"Peek a boo! Peek a boo!" masayang turan ni Solomon habang nakikipaglaro sa 1 year old na anak ng kanyang pinsan na si Raniel na nasa crib.
Humahagikhik naman ang baby at tila game na game na makipag peek-a-boo sa kanya. Tuwang-tuwa naman siya lalo na kapag humahagikhik ang baby parang napakasarap sa pakiramdam na marinig iyon. Tsaka tila may mainit na bagay na humahaplos sa kanyang puso.
Nasa bayan sila noong time na iyon. Kasama niya ang kanyang mga magulang sa bahay ng kanyang Lola, ina ng kanyang Mama. Family reunion kasi nila iyon at kahit ayaw sana niyang magtungo doon dahil tiyak naman ni Solomon na tutuksuhin na naman siya ng kanyang mga pinsan. Lalo na iyong mga kasing edad niya na may mga asawa na at ilan na ang anak. Hindi naman na bago sa kanya ang ganoong bagay, kasi palagi naman siyang tinutukso ng mga ito, kahit pa nga sa side ng kanyang Papa ay nagiging tampulan din siya ng tukso.
Sa totoo lang naman kasi sa edad niyang thirty years old, dapat ay lumagay na siya sa tahimik. Baka nga isa o dalawang anak na ang meron siya kung siya ay may asawa na. Pero dahil nga sa nag-iisang anak si Solomon, at siya lang naman ang magiging kaagapay ng kanyang papa sa pagpapatakbo ng kanilang farm, kaya naman nawala na talaga sa kanyang isipan ang tungkol sa pag-aasawa. Sa katunayan matapos niyang maka-graduate ng college, tumutok na agad sa pag-aaral para malaman ang mga pasikot-sikot kung paano patakbuhin ang kanilang farm. At nang gamay na niya iyon, hinayaan na siya ng kanyang Papa. At ito naman ang pinagpahinga niya. Kaya ngayon kapag nais nitong magbakasyon o kung saan nito nais magpunta, kahit pa sa ibang bansa pa kasama ang kanyang Mama, todo support lamang siya sa mga ito. Simula kasi ng magkaisip siya, nasaksihan na niya ang pinagdadaanan hirap ng kanyang Papa para lamang mapatakbo ng maayos ang kanilang farm. Halos wala na itong pahinga, minsan nga ilang oras na lamang din ang tulog nito. Lalo na kapag nagkaka aberya, katulad ng biglaan pagkakaroon ng baryo at marami pang iba.
Kaya naman, simula ng siya na ang magpatakbo ng farm, talagang minahal niya ang kanyang ginagawa dahil alam niyang dugo at pawis ng kanyang Papa ang pinuhunan doon para lamang mas lumago pa ang kanilang farm. Kaya naman, doon na ginugol ni Solomon ang kanyang buhay hanggang sa umedad na nga siya nang thirty years old na hindi pa man lang nag-iisip na mag-asawa. Kaya naman, ngayong family reunion mukhang titiisin nanaman niya ang buong maghapon at magdamag na pang-aasar ng kanyang mga kamag-anak.
"Bagay na bagay na sa'yo ang maging Daddy, now it's time to start thinking about your future. You're thirty and you're not getting any younger—marriage should be your top priority. Isipin mo ha, ang tanda mo na wala ka pa ring anak. Sabagay paano ka nga naman magkakaanak? Wala ka namang seryosong relasyon, may mga babaeng umaaligid sayo pero hindi girlfriend maituturing ang mga iyon kasi mukhang pinaglalaruan mo lang sila," wika ni Raniel sa kanya. Hindi niya namalayan na nasa likod na pala niya ito at natatawang tiningnan lamang ito.
Kahit kailan talaga ito ang nangungunang mang-asar sa kanya. Pero sabagay may point naman talaga ito.
Muli niyang ibinaling ang atensyon sa baby at hindi na niya matiis ang kakyutan ng baby kaya naman napilitan na siyang buhatin iyon dahil parang sinasabi nang baby na gusto nito na buhatin niya. Napahagikhik pa ito ng kargahin na niya at sabay humihimig pa siya ng kantang pambata. Patuloy na nilalaro niya ito kaya naman napahagikhik ang baby na sobra-sobrang ikinagagalak naman niya.
"It is evident from your eyes that you are eager to start a family. Alam mo Dude, kapag natry mo na mahawakan sa iyong mga kamay ang iyong sariling anak, sinasabi ko sayo! Sobrang sarap sa pakiramdam, parang nasa heaven. Kaya naman, you should stop burying yourself on the farm and go out and find that woman. Ewan ko na lang talaga kapag single ka pa rin sa reunion natin next year!" muling litanya nito sa kanya.
Batid naman niya na pabiro ang mga sinasabi nito pero alam niya na may laman. Sa pamilya niya talaga siya na lamang yata ang pinakahuli at mukhang mahuhuli na talaga siya sa biyahe dahil malapit na siyang mawala sa kalendaryo. Kasi heto single pa rin siya at wala pang matagpuang babae para iharap sa altar.
"Ikaw talaga, ako na naman nakita mo. Tigilan mo na nga ako okay, darating din tayo dyan. Syempre kapag dumating ang araw na iyon, bibigyan ko kaagad ng isang dosenang mga apo sina Mama at Papa," natatawang wika niya sa pinsan.
"Aba Dude, kung talagang balak mo na mag-asawa at magka-anak. Aba kumilos ka na agad ngayon, hindi iyong puro ka ganyan. Palagi lamang nangangako na kesyo, next year. Alam mo hindi na ba bata sina Uncle and Auntie, hindi ka ba naaawa sa kanila? Mag-isang anak ka lang, so it means kailangan mo at obligasyon mo talaga na bigyan sila ng maraming Apo," litanya ulit nito.
"Naku, nagsalita ang bibigyan daw ng maraming apo. Ang sabihin mo binigyan mo ng maraming panganay sina Auntie. Ikaw talaga damay mo pa ako sa kalokohan mo!" natatawa na sita niya dito.
"Gagi! Iba namang iyong akin, kesa sa problema mo!" natatawang wika nito na napakamot pa nga sa ulo.
"Kahit na, parang ganun na rin iyon Alam mo kapag ako nag-asawa, siya na talaga habang buhay. Simula sa time na ikasal kami at syempre hanggang sa mamatay kaming magkasama. Pero bago iyon, tutuparin muna namin iyong isang dosenang apo para sa mga magulang ko o di ba hindi na matatakot ang Papa na baka hindi kumalat ang lahi niya. Alam mo na, nag-iisang anak lamang ako kaya gusto ng Papa na kapag nagkatagpo na ako ng babaeng ihaharap ko sa altar, ang nais niya'y puro kalalakihan para naman daw kumalat pa ang kaniyang lahi. Paano ba naman mukhang sa akin nakasalalay ang paglaganap ng angkan ni Papa, pero syempre hindi ko naman bibiguin ang Papa, ibibigay ko sa kanya ang gusto niya, sa tamang panahon at sa tamang babae," mahabang pahayag niya dito.
"Kung sabagay tama rin naman iyon tsaka alam ko rin naman na dahil ang pamilya niyo ang pinaka-mayaman dito sa ating lugar. Alam ko na karamihan ng mga babaeng umaaligid sayo at nagpapalipad-hangin sayo ay pera lang ang habol ng mga iyon, kaya ingat na lang din sa pagpili ng babae. Alam mo na baka maisahan ka, mahirap na."
"Opo sir, masusunod po sir! Ikaw talaga dami mong sinabi, buti nalang hindi nagmana sayo itong anak mo, tingnan mo, nakakatuwa at nakakagaan talaga sa pakiramdam ang tawa niya. Dapat next year meron na rin ako nito, dapat nga talagang humanap na ako ng babaeng magbibigay sa akin ng ganito ka-cute na baby, diba baby?" wika niya dito tsaka muli nanamang nag peek a boo sa baby.
"Good decision! Yan ganyan nga, para hindi ka naman napag-iiwanan ng lahat ng mga pinsan natin, sinisigurado ko sayo dude. Sobrang saya ng buhay may asawa, may katuwang ka sa buhay at lalo na kapag nagkaanak ka na kayo," nakangiting wika ulit ng pinsan.
Minsan naiisip niya na itong pinsan niya, kalalaking tao mas matindi pa ang manermon kaysa sa mga pinsan niyang babae at mas matindi pang manermon kesa sa kanyang Mama. Sabagay nasanay naman na siya dito, ito lang kasi ang pinaka-close niya sa lahat ng pinsan. Isa pa gustong-gusto naman nila kapag nagkikita talaga sila. Iyon nga lang, hindi siya tinitigilan ng bunganga ng pinsan niyang ito kaya lang ito talaga kasi iyong pinaka-close niyang pinsan. Lahat ng kanyang problema, lahat ng kanyang pinagdaanan eh alam nito. Parang mas higit pa nga sa pinsan ang turingan nilang dalawa. Parang magkapatid, iyon bang nila yung bang parang sa iisang sinapupunan nagmula.
Pero sa totoo lang naman may mga oras talaga na naiisip na rin niya na magkaroon ng sariling pamilya para naman hindi lang sa farm at sa kanyang mga magulang umiikot ang kanyang buhay Oo marami ang mga babaeng nagpapalipad-hangin sa kanya, kadalasan nga eh ang mga ito pa ang nag-iisip na may mangyari sa kanila at kesyo sasabihin na kung ano ang mangyari ay wala siyang sagutin pero alam na alam na niya ang mga pakay ng mga ito kung baga gasgas na plaka na. Pinapatulan niya ang mga babaeng lumalapit sa kanya pero syempre doble-doble ang kanyang pag-iingat dahil natitiyak niya na pera at kayamanan lamang ang habol ng mga babaeng ito sa kanya.
Siya naman ang nais talaga niya ay mahanap ang nararapat na babae para sa kanya. Pero mukhang mahirap mahanap ang nais niya kung patuloy siyang magpapakilala bilang nag-iisang anak ng pinaka-mayaman at makapangyarihang pamilya dito sa kanilang bayan.
ITUTULOY