Chapter 5 – Lucy Love Lace

942 Words
Monday nang muli ko’ng makita si Akari at the same bench in Trinoma MRT station. Mukhang meron siyang hinihintay. Patingin-tingin siya sa paligid at nagningning ang mga mata nang makita ako. “Victor!” tawag niya sa akin. “Kumusta?” Maayos ang itsura niya ngayon, mapula ang manipis niyang labi at buhay ang singkit na mga mata. “Okay naman,” sagot ko. “buti `di ka na nahihilo ngayon?” “Hindi na, nakapag-breakfast ako ng maayos ngayon.” May dala siyang plate, para sa project namin. May drawing ito ng interior ng isang cafe. “Ayan ba `yung pinagpuyatan mong project?” nakangiti kong tinanong sa kaniya. “Ah, oo...” Namula ang mukha niya. “Ikaw, kamusta ang project mo?” Tinaas ko ang dala kong illustration board. Ang ginawa kong interior ay isang clothes store. Inangat ko ito sa kanang kamay at itinuro ng aking kaliwa, sabay ngisi. “Eto, kakatapos ko lang kahapon.” “Nice, ang galing mo talaga sa interiors, Victor!” “Vic na lang,” sabi ko sa kaniya. “H-ha?” “Vic na lang ang tawag mo sa `kin. Lika sabay na tayo pumasok.” Sumakay na kami ng jeep. Tahimik lang si Akari sa buong byahe, nahihiya yata. Obviously, hinintay niya ako. Nagtataka lang ako, taga Bulakan siya, anong ginagawa niya sa MRT Trinoma station? Nakakahiya namang magtanong. Posible kayang stalker ito? Well, mas maliit naman siya sa akin, hindi niya ako kayang saktan, in fact, I find him kinda cute. Besides, posible namang gusto lang niyang makipag-kaibigan sa akin. “Ma, para,” tawag ko sa driver nag umabot kami sa aming babaan. “Mauna ka na,” sabi ko kay Akari na sa dulo nakaupo. “A-ah...” Dumulas ang dala niyang plate at nahulog sa lapag ng jeep. “Ako na.” Pinulot ko iyon at inabot sa kaniya sa pagbaba namin. Pulang-pula ang mukha ni Akari. “S-sorry...” “No Problem, buti nga at hindi nadumihan ang work mo.” “O-oo... pangarap ko pa naman ito...” bulong niya. “Hm?” “P-pangarap ko na magkaroon ng ganitong cafe,” ulit niya. “Ah, ako naman ang pangarap ko eh mapagawan ng boutique ang Tita ko na nagpalaki sa akin.” “Tita? Bakit? Nasaan ang parents mo?” tanong niya. “Wala na sila, since I was three,” nakangiti kong sinabi. Lalong nagkulay ang maputlang mukha ni Akari, pati na ang tenga niya, namula. “S-sorry... hindi ko alam...” Natawa ako sa reaksyo niya. “Wala iyon, halika na, baka ma-late nanaman tayo sa klase.” “So... nakatira ka sa Tita mo?” Mukhang ngayon pa naging maboka ang isang ito. “Oo, wala s’yang pamilya, kaya inampon na niya `ko. She’s in her 70’s now, pero malakas pa, may maliit kaming patahian sa Pasig.” “Wow, so may business pala kayo?” “Maliit lang. Pilit pa nga kaming bumabawi sa puhunan na 5-6 noong nagsimula si Tita. Dati kasi nag ta-trabaho siya sa isang patahian, pero nang mag-65 s’ya, nag resign na siya at bumili ng mga makina para magbukas ng sariling negosyo.” “Ano namang mga damit ang tinatahi ninyo?” “Usually mga blouse. Nag su-sub-contract kami sa malalaking patahian, at nagbebenta rin sa mga stalls sa palengke.” “Nice, sana minsan makita ko ang mga blouse ninyo.” “May sss page si Tita, gusto mo, bisitahin mo, bibigay ko ang link sa `yo.” “Good morning Vic.” Napatingin ako kay Penny sa pagpasok namin ng classroom. “V-Vic, ano nga pala ang sss mo, a-add na rin kita?” mahinang tanong ni Akari sa tabi ko. “Vic Table,” sagot ko, “as in ‘lamesa’.” “Got it!” sabi niya, natatawa. “`Yung store naman ni Tita ay ‘Lucy Love Lace’, mahilig kasi siya sa lace.” “Okay.” “Ano `yun, Vic?” tanong ni Penny. Nasa likuran niya si Aida at mukhang curious sila sa pinaguusapan namin ni Akari. “On-line store ng Tita ko,” sagot ko. “Wow, may store ang Tita mo? Anong tinitinda niya?” tanong ni Aida. “Mga blouse. Tignan na rin kayo, baka may magustuhan kayo, p’wede kayong umorder sa akin.” Nangiti ako. Ba’t nga ba `di ko naisip dati na bentahan ang mga nagpapa-cute sa akin sa school? “Ay, sige, I’m gonna check it out right now!” sabi ni Penny, holding her iPhone. “Ikaw, Akari, bibili ka rin ng blouse?” Aida asked with a wicked smile on her tinted lips. Hindi sumagot si Akari na umupo na lang sa likod ng classroom kung saan siya lagi naka-puwesto. “Wow, these are really cute!” sabi ni Penny na nakita na ang site ni Tita. “Patingin nga!” Pinalibutan siya ng iba niyang mga kabarkada, ako naman ay tumabi na sa sarili kong grupo. “Mukhang magkasabay nanaman kayo ni Akari, ha?” nakangising sabi ni Rick. “Nagkita `uli kami sa MRT.” “Sinasabi ko sa `yo pare, may tama sa `yo `yan, kita mo, malamang stalker mo na `yan!” bulong ni Tony. Natawa lang ako. “Harmless naman siya, gusto lang makipag friends,” sagot ko. “Bahala ka, pare, basta pag may nangyari sa inyo, `wag mo kaming sisisihin ha?” Well, wala namang mangyayari sa amin. Mukhang masyadong mahiyain si Akari, `di siya `yung tipong mag-aaya sa akin sa motel. Hindi rin siya `yung tipong manghaharas. Sa liit niyang `yun? Baka ako pa kamo ang may gawin sa kaniya!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD