Mabilis na lumipas ang mga araw. Nagawa niyang iwasan si Gideon matapos ang nangyari sa kanila sa loob ng silid na iyon na mukhang exclusive lang para sa mga magpipinsan na Saavedra. Pansin din niyang iniiwasan na rin siya ni Gideon at hindi siya ginugulo nito, mukhang nasermunan sa pinsan nitong si Garreth. Mamayang gabi na ang birthday party ni Garreth wala na siyang ganang pumunta pa, dahil hiyang-hiya siya kay Garreth. Isa pa wala na rin paramdam sa kanya si Gideon ito kasi ang makakasama sana niya sa birthday party. Mula nang araw na iyon hindi na siya nilapitan pa ni Gideon, baka nagbago na rin ang isip nito about her, at naghanap na ng bagong makakalarong babae, dahil marahil wala naman na itong maasahan pa sa kanya. Nakabili na pa naman siya ng damit na susuotin para mamaya, per