NAPUNO ng malakas na cheer ang loob ng CCC gymnasium. Hindi nila akalaing aabot sa ganito ang laro ng dalawang koponan. Hindi nila inaasahan na magiging dikit ito. Nasaksihan nilang lahat na hindi tsamba ang unang mga panalo ng CISA. Hindi iyon dahil sa isang star player, at hindi rin sa mahina ang kanilang kalaban kundi dahil sadyang may natutulog na lakas ang koponang ito na ngayon lang nagising. Ang team ng CCC napalunok ng laway nang pumwesto na para dumipensa ang kanilang mga kalaban. Nakaramdam sila ng pagod sa loob ng court. Ang plano ni Coach Martin ay nasira dahil sa pagdating ni Kier Cunanan. Nakapahinga na ang players ng CISA habang ang kanyang starting five ay naglalaro pa rin. Si Zuñiga, napakuyom na lang ng kamao. Napatingin siya sa crowd, kay Miyaka. May tiwala pa rin ito