CARMELA “I’m pregnant.” nakapikit na sabi ko sa kanya. Mahabang katahimikan ang dumaan sa aming dalawa. Nang idilat ko ang mga mata ko ay nakatingin lang siya sa akin. Hindi ko alam kung ano ang meron sa mga mata niya. Kaya napalunok ako dahil bigla akong natakot. Sobrang lakas ng pintig ng puso ko. “You're what?” Tanong niya sa akin. “I'm pregnant,” parang naiiyak na sagot ko sa kanya hanggang sa hindi ko napigilan ang mga luha ko. Nag-unahan na silang bumagsak sa mga mata ko. “Pregnant?” “Yes, I’m pregnant at kung hindi mo siya kayang tanggapin ay okay lang.” Biglang sabi ko sa kanya. “At bakit ko naman ‘yun gagawin?” he asked me while robbing his eyebrows using his finger. “Huh?” “Bakit ko naman siya itatakwil? Yes! Magiging daddy na ako!” Bigla na lang siyang sumigaw kaya nawa