Bola 33

3528 Words

NAPALUNOK na lang ng laway si Ricky nang makaupo sila ni Andrea sa gilid ng gymnasium dahil ang dami ng manonood sa loob ng lugar. Halos puno na sa loob at maswerte sila na may nakita pa silang bakante. Sa pinakaitaas na baitang sila napapwesto. Ayos na rin doon dahil kitang-kita nila ang buong court. Maingay, maraming sumisigaw at maraming nagtitilian. Ito ang atmospera sa loob ng gym nang mga sandaling iyon. Isama pa nga ang mga masasayang kalalakihang nanonood sa mga naggagandahang cheerdancers ng City College of Calapan. Samantala, si Andrea naman, mabilis niyang kinuha ang bolpen at notebook sa dala niyang bag. Sandali rin siyang sumulyap kay Ricky na iniiikot ang tingin sa buong gym ng school. Doon na nga siya pasimpleng nagpapuslit ng pabango sa kanyang leeg at ibaba ng kanyang ka

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD