Nag prisinta ako kay Jiro na paliliguan ko siya, pero hindi siya pumayag. Humingi lang siya ng mababang bangko at nagkulong sa banyo. Paglabas, naka bihis na siya at napalitan na rin ang bandage sa binti niya.
“Tsk, gusto ko pa naman mag-doktor-doktoran!” pangungulit ko sa kaniya.
“`Wag na, at baka mamaya kung ano pang gawin mo sa akin!”
Nagulat ako sa sagot niya at napangisi. “Ano naman ang gagawin ko sa `yo?” tanong ko sa kaniya.
“W-Wala!” sagot niya. “Matulog na tayo.” pumunta na siya sa kama at itinabi ang kaniyang saklay.
“Maaga pa, mag aalas-dies pa lang,” sabi ko. “Hindi pa ako inaantok.” tumabi ako sa kaniya sa kama at hinimas ang makinis niyang binti. “Hindi na ba masakit ang sugat mo?” tanong ko.
“H-hindi na masyado,” sagot niya na umatras nanaman papuntang pader.
“Sayang, tinakpan mo agad, gusto ko pa naman makita.”
“A-anong makita? Sugat lang `yan!”
“Oo nga, pero gusto ko paring makita...” sinumulang kong alisin ang bandage na nakaikot sa hita niya.
“`Oy, ano ba, Bicoy!” hinampas ako ni Jiro sa hubad kong balikat, pero `di ako tumigil.
“Malaki ba ang sugat? Ilang stitches ang inabot mo?”
“M-Maliit lang...”
Natanggal na ang benda, `yung gauze naman ang inangat ko.
“Bicoy, ano ba, ginamot ko na `yan!”
Tinanggal ko ang gauze ng tuluyan at nakita ang sugat sa ilalim nito. Maliit nga lang ito, wala pang one inch ang tahi. Inangat ko naman ang binti niya para makita ang nilabasan ng bala. May five inches ang pagitan nila.
“Aray!” napatingin ako kay Jiro na napapikit sa sakit. “Dahan-dahan naman, masakit.”
Inangat ko pa ang kaniyang binti at hinalikan ang paligid ng kaniyang sugat.
“Bicoy!” muling hinampas ni Jiro ang likuran ko. “A-ano ba `yan?”
“Para mawala ang sakit.” muli kong hinalikan ang hita niya, pinagpatuloy ito, tinaas ko ang suot niyang shorts, pataas sa kaniyang balakang.
“B-Bicoy... tama na...” napatingin ako kay Jiro. Mukha siyang maiiyak.
Ibinalik ko ang gauze at bandage sa kaniyang sugat. Tapos ay pinatay ko na ang ilaw sa kuwarto.
“Oyatsumi mederu,” sabi ko sa kaniya.
“Oyatsumi...” sabi rin niya. “Mederu, Bicoy.”
Kinabukasan, kinausap ni Jiro si Tita.
Napag-usapan namin na dapat niyang sabihin kay Tita ang tutoo tungkol sa magulang niya.
“Pasensya na po, Tita, nagsinungaling ako sa inyo.”
Nakasimangot lang si Tita habang nagkukuwento siya. Tapos ay huminga siyang malalim at napa-iling.
“Kung ganon, wala ka palang uuwian sa inyo?” tanong niya.
“Nandoon naman po ang tiyahen ko, malapit lang...”
“Pero hinahayaan ka ng tiyahen mo na matulog kung saan-saan?”
“H-Ho? Hindi naman po... hindi lang po siya mahigpit...”
“Kung ganon, eh, bakit hindi ka na lang kaya pumalagi rito?”
“Ho?!” pareho kaming nagulat ni Jiro.
“Mahihirapan kang pumasok kung mag-isa ka, at least dito, kasa-kasama mo si Bikoy,” sabi ni Tita. “Kesa naman mag-uwian ka mag-isa sa Bulacan.”
“Sa bagay, may punto si Tita,” sabi ko.
“P-pero... nakakahiya naman po iyon, sobra!” sabi ni Jiro. “At wala na po akong gamit...”
“Eh, di sa Lunes, sabay kayong pumasok mula rito, at kumuha kayo ng gamit mo sa Bulakan, tapos doon na kayo matulog. Sabay na kayong pumasok ni Bicoy sa Martes, at tapos ay dito na kayo umuwi.”
“P’wede,” sabi ko. “Eh, Tita, paano naman `yung mga delivery ko?”
“`Wag mo nang intindihin `yun!” sabi ni Tita. “Papakiusapan ko na lang `uli si Jun at aarkilahin siya para sa delivery, tutal, `yun naman ang ginagawa ko dati, ikaw lang ang nagpipilit na magdeliver para makatipid. Matagal na nga ako nag-aalala sa `yo, hindi `yan ang unang pagkakataon na na-hold-up ka!”
“T-talaga po?” tanong ni Jiro kay Tita.
“Oo, `yung una, sa palengke, biro mo, tinutukan siya ng ice pick, nakipag agawan pa siya para lang di makuha `yung limang libo sa pitaka niya!”
“Limang libo pa rin yun, Tita, pambili natin ng tela yun!”
“Tapos `yung sumunod, nang maningil siya sa Maybunga, nakipag-agawan nanaman ng kutsilyo, nahiwa tuloy siya sa braso!” tinuro pa ni Tita kay Jiro ang maliit na peklat sa kaliwang braso ko.
“Eh, naupakan ko naman `yung gagong hold-upper na yun! Basag ang nguso niya!”
“Kaya nga lang, hindi sa lahat ng panahon, eh, ikaw ang mananalo. Kita mo nga, kung hindi ka nasipa ni Jiro at bumagsak, malamang sabog na bungo mo!”
Natahimik ako.
“Kaya nga mula ngayon, sa palengke na lang tayo mag babagsak, at si kuya Jun mo na ang mag dedeliver sa ibang malalayo,” sabi ni Tita. “At ikaw, tumutok ka na lang sa pag-aaral mo. `Yan ang trabaho mo ngayon.”
Ganoon nga ang ginawa namin.
Come Monday, sabay kaming pumasok ni Jiro. Nakasakay pa siya sa unahan ng tren dahil may pilay siya. Pagpasok naman namin ay takang-taka ang lahat na makita siyang may saklay.
“Anong nangyari?” tanong sa amin ni Rick.
“Nag-away ba kayo?” tanong naman ni Tony na mukhang alalang-alala kay Jiro.
“Hindi, na-hold-up kami at nabaril si Jiro sa binti,” sabi ko.
“Ano?” dumami na ang nakapalibot sa amin.
“Saan kayo na hold-up?” tanong ni Jojo, “Anong nakuha sa inyo?”
Naubos ang oras namin sa pag-kuwento. Natuwa nga ako at nakipag-usap si Jiro sa mga kaklase namin. Natigil lang ang mga tanong nila nang dumatin na ang professor namin at nagpatuloy `uli nang matapos ang klase.
“Sa susunod, mag-ingat kayo!” sermon sa amin ni Tony na nagpapaka big bro nanaman. “At ikaw, Vic,” turo niya sa akin, “Tandaan mo na mas importante ang buhay kesa sa pera!”
“Speaking of ‘tandaan’, may nalilimutan ka ata, Tony,” sabi ni Rick sa tabi niya.
Napatingin sa kaniya si Tony. “Tsk. Oo, natatandaan ko `yun!” sabi niya.
Lumapit siya kay Jiro. “Akari, sorry sa mga sinabi ko last week. I was being such a jerk, sana mapatawad mo ako.” he said in a monotonous voice.
“Wala `yun,” sagot naman ni Jiro na ngumiti sa kaniya. “Apology accepted.” he reached out a hand to Tony. Inabot naman ito ni Tony who shook it promply.
“So, kayo na ba?” tanong nito kay Jiro.
“Hindi nga sabi,” tinuktukan ko siya sa ulo. “Magkaibigan lang kami.”
“D’yan nagsisimula `yan.” kantyaw naman ni Rick na nakangisi sa amin.
“Masaya na ko na kaibigan lang,” sagot naman ni Jiro na nakangisi rin.
Well, at least everything seems to be going okay. Mukhang natanggap naman ng mga kaibigan ko si Jiro.
Later that evening, paglabas namin ng klase ng 7 PM, sumama ako kay Jiro pa-Bulacan. Sumakay kami ng UV Express sa trinoma. Mahaba ang pila. Alas-otso pasado na kami nakasakay, at sa traffic naman ay mag-aalas-dies na kami nakaabot ng Maycauayan. Mula doon, sumakay pa kami ng jeep at isang tricycle.
Madilim ang bahay na pinuntahan namin sa isang barrio. Naglabas ng susi si Jiro at binuksan ang front door ng isang maliit na bungalo. Pagbukas niya ng ilaw, bumungad ang masikip na living room. May sala set dito na kahoy at isang lumang TV na malapad pa. May mga nakapatong na damit sa upuan at mga lumang librong mukhang text books.
“Iwan mo na lang muna d’yan ang mga gamit mo,” sabi niya bago magpatuloy sa loob ng bahay.
Pumunta siya sa katabing kusina at kainan. Walang ibang gamit dito kun `di de-kuryenteng stove sa counter ng kusina at ilang kubyertos at pinggan sa isang tabi.
May rectangular na five gallon mineral water sa tabi at kumuha siya ng tubig dito.
“Gusto mong uminom?” tanong niya sa akin, sabay abot sa akin ng basong ininuman niya.
“Salamat.” uminom ako. “Nasaan `yung Tita mo?”
“Nasa kanila. Dumadaan lang siya rito para kamustahin ako kada buwan.”
“Akala ko ba, sabi mo kasama mo siya sa bahay?” tanong ko.
“sabi ko katiwala siya ni mommy.” Ngumisi sa akin si Jiro. “Technically, I wasn’t lying.”
“Psh, ikaw talaga!” nilapitan ko siya. “So, tayong dalawa lang ang tao rito?”
Biglang nawala ang ngisi sa mukha ni Jiro na namula.
“Oo, best friend,” sabi niya, tinaas pa ang saklay sa gitna namin. “Tayo lang dalawa ang matutulog dito. Pero wag kang mag-alala, dalawa ang kuwarto, sa kabila ka matutulog.” Muli s’yang ngumisi sa akin.
Tinulungan ko siyang mag-ayos at magbalot ng mga dadalhin namin bukas. Habang nag-aayos, naki-kalikot na ako ng mga gamit sa aparador niya.
“Ano `to?” tanong ko habang hawak ang isang espadang gawa sa ilang tinaling piraso ng kawayan.
“Shinai ko `yan, noong nag-aaral pa ako ng kendo.” kinuha iyon ni Jiro at iwinagayway. “Woo... samurai ka pala!”
Natawa si Jiro, “Sandali lang akong nag-aral nang pilitin ako ng tatay ko, pero natigil rin, wala talaga akong talent sa sports, kaya nag-Japanese chess o ‘Go’ na lang ako. Madalas kaming mag-laro noon ni papa.”
“Eto ba tatay mo?” tanong ko nang makakita ng frame na may litrato niya na may kasamang matandang lalaki. As in, matanda.
“Oo, papa ko `yan!” ngumiti si Jiro. “Eight ako n’yan, nanalo ako sa Go competition sa school namin.” Ang ganda ng ngiti niya sa picture, at ang cute-cute ng batang si Jiro!
“Eto naman ang pinsan kong si Keito, kaedaran ko siya... come to think of it, apo ko na bali siya, dahil malayong pamangkin ni papa ang lola niya.”
“Eto ba ang school ninyo?” tanong ko sa isang picture sa harap ng malaking building.
“Hindi, bahay namin `yan sa Japan,” masayang sinabi ni Jiro. Napatitig ako sa kaniya. “Ayan ang main house, sa gilid, makikita mo `yung bahay ng pinsan – rather, ng apo ko.” Muli siyang natawa.
“Woah, ang yaman n’yo pala doon?” tanong ko.
“Si papa lang. Nang namatay siya, binigyan nila ng kaunting pera si mama, tapos pinaalis na kami sa main house.” Lumungkot ang mukha ni Jiro. “Tapos noon, umuwi na kami rito sa Pilipinas.”
“At dito kayo tumira?”
“Hindi, ito ang bahay ni mama noong bago siya nag-Japan,” paliwanag niya. “Nang umuwi kami, nag-rent kami sa Tandang Sora. Nang nagpakasal siya `uli, saka niya ako pinatira rito.”
“Ha? Ganon na lang `yon?” Para ako’ng nagalit sa ikinuwento niya. “Basta ka na lang niya itinapon dito?”
“Well, at least, pinapadalahan pa naman niya ako ng pera para sa mga gastusin ko...”
“Hindi sapat `yun!” sabi ko. “Anak ka niya! Hindi niya dapat ginagawa `yun sa sarili niyang dugo!”
Napangiti lang si Jiro sa akin. “Ganoon talaga,” sabi niya. “sabi niya, fourteen years daw ang tiniis niya sa Japan, kaya ngayon daw, gagawin naman niya ang gusto niya.”
“Napaka selfish naman niya kung ganoon!” sabi ko pa. “Wala siyang kuwentang ina!”
Natahimik ako nang makita ang mukha ni Jiro.
Nakangiti man, napaka lungkot ng pagkakatingin niya sa akin.
“Ang sabi ni mommy, ang lola ko raw ang nagpumilit sa kaniyang mag-Japan,” sabi niya. “Pinasok daw siya bilang katulong, pero pag-dating doon, sa bar daw ang bagsak niya, kung saan nakilala niya ang tatay ko habang nag co-cosplay siya na nurse.”
So, doon pala galing ang kuwento niyang nurse ang nanay niya.
“Nagpasalamat naman si mama, dahil pinakasalan siya ng tatay ko at binahay pa, pero sinasabi niya lagi sa akin na nakakadiri daw ang tatay ko’ng puro kulubot at amoy lupa na. Kaya nga nang mamatay si papa...” natigil ang kuwento ni Jiro.
Tumabi ako sa kama kung saan siya nakaupo at umakbay sa kaniya.
“Mukhang mabait ang tatay mo, parang ikaw.” Tumango siya. “Sayang hindi ko siya nakilala.” Muli siyang tumango.
“Iligpit na natin ang mga gamit mo, bukas mo na ituloy ang pag-impake. Saka na lang natin dalin ang iba pa.”