Magkasama sila Tita sa taas nang umuwi ako.
Nasa sala sila ni Jiro, nagbabalot ng lumpiang toge.
“O, Vic, bakit ngayon ka lang? Nakabili ka ba ng ulam natin?”
“Opo, Tita!” ngumiti ako at pinakita sa kaniya ang dala kong supot. “Mechado at afritada ang binili ko!”
“Naku, wala ka nanamang biniling gulay!” sabi ni Tita na inabot sa akin ang supot at nagpuntang kusina.
“Kamusta ka naman? Masakit pa ba sugat mo?” tanong ko kay Jiro.
“Hindi naman, tinuturuan akong gumawa ng lumpia ni Tita.”
Tumayo ako sa tabi niya at paupo na sana nang mapalapit siya sa akin at mapasinghot.
“Ano `yung masangsang?” tanong niya sa akin.
Agad akong lumayo sa kaniya. Napatitig sa akin si Jiro.
“Mag C-CR lang ako sandali,” sabi ko.
Ba’t ang lakas noon makaamoy? Tinaas ko ang t-shirt ko at inamoy ang aking sarili. Masangsang nga. Tarantadong bakla yun, eh, sa tiyan ko pa nagpaputok.
Nagmamadali akong naligo at nagpalit ng damit. Pag balik ko sa baba, nakahain na ang mesa at inaalalayan ni Tita si Jiro mula sa sala.
“Ako na po, Tita.” hinawakan ko ang kamay ni Jiro. Kinapitan niya ako ng mahigpit, nakatitig sa akin ng galit.
“Oo nga pala, Tita,” sabi ko nang nakaupo na kaming lahat. “Nakita ko si Julie kanina sa palengke.”
Biglang napalingon si Jiro sa akin.
“Nalaman niya `yung nangyari sa amin kagabi, kaya nag-abot siya sa akin ng tulong.”
“Ganon ba?” tumaas ang kilay ni Tita. “Salamat naman kung ganoon.”
“Bigay ko po sa inyo mamaya, bente mil po ang bigay niya.”
Nabitawan ni Tita ang kutsara niya. “Bente mil?!” hindi siya makapaniwala.
“Ano naman ang kapalit?” Nagulat ako nang nagsalita si Jiro. Nakasimangot siya sa akin.
“Wala. Hindi nga ako pumayag, eh, sabi ko ibabalik namin ni Tita ang pera. Pay when able na lang daw.”
Hindi ko inalis ang tingin kay Jiro na nakatitig pa rin sa akin.
“Hay, pag nakita ko siya, magpapasalamat ako. Salamat at may mababait tayong kaibigan.” hinimas niya ang kamay ni Jiro sa hapag kainan. “Kita mo, hijo, pag mabait ka, maraming tutulong sa iyo, kaya nga `yung ginastos namin sa `yo, eh, maliit na halaga lang. Babalik din sa amin `yan, balag araw.”
“Oo nga po, Tita.” ibinaba rin ni Jiro ang tingin niya. “Napaka bait n’yo po talaga.”
Hindi ako kinausap ni Jiro buong araw.
Pinagpatuloy nila ang pag gawa ng lumpia. Niluto namin ang ilan dito at kinaing merienda, pati ang mga mananahi sa baba binigyan namin.
Tapos noon ay nag-stay na si Tita sa baba para bumalik sa pagtatahi niya.
Nasa tapat nanaman ng TV si Jiro. Hindi pa rin niya ako pinapansin.
“Hindi ka ba nababato nang nakaupo lang dito?” tanong ko matapos niyang ilipat ang chanel at manood ng balita.
“Wala naman akong ibang p’wedeng gawin, `di ba. “ sabi niya. “Wala akong magawa.”
Umupo ako sa tabi niya. Hindi siya gumalaw.
“Ako rin, walang magawa,” sabi ko.
Nakita kong mag punas siya ng mukha. Pagtingin ko, umiwas siya sa akin. Hinarap ko siya at inilapit ang kaniyang mukha sa akin.
“Bakit ka umiiyak?” tanong ko. Umiling lang siya, pilit akong tinulak. “Naaawa ka ba sa akin ngayon?” natawa ako.
“Hindi,” sabi niya. “G-ginusto mo naman `yan eh...” nawala ang aking ngiti.
Binitawan ko siya, pero siya naman ang humarap sa akin.
“Wala akong magawa dahil alam kong wala naman akong karapatan pigilan ka. Nakakainis lang. Nakakainis dahil kailangan mo pang gawin ang mga bagay na `yan para lang sa Tita mo. Pa’no na ikaw? Pa’no na sarili mo? Papatayin mo na lang ba ang damdamin mo para sa ibang tao?”
“H-hindi `to para kay Tita!” sabi ko sa kaniya. “Ginagawa ko lang ang gusto ko. Bonus na lang ang pera, pati na rin ang benta ni Tita. Nasasarapan ako sa ginagawa ko, kaya ko `to ginagawa!”
“Totoo ba `yan, Bicoy? Naniniwala ka talaga d’yan sa sinasabi mo?” patuloy niya. “Kung ganon, bakit kagabi, nang inaaya tayo nung bakla sa kuwarto niya, mukha kang maiiyak na nahihiya na hindi mo malaman kung anong gagawin? Kaya nga hinatak kita, eh, kaya ayaw kitang bitawan!”
“Na... Nahiya lang ako sa `yo no’n,” sabi ko. “Pero kung hindi kita kasama, hindi ako magdadalawang isip na sumama sa kaniya sa kuwarto.”
“Sigurado ka, Bicoy?”
“Oo. s*x lang naman yun, eh, no big deal.” Tumayo ako. “Physical contact. Parang nakipag wrestling lang ako o nakipag agawan sa bola sa basketball.”
Aalis sana ako, pero kumapit si Jiro sa akin, at sa paglakad ko ay nahatak ko siya at muntikan pang bumagsak sa sofa.
“Bicoy. Kung talagang no big deal, then next time, isama mo ako.”
Tinitigan ko siya. Ano bang sinasabi niya?
“Namimilosopo ka ba?” I said coldly. “Tingin mo gagana `yan sa akin?”
“I’m not joking, Bicoy,” sagot niya. “Kaibigan kita. Gusto kong malaman ang pinagdadaanan mo.”
“Ikaw, pinapaalam mo ba sa akin ang pinagdadaanan mo?”
Napatitig sa akin si Jiro, natahimik.
Muli kong sinubukan umalis, pero hindi pa rin siya bumibitaw sa akin.
“Iniwan ako ng nanay ko dahil kinahihiya niya ako,” bigla niyang sinabi. “Nakatira ako sa lumang bahay nila sa Bulacan. Ang kasama ko lang, ang tiyahen kong katiwala sa bahay. Ayaw niya akong kasama dahil ayaw ng bago niyang asawa sa akin.”
Tumingin ako pabalik sa kaniya.
“Ano pang gusto mong malaman?” tanong niya sa akin.
Bumalik ako sa sofa at tinulungan siyang umupo ng maayos.
“Ano pang gusto mong sabihin sa `kin?” tanong ko sa kaniya pabalik.
“Noon... nang makita mo akong masama ang pakiramdam sa MRT station... nakitulog ako noon sa bahay ng kaibigan ko...” sabi niya. “Bakla rin siya... Pinilit siyang makipag group s*x ng boy friend niya... nagkasakit siya, kaya pinuntahan ko siya at inalagaan. At `yung sinabi nila Jojo na nakita nila ako na papasok ng motel, that was the same friend, lasing na lasing siya kaya sinamahan ko siya doon para matulog.”
“Akala ko ba sabi mo ako ang first kiss mo?” sabi ko sa kaniya.
“Oo, Ikaw ang first real kiss ko!” sabi niya, mahigpit ang kapit sa aking braso. “Ikaw ang unang friend ko sa college... ang best friend ko ngayon...”
“Paano na `yung friend mong bakla?” tanong ko.
“Umuwi na siya ng Bulakan... hindi na siya aalis doon...”
“Okay.” Hinimas ko ang buhok niya.
“M-may gusto ka pa bang malaman?” tanong niya `uli.
“Nasa Davao talaga nanay mo?”
“Oo, may textile business doon ang bago niyang asawa.” Malungkot siyang nagkuwento. “May anak na rin si mama... dalawang babae, isang lalaki... mga kapatid ko, pero hindi ko pa sila nakikita,” patuloy niya. “Hindi nila alam na may kuya sila...”
Hinatak ko si Jiro palapit sa akin, at isinandal siya sa dibdib ko.
“Puwede mo akong itulak kung masangsang pa rin amoy ko,” sabi ko. Pero lalo lang sumandal si Jiro at yumakap pa sa akin.
“Ang bango mo,” sabi niya.
Ako naman ang nahiya at nag-init ang mukha. “`O-oy, best friend, nananantsing ka na n’yan, ha?” natatawa kong sinabi.
Lalo lang humigpit ang yakap niya.
“Perks ko `to as your best friend. Ako lang p’wedeng yumakap sa `yo ng ganito.”
Nangiti ako.
Yumuko ako at hinalikan siya sa bumbunan.
“Hm. Ikaw amoy pawis na!” sabi ko sa kaniya. “Gusto mo bang maligo?”
“Mamaya na,” sagot niya, “masarap pa itong pwesto ko.”