For some reason, I found it hard to sleep that night.
Nothing happened.
Matapos naming magkamayan ay natulog na kami. Pumanik na siya sa kama, ako naman, sa baba, at maya-maya pa ay narinig ko na ang mabagal na paghinga niya.
Damn.
This is the first time a person didn’t do anything to me.
I mean, kahit ang best friend kong si Prang, nagnanakaw ng halik `pag akala niya tulog na ako. Pero bakit itong isang ito, this effeminate guy who obviously likes me, bakit wala siyang ginawa?
Umikot ako sa kama at hinarap siya. Nakatagilid siya, facing me, with the tips of his left fingers hanging at the edge of the bed. Umupo ako para mas mapagmasdan ang mukha niya.
Napaka haba talaga ng lashes niya. They left shadows on his cheeks. He seems to be dreaming as his eyelids move. And I fight the urge to kiss them.
Haa... what is wrong with you, man?!
`Pag hinahabol ka, naiinis ka, pag `di ka hinahabol, nagtataka ka kung bakit?
Baka naman gusto lang talaga niyang maging friends. Nothing more.
But why does the thought of ‘just being friends’ sound so sad to me right now?
Bumalik na lang ako sa pagkakahiga at pinilit matulog.
“G-good morning!” nakangiting bati sa akin ni Jiro na nakasilip sa akin mula sa kama.
Fuck. Did my heart just skip a beat?!
“I didn’t know if I should wake you up... kaya hinayaan na lang kitang matulog...”
“Anong oras na ba?”
Tumingin ako sa wall clock sa tuktok ng aking desk at agad napa-bangon!
“Mag aalas-siete na?!”
“H-ha? O-oo, b-bakit?” nagwawalang tanong ni Jiro na napatayo rin sa kama.
“Alas-siete susunduin ni kuya Jun si Tita! Balak ko sana makisabay tayo sa kaniya!”
Nagmamadali akong bumaba ng hagdan at nagpuntang kabilang bahay.
“Kuya Jun!” tawag ko sa aming kapitbahay.
“O, Bicoy, umuwi ka pala?” tanong sa akin ng asawa niya’ng si ate Remy.
“Opo, may bisita po kasi ako, nakitulog,” tamang-tama naman na lumabas ng bahay si Prang na nag hihikab pa habang nagkakamot ng tiyan.
“Sinong bisita?” napatingin siya sa may likod ko at napatayo ng diretso.
“G-goodmorning po...” mahinang sagot ni Jiro na nasa likod ko lang pala.
“Prang, si Jiro, Jiro, best friend ko at kababata, si Prang.”
“Hi,” bati ni Jiro sa kaibigan ko.
“Hi,” sagot ni Prang na mukhang kinikilatis si Jiro. “Francis, nice to meet you.” Nagkakamayan pa sila nang lumabas si kuya Jhun ng bahay.
“O, sasabay ka ba pabalik sa palengke?” tanong niya sa akin.
“Opo sana, pinaalam ko lang, at baka maiwan mo kami. Kakagising lang kasi namin ni Jiro.”
“Sige, at ako’y nagkakape pa,” sabi ni kuya Jun. “Tawagin n’yo na lang ako pag handa na kayo.
Agad din kaming bumalik sa bahay, kasunod si Prang.
“May umagahan ba kayo? Kumuha na lang kayo sa amin kung wala pa.”
“Meron pa namang tinapay at peaut butter sa ref. Pahingi na lang ng kape para `di na ko mag-iinit ng tubig.”
“Sandali, ikukuha ko kayo,” sabi ni Prang na nagmamadaling lumabas ng bahay.
“Mukhang close na close kayo ng kaibigan mo, ha?” nakangiting tanong ni Jiro.
“Oo, mula nang naka-pampers pa kami, magkasama na kami ni Prang, parang magkapatid na nga kami, eh, at parang second parents ko na rin ang mga magulang niya.”
“Nakakatuwa naman, buti ka pa, may best friends.”
Napatingin ako noon sa kaniya.
“Regarding that, I just want to ask. Are you interested in me?” I asked him straight out.
“H-ha?” nawala ang ngiti sa namula niyang mukha.
“Gusto ko lang malaman habang maaga pa. Do you want to be lovers, or do you just want to be friends?”
Lalong namula ang mukha ni Jiro. Akala ko hindi na siya sasagot.
“J-Just friends,” he finally said.
“Are you sure?”
“Y-yes.”
“Then, I would gladly be your friend,” sabi ko, nakangiti. “Word of advice lang, Jiro. Please, don’t fall in love with me,” I added. “I’m not the perfect guy you might think I am.”
Tumango naman siya. Even though I knew that it was already too late.
“O, bakit parang ang seryoso n’yo rito?” pamungad ni Prang nang bumalik s’yang may dalang dalawang tasa ng kape.
“Inaantok pa kami,” nakangisi kong sagot. “Gusto mong peanutbutter sandwich?”
“`Di na, kumain na ko ng hotdog sa bahay. Gusto n’yo?”
“Sana dinalan mo na kami kasama ng kape!”
“Wow, ang dami kong kamay, ano?”
Nagkantyawan pa kami ni Prang habang tahimik si Jiro na uminom ng kape. Matapos naming mag-ayos, pumunta na kaming tatlo kina Prang at sinundo na si Tita sa palengke.
“Dito ang sakayan pa-Crossing, alam mo na ba ang sasakyan mula doon?”
“Oo naman, kabisado ko na ang daan from there,” sagot ni Jiro.
“I’ll see you in school then,” habol ko sa kaniya.
“Ingat, pare!” tawag sa kaniya ni Prang na sumama sa amin sa pila ng UV express.
“Nice meeting you!” kumaway sa amin si Jiro at sumakay na sa van.
“Ang cute nung kaklase mong yun, ha?” sabi ni Prang nang pabalik na kami sa palengke.
Tinitigan ko siya ng masama. “Prang, lalaki si Jiro.”
“A-alam ko `no, gago, hindi ako papatol doon!” deffensive agad si loko. “Iniisip ko lang na pati lalaki, patay na patay sa `yo!”
“Hindi ganon si Jiro,” sabi ko.
“Huu! Hindi raw, nakita mo ba kung paano siya makatingin sa `yo?” patuloy ni Prang. “Saka kilos pa lang, alam mo nang bakla `yun, eh! Tapos pinatulog mo pa sa kwarto mo?”
“Wala namang nangyari sa amin, eh.” nangingiti kong sinabi. “Saka wala namang masama kung bakla siya, as long as matino naman siyang tao, walang kaso `yun.”
“I-ibig mong sabihin, okay lang sa `yo’ng pumatol sa bakla?!”
Napalakas ang boses ni Prang. Nagtinginan sa amin ang mga tao sa aming paligid.
“Haay... sinabi ko bang papatol ako?” sagot ko sa kaniya.
Ito ang dahilan kung bakit hindi ko sinasabi sa kaibigan kong ito ang mga ‘s*x-perience’ ko sa mga kapwa lalaki.
Alam ko kasing magiging uncomfortable ito para sa kaniya.
“Pucha... akala ko nababakla ka na rin, eh!” sabi niya habang hinihimas ang kanynag braso. “Kadiri!”
“Ito naman, kung maka-react parang hindi ka nahilig sa lesbian porno noon.”
“Ayun na nga, eh!” binabaan ni Prang ang boses niya, buti naman. “Alam mo ba `tol, `pag ang dalawang tibo nag-aanuhan, kung anu-ano ang pinapasok nila sa mga p**e nila para lang ma-satisfy? Eh, ang mga bakla, alam mo ba kung saan pinapasok?”
“Haay... balikan na nga natin si Tita,” aya ko sa kaniya, “Puro porno nanaman ang sinasabi mo. Kaya `di ka maka-score ng girlfriend, eh!”