta sa silid ko. Pagpasok ko ay kaagad akong dumapa sa papag ko at doon ko ibunos ang lahat ng sakit at lungkot na nararamdaman ko. Sobrang bigat ng nararamdaman ko ngayon. Gusto ko mang sisihin ang daddy ko ay huli na. Wala na akong magagawa pa. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako sa sobrang pag-iyak. Napabalikwas ako ng bangon dahil sa malakas na katok mula sa may pintuan. Pagbukas ko ay bumungad sa akin ang mukha ng asawa ko. “M–May kailangan po ba kayo?” kinakabahan na tanong ko sa kanya. “Ayusin mo ang mga gamit mo at lumipat ka taas. Sa tabi ng silid ko,” sagot niya sa akin. “Pero ang sabi po ng mommy niyo ay dito daw po ako.” Mahina na saad ko sa kanya. “Sino ba ang dapat mong sundin? Ako o siya?” Ramdam ko ang galit sa boses niya. “I–Ikaw,” sagot ko sa kanya. “Nakalimutan mo na agad. Wala kang ibang susundin kundi ako lang. Walang may ibang karapatan sa ‘yo kundi ako lang. Pagmamay-ari kita at ako lang ang may karapatan sa ‘yo. Nagkakaintindihan ba tayo, Carmela?” Malamig na saad niya sa akin habang nakahawak ang kamay niya sa panga ko. Nasasaktan ako pero hindi ko magawang pigilin siya. Hinayaan ko lang siya habang pinipilit kong pigilan ang mga luha ko na nagbabadya na namang bumagsak. Habang nakatingin ako sa mga mata niya ay wala akong makitang kahit na anong emosyon. Ganito ba katigas ang puso niya? Napapikit ako nang bitawan niya ako. “Fix yourself dahil may pupuntahan tayo.” Sabi niya sa akin. Hindi ako sumagot sa kanya. Dahil iniinda ko pa rin ang sakit ng panga ko. “Are you listening to me?” Tanong niya sa akin. “O–Oo,” sagot ko sa kanya. “Good,” aniya bago siya umalis sa harapan ko. Napaupo ako sa sahig dahil bigalang nawalan ng lakas ang mga tuhod ko. Sobrang nakakatakot siya. Tuwing nasa malapit siya ay para akong mawawalan ng hininga. Nagbihis na ako dahil baka magalit siya kapag nagtagal pa ako. Hindi ko alam kung saan kami pupunta pero mas pinili ko na isuot ang isang simpleng bestida. Wala akong nilagay na kahit ano sa mukha ko. Sa edad ko na bente dos ay hindi man lang ako marunong mag-ayos sa sarili ko. Ni hindi ako marunong maglagay ng make-up. Lumabas na ako sa silid ko habang bitbit ko ang maleta ko kanina. Umakyat ako at sinamahan ako ni manang papunta sa magiging silid ko. Ang sabi niya ay naka-konekta ang silid ko sa silid ni Drake Oliver Ford. Umupo ako sa kama. Pinagmasdan ko ang bawat sulok ng silid na ito. Katamtaman lang ang laki nito at malinis. Kahit papaano ay magiging maayos ako dito kumpara sa silid na ibinigay sa akin ng mommy niya kanina. Akmang hihiga ako nang bigla na lang bumukas ang connecting door. Napaupo ako ng tuwid dahil biglang dumating ang hari. “Let’s go,” aniya sa akin. Tahimik naman akong sumunod sa kanya. Nauna siya sa akin kaya malaya kong pinagmamasdan ang kabuuan niya. Matangkad siya at may magandang katawan. Hindi ko alam kung ilang taon ang gap naming dalawa. Gwapo, mayaman at pangarap siya ng mga kababaihan. Pero para sa akin ay isa siyang bangungunot sa buhay ko. Habang pababa kami ay nakatingin sa akin ang mommy niya at may katabi itong magandang babae. Napalunok ako at yumuko na lang dahil hindi ko kayang salubungin ang tingin sa akin ng mga narito sa living room. “Kuya, siya na ba ang asawa mo?” Tanong nang isang babae. “Yeah,” mabilis niyang sagot sa babae. “Sa tingin mo ba ay worth it siya?” Sarcastic na tanong nito. “May lakad kami at nagmamadali kami,” sabi nito sabay hila sa akin. “Sana ay worth it siya. Pagsawaan mo hanggang sa makuntento ka na.” natatawa na sabi nito. Habang ako naman ay nasasaktan sa hawak sa akin ni Oliver. Humigpit kasi ang hawak niya sa pulsuhan ko. Pabalibag niya akong pinasok sa loob ng kotse niya. Napahawak na lang ako sa kamay ko. “Do your job as my wife para naman sulit ang ibinayad ko sa ‘yo.” walang pasabi niya akong hinalikan sa labi. Nasasaktan ako sa paraan ng paghalik niya. Ramdam ko ang galit sa paraan ng halik niya. Higit sa lahat ay hindi ko alam kung paano ko ba ito tutugunan. “Damn it! Kiss me back,” galit na utos niya sa akin. “H–Hindi ako, marunong.” nahihiya na sabi ko sa kanya. “Playing innocent, huh.” may pang-uuyam na saad niya at siniil ulit ako ng halik sa labi. “Fvck! Hindi ka ba talaga marunong humalik?” Frustrated na tanong niya sa akin. Napaiyak naman ako. Dahil sa paghalik pa lang ay palpak na ako. Paano pa kaya kapag hiniling niya sa akin na makipagtal*k ako sa kanya. “You want to play games with me? Bakit hindi mo gawin ang ginawa mo sa akin noon?” tanong niya sa akin. Hindi ko siya maintindihan. Hindi ko alam kung ano ba ang sinasabi niya. Naguguluhan ako dahil hindi ko talaga alam. “Anong sinasab–” “Shut up!” sigaw niya sa akin. Nanahimik na lang ako at hindi na nagsalita. Ayoko na magalit pa siya lalo sa akin. Binuhay niya ang makina ng sasakyan at mabilis niya itong pinatakbo. Napa-kapit naman ako sa legs niya dahil sa sobrang takot ko. Pero malakas niyang inalis ang kamay ko. “S–Sorry,” mahinang sabi ko. “Tsk!” asik niya sa akin. Nakarating kami sa isang matayog na building. Isa lang ang nasa isipan ko ngayon. Ngayon na ba namin ‘yun gagawin? Tanong ko sa sarili ko. “S–Saan po tayo pupunta?” tanong ko sa kanya. “Bakit ka ba panay po sa akin? Sh*t!” sigaw niya sa akin. Alam ko na galit na talaga siya sa akin. Sumakay kami sa elevator. Pupunta pala kami sa penthouse niya. Bumungad sa paningin ko ang isang magara at malawak na living room. Pero nagulat na lang ako ng bigla niyang hapitin ang baywang ko at siniil na naman niya ako ng isang agresibong halik. Pumikit ako at ginaya ko ang bawat galaw ng labi niya. “Satisfy me tonight.” bulong niya sa tainga ko na nagbigay ng kilabot sa kaibuturan ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD