“Hindi mo ba ako tatanungin?” Tanong ko kay Harry. Baka kasi kung ano na ang iniisip niya dahil sa ginawa ni Noah kanina. Kung si Clare pa yun baka kinulit na ako ng kinulit. “Bakit naman ako magtatanong? Wala naman akong karapatan. Kahit magkaibigan tayong dalawa. Hindi mo naman obligasyon na sabihin ang lahat ng mga bagay lalo na kung hindi ka komportable na sabihin yun sa ‘kin.” Nakangiting sagot niya sa akin. Isang maligalig at isang malawak ang pang unawang kaibigan. Ang sarap pala ng feeling na may mga handang magtangol para sa’yo. Napadukot ako sa bag ko dahil sa walang tigil na ring ng phone ko. Hearty calling!!! “Hindi mo ba sasagutin?” Umiling ako kay Harry at pinatay ko ang phone. Nakalimutan ko nang palitan ang pangalan ni Noah. Mabuti pa sigurong burahin ko na din ang