GABE INIWAN kong nakabukas ang sliding door sa veranda. Ang sarap ng simoy ng hangin, tamang-tama lang ang lamig. Iniwan ko na ring nakasindi ang ilaw sa banyo. Baka kasi maihi ako mamaya at hindi ako makalakad nang maayos. Idagdag mo nang may jetlag pa ako, baka matalisod pa ako. Kusang sumara ang mga mata ko dahil sa pagod at antok. Unang araw ko pa lang sa Pinas pero intense na ang mga nangyari. I didn't expect to see Matt and it rattled me. Naalimpungatan ako nang maramdaman kong may yumakap sa akin. Ang init ng hiningang tumatama sa leeg ko. May katabi ako! Oh my God! I tried to move away. Sinubukan ko ring tanggalin ang brasong nakapulupot sa akin. Akma akong tatayo nang higpitan pa lalo ng nakayakap sa akin ang mga braso niya. Pamilyar ang cologne na sumisigit sa ilong ko. Pinil