Para s’yang babae kung kumain.
Sarado bibig, mahinhin, wala ako halos marinig `pag ngumunguya siya.
Pagkatapos naming mag hapunan ay inayos ko na ang mga dadalhin namin at tumawag ng tricycle sa labas.
“Tutulong na akong magbuhat!” prisinta nanaman ni Akari nang makabalik kami sa palengke.
“Sige, try mo nga muna buhatin ang isa,” sabi ko sa kaniya.
Natawa ako nang hindi niya manlang ito maiangat lampas sa kaniyang tuhod.
“Bantayan mo muna itong isa, ako na magtataas para `di na aarkila ng tagabuhat,” habilin ko nang makabalik kami sa palengke.
Tumango siya at `di na nagsalita.
Pagbalik ko naman sa baba ay nakita kong may katabi na siyang lalaking nakasando. Mahigpit ang kapit ni Akari sa plastic ng mga damit at nakasimangot.
“Akari, pasensya na natagalan ako.” Inakbayan ko siya paglapit ko.
Napatingin naman sa akin ang mama’ng nasa trenta anyos.
“Ah, eto na pala ang kasama mo, sige Jiro, ha.” umalis ito at lumingon pa ng ilang ulit bago lumiko sa kanto.
“Sino yun?” tanong ko sa kaniya.
“A-Alan daw...” namumula siya habang kinukutkot ang plastic ng panahi ni Tita.
“Kakilala mo?”
“G-gusto raw magpakilala...”
“Madalas ba `tong mangyari sa `yo?”
Napatingin siya sa akin. “H-ha?”
“Madalas bang may nakikipag-kilala sa `yo pag nakatayo ka kung saan?” nakangisi kong tinanong. “Ako kasi, madalas.”
Nagulat siya sa sinabi ko at napatitig sa akin. Nakaakbay pa rin ako sa kaniya, at kahit hanggang baba ko lang siya ay ang lapit ng mukha namin sa isa’t-isa.
Kitang-kita ko nang mamula ang mukha niya. Ang kinis ng kutis niyang maputi. Ang haba ng pilik mata. Nanginig ang mga labi niyang mapula nang siya’y magsalita.
“I-ikaw din?” tanong niya sa akin.
“Oo, nito nga lang, na-harass pa `ko sa sasakyan habang natutulog, eh.”
Natawa ako nang nakita ang takot na itsura sa kaniyang mukha. “Hirap talagang maging pogi, ika nga sa kanta,” dagdag ko,”In your case naman, mahirap maging cute.” Piningot ko ang ilong niya.
“Ow!” sumimangot siya sa akin at ngumuso.
Damn. Ang cute niya talaga.
“Halika na nga at baka nagtataka na si Tita kung ba’t ang tagal nating pumanhik.” Binitbit ko na ang panahi at pinasan ito sa balikat ko. “Tapos ihahatid na kita sa sakayan para makauwi ka na.”
“Ano kamo? Sa Bulakan ka pa uuwi?” Nagulat si Tita nang malaman kung taga saan si Akari. “Naku, sinamahan mo pa kasi ang pamangkin kong kalabaw, ang layo pa pala ng inuuwian mo!”
“O-okay lang po, Tita, hindi naman po nauubos ang mga sasakyan sa amin...”
“Ay naku!” singit ni Tita. “Makitulog ka na lang muna sa amin!”
“Ho?” Sabay kaming napatunganga ni Akari.
“H-hindi na po! Nakakahiya naman!”
“At saka Tita, bukas pa po tayo uuwi!”
“Iwan mo na lang ako rito, tutal, matungal naman ang benta, saka nakabawi na naman tayo, p’wede na nga tayo umuwi, eh.”
“Eh, `di umuwi na tayo!”
“Ay, mamayang alas-sinko darating ang isang suki ko na taga Divisoria, kaya hindi pa `ko p’wedeng umuwi.”
“Eh, Tita, mag-isa lang po kayong mag-s-stay dito?” tanong ni Akari na nag-aalala rin.
“Ay, `wag mo akong alalahanin, ito na ang kinalakihan ko, isa pa, marami naman akong kasama rito.”
“Tama, Bicoy, iwan mo na ang Tita mo, kami na bahala sa kaniya,” sabi ni Mang Henry sa kabilang stall na nakikinig pala sa amin.
“Sige, Tita, Mang Henry, salamat po, at ingat po kayo rito.”
Naglakad kami pauwi. Hindi naman kalayuan, at sayang din ang ibabayad namin sa tricycle na mahilig mag-over-price.
“P-pasensya sa talaga, Vic, ha... Napaka laking abala ko na sa inyo...” sabi sa akin ni Akari habang mahigpit ang kapit sa giraffe na nakasabit sa strap ng neon green bag niya.
“Okay lang, kahit naman ako, nag-aalala rin sa pag-uwi mo,” sagot ko. “Saan ka ba sa Bulakan nakatira?”
“Sa Maycauayan lang... May diretsong UV express sa Trinoma papunta sa amin.”
“Ah, kaya pala nasa Trinoma ka...” napaisip ako. “Pero, bakit umaakyat ka pa sa MRT station?”
Biglang namula si Akari. “G-galing kasi ako sa bahay ng kaibigan ko dati...” sabi niya.
“Akala ko sabi mo nagpuyat ka sa ginagawa mong project?”
Natahimik si Akari. Mukhang wala na siyang balak sumagot.
“Anyways, since wala si Tita, gusto mo bang sa kuwarto niya matulog? O gusto mong makipag-siksikan sa akin?”
“Eh?”
“Ang kama ni Tita amoy White Flower, just so you know.” nakangisi kong dinagdag.
“O-okay lang... sa kwarto mo...?”
“Syempe okay lang.”
Nagpahiram ako kay Akari ng pamalit na pangtulog.
“Nasa dulo ang banyo, doon ka na magpalit.” turo ko sa kaniya. “May extra sipilyo pa rito kung kailangan mo...”
“O-okay lang, may dala akong toothbrush.” May pinakita nga s’yang maliit na pouch sa akin. Mukhang may facial wash pa rito.
“Okay, pasok ka lang `pag okay ka na.”
Hindi kalakihan ang kuwarto ko, may isang mesa, isang kama, at isang upuan dito. May aparador sa may pinto at tig-dalawang bintana sa dalawang dingding.
Maliit lang ang kama ko, pero may extra akong kutson na p’wedeng ilagay sa paanan para kung makikitulog si Prang sa amin.
Inilabas ko ito at nilagyan ng sapin. Dito ko balak matulog.
Nagpupunas pa sa pinahiram kong tuwalya si Akari nang pumasok siya ng kuwarto. Mukhang may baon din siyang mouth wash. Amoy ko ang pinaghalong scent nito, together with his facial wash.
Ang bango niya.
“Sige, tulog na tayo?” pumuwesto na ako sa baba.
“H-ha? Bakit sa baba ka?” tanong niya.
“S’yempre, sa taas ang bisita,” nakangisi kong sinabi.
“P-pero...”
“Ganito lang talaga kaming mga tagalog,” sabi ko sa kaniya. “Masanay ka na, importante sa amin na maayos ang mga bisita namin.”
“S-salamat... pero, `di ka ba mahihirapan diyan?”
“Hindi, makapal din naman itong kutson na gamit ko, eh.” Hinampas ko ito, at mukhang inakala niya ay gusto ko s’yang lumapit sa akin.
Umupo si Akari sa tabi ko sa lapag. Maiksi lang ang shorts na pinahiram ko sa kaniya. Kitang kita ang mapuputi niyang binti na walang balahibo.
Damn, his legs look better than some women I know. Mukhang ang kinis-kinis nito at ang lambot.
“Tama ka, malambot nga.”
Napatingin ako sa kaniya.
“Sigurado ka hindi ka uncomfortable dito?”
Maluwag sa kaniya ang manipis na t-shirt na pinahiram ko. Kitang kita ko ang clavicle niya. Malalim ito. It looks so sexy. Sa baba nito, natatakpan ng kamiseta, ay ang dibdib niya at ang n*****s niyang kulay pink...
“B-Bicoy...” napalunok ako at ibinalik sa mukha niya ang aking mga mata. “O-okay lang ba kung `yun din ang itawag ko sa `yo?” bulong niya sa akin.
“O-okay lang,” mabilis kong sagot.
“Salamat.” Bigla siyang nangiti.
Teka. Ngayon ko lang ba siya nakitang ngumiti? Bakit parang ang ganda-ganda niyang pagmasdan?!
“Ang cute ng palayaw mo, pero hindi mo ginagamit sa school,” sabi niya, “Akala ko `di ka papayag na tawagin kitang Bicoy...”
“Ikaw naman, Jiro...” namula siya nang sabihin ko ang palayaw niya. “Bakit Akari ang tawag sa `yo ng lahat ng kaklase natin?”
“N-nasanay kasi akong `yun ang sinasabi pag nagpapakilala ako... sa Japan kasi, apelyido ang tawagan... kaya, ayun...”
“So, tumira ka pala sa Japan?”
“Oo, nurse ang mommy ko roon, nang makilala niya ang tatay ko.” Tumingin si Akari sa baba, ang itim niyang mga mata, natakpan ng mahahaba niyang eyelashes. “We lived there until I was thirteen, nang namatay ang tatay ko...”
“Oh, sorry... Anong kinamatay niya?”
“Old age,” sagot ni Akari, at kung anu-anong bagay ang umikot sa utak ko.
“And your father now?”
“Pinoy siya, step dad ko. After mamatay ni papa, umuwi na kami ni mommy sa pinas, at nagpakasal `uli siya after a year,” kuwento niya, “Pero, parang nasa honeymoon stage pa rin sila hanggang ngayon.”
“Buti matatas ang tagalog mo?”
“Filipino kasi ang usapan namin sa bahay, kahit sa Japan,” sagot niya. “Pati nga father ko tinuruan namin ng Filipino, kahit paano, nakakapag tagalog siya.”
“Nakakatuwa naman, so Jiro na ang itatawag ko sa `yo?”
“H-ha?” namula nanaman siya. “Ku-kung... gusto mo...”
“Mas madali ngang sabihin `yung Jiro, kesa Akari, nasasabi ko pa minsan Akira!” natawa ako at ngumiti `uli siya.
“Bicoy.”
“Jiro.” ngumisi ako. “Nice to meet you.” naglahad ako ng kamay sa kaniya.
Inabot naman ito ni Jiro. “Nice to meet you, Bicoy.”