Masaya ang hapunan namin at ubod nang ingay. Na-miss ko ang kumain kasama ng pamilya ko. Ang dami namin. Andito ang mga pamangkin ko at mga hipag ko. Pati ang nag-iisa kong bayaw. Sabi ko ay pagbalik ko na lang ibibigay ang mga pasalubong ko sa kanila. Si Tatay na lang talaga ang kulang. Buong buhay ko ay halos sa barko siya naglagi. Malapit na rin siyang magretiro, maayos na naman kaming lahat, at may mga trabaho na. Pwede na siyang magpahinga at pumirmi sa bahay kasama ni Nanay kung gugustuhin niya. However, old habits die hard,. Patuloy pa rin siya sa pagiging marino at sigurado akong hindi niya alam ang gagawin sa sarili niya kapag nasa bahay na lang siya. Saktong kakatapos naming kumain ay dumationg ang mga kaibigan ko. Nakapag-toothbrush na ako noon at nagre-gretouch. Ang ingay nila