Chapter 4 – Mahirap maging Pogi

820 Words
Haay... sabi nila, mahirap maging pogi. Totoo nga iyon. Pero nasa iyo na `yun kung paano mo didiskartehan ang buhay. Tinignan ko ang card na bigay sa akin ng nakasabay ko sa UV Express. ‘Ronald Javier Chu, Executive Director, Blue Ridges Garments International.’ Wow, big time, at sa fashion industry siya nagtratrabaho, p’wede namin s’yang gawing contact ni Tita sa pananahi. Naisip ko’ng ibigay ang card kay Tita, pero sa pag-uwi ko sa amin, sara na nga ang pintuan. “`Ta?” nagbaka sakali pa akong tumawag, pero quarter to twelve na, at ang tulog ni Tita Lucy ay ten PM eksakto. Tulog mantika pa naman `yun. Pumunta na lang ako sa kabilang bahay at kumatok sa pinto. “Ate Remy, nandyan po ba si Francis?” tanong ko sa nanay ng matalik kong kaibigan. “Ay, Bicoy, ikaw pala, para naman itong iba, dumiretso ka na lang sa kuwarto ni Prang,” sagot niya habang nanonood ng TV kasama ang asawang si kuya Jun. “Nasaraduhan ka nanaman ng tyahin mo, ano?” tanong ng tatay ni Prang sa akin. Sila na ang naging pangatlong magulang ko, mula nang alagaan ako ni Tita Lucy. “Kumain ka na ba?” “Tapos na po,” dumiretso na ako sa taas at kumatok sa kuwarto. “O, ano `yun?” tanong ng boses sa loob. Mukhang may ginagawa nanamang kababalaghan ang isang `to. “`Tol,” sagot ko. Bumukas ang pinto at sumilip si Prang. “Nasaraduhan ka nanaman?” Pinapasok niya ako sa loob. Nakasoot lang ng briefs na puti ang loko at nanonood nanaman nga ng porno. Mukhang gang bang. “Ano nanaman ba ang s*x-venture mo ngayon at ginabi ka nanaman ng uwi?” tanong ng kaibigan kong sanay na sa akin. “Ayun... nag-aya `yung classmate ko, one night stand, no strings attached.” “sabi ko na nga ba! Maganda ba?” “Oo. Virgin pa.” Napahalakhak si Prang. “Ikaw na talaga, Bico! Walang tatalo sa `yo!” sabi niya. “How to be you, pare?!” “Haay... nakakapagod kamo...” inalis ko ang shirt ko at pantalon at nahiga na sa kama niya. “P’wera biro, tol,” sabi ni Prang, “Ano bang sikreto mo? Gusto kong maging tulad mo, biro mo, mas matanda ako sa `yo, bente-uno na `ko, pero hanggang ngayon virgin pa rin ako!” Napatingin ako sa pinapanood niya. “Try mo kaya’ng maghanap ng tunay na babae?” “Gagu! Naghahanap naman ako, s’yempre!” Tumawa ako at tumagilid sa kaniyang kama habang yakap ang isa niyang unan. “May itsura ka naman, eh, maputi, mabait ka pa at makulit... bakit nga ba wala ka pang syota?” “Kaya nga nagtatanong ako sa `yo, eh.” Napatitig siya sa nakaumbok kong grief at agad umiwas ng tingin. “Teka, may nililigawan ka na nga ba?” tanong ko. “O-oo naman, `di ba dati pinakilala kita kay Gina, `yung kaklase ko sa RTU?” “Tama, naalala ko `yun.” Ang lagkit makatingin noon, tapos nang nag-CR si Prang, lumapit siya sa akin at tinanong ang cell number ko. Nakipag kita siya sa akin nang ilang beses, pero ayoko s’yang pag-bigyan. Ayokong iputan ang kaibigan ko sa ulo. Hanggang ngayon nga, kinukulit pa rin niya ako sa text, eh. “Hindi ka pa ba sinasagot?” tanong ko kay Prang na nakasimangot sa akin. “Hindi pa nga, eh. Mag-iisang taon na `kong nanliligaw, wala pa rin.” Napatingin `uli si Prang sa alaga ko, at agad nanamang umiwas. “Baka naman masyado kang obvious na manyakis?” biro ko sa kaniya. “Uy! Excuse me, ha! Napaka gentleman ko kaya. Ni hindi nga nagpapahawak sa kamay `yung si Gina, eh, and I respect her for that!” Bahagya akong naawa sa kaibigan ko. “Maghanap ka na ng bago, baka naman tutok na tutok ka kay Gina, kaya `di mo napapansin ang mga may gusto sa `yo.” “Sana nga kung ganon,” napasinghap si Prang. “Teka nga muna, magbihis ka nga! Nakaka-distract `yang itsura mo, para kang porn star, naka-posing ka pa sa kama ko!” Pumunta siya sa aparador at hinagisan ako ng shorts. “Naglinis ka na ba?” tanong pa niya sa akin. “Hindi pa nga, eh, sige, CR na muna ako.” Pumunta ako sa kanilang CR at naghilamos. Sa dalas ko rito, may sarili na akong sipilyong nakatabi sa banyo. Matapos mag-linis ay bumalik na ako sa kuwarto at nakitang nakahiga na si Prang sa kama. “`Oy, ako sa pader!!” sabi ko rito. “D’yan ka sa dulo,” ungol niya. Pumwesto na lang ako sa tabi niya at nagpatong ng binti sa kaniyang hita. “`Oy, ano ba, ang init!” tinulak niya ako. “Matulog ka na nga!” Natawa na lang ako bago umikot patalikod at tuluyang natulog.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD