Lunchbreak... "Can we join you?" tanong ni Matt. "Sure, take a seat. Dito ka na sa tabi ni Gabe para mas masaya," sabi ni Roni sabay kindat sa akin. Lumipat ito ng upuan para bigyan ng pwesto si Matt. "At dito naman ako sa tabi ni Eric na cute." Napahalakhak naman si Eric at Jose. Galawgaw talaga itong si Roni. Tumabi sa akin si Matt at mabilis na pinatong ang braso sa likod ng upuan ko. Gawain niya talaga ‘yon. "Iyan lang ang kakainin mo?" tanong ni Matt. Kasalukuyan akong kumakain ng donut kasi merienda lang naman namin ito ni Roni. Mamaya magpapansit kami sa labas pagkatapos ng klase. May masarap na lomihan kasi na malapit dito sa school. "Oo, hindi naman ako masyado gutom. mamaya maglolomi kami ni Roni." Tumango si Matt. Nilakasan ko naman ang loob ko at nag