Chapter 38 – Two Months Later

1018 Words
Napaatras si Jiro sa likod ko. “Kenjiro, anak, it’s me, mommy! Bakit ka naman umalis sa bahay ng walang pasabi man lang sa akin?” malakas ang boses niya. Napatingin sa amin ang ilang mga tao sa paligid. Agad s’yang hinarangan ni Sam. “Please step back.” “At sino ka naman?” galit na sinabi ng babae. “That there is my son! I have the right to approach him!” “That’s right,” sabi ng isang lalaking naka-business suit sa tabi niya na hindi ko agad napansin. “Mrs. Akari has the right to talk to her son.” Tumingin sa amin si Sam. I felt Jiro flinch. “Hindi namin siya kilala,” sabi ko. “Jiro, halika, pasok na tayo.” hinatak ko si Jiro papasok, samantalang humarang naman sa daanan ng babae sila Byron. “Jiro! Anak sandali!” tawag ng babae. “Wala na si Greg! `Wag kang mag-alala! Wala nang mananakit sa `yo!” “Sino ba yang lalaking iyan na pinangungunahan ang anak ng kliyente ko?!” sigaw ng lalaking naka business suit. “We will sue you for this!” “Ma’am, sir, we’re gonna have to tell you to leave.” narinig naming sabihin ni Nina bago kami makapasok ng engineering building. Pagdating sa loob ay napansin kong nanginginig ang katawan ni Jiro. Hinatak ko siya papunta sa isang sulok na walang tao at mahigpit siyang niyakap. “Are you okay?” tanong ko habang hinihimas ang likod niya. Tumango si Jiro, ngunit `di sumagot. Nanatili lang siyang nakasandal sa dibdib ko at huminga ng malalim. “Gusto mo bang umuwi na lang tayo?” Tumango `uli si Jiro. “Sandali, sasabihan ko si Keito.” Inilabas ko ang cell ko. Maya-maya, nakita kong papalapit na sa amin ang pinsan ni Jiro, kasama ang bodyguard niyang si Melisa. “What happened?” tanong ni Keito na ang sama agad ng tingin sa akin. “Jiro’s mom just appeared,” sagot ko. “We left her outside with our bodyguards.” “What?! Kissama...” kinuha agad ni Keito ang cell niya at tinawagan sila Byron. “Hello? Is the woman still there?” tanong niya. “Yes... Okay... good.” Mukhang wala na sila doon. “Jiro wants to go back home,” sabi ko kay Keito. Napatingin siya sa amin, napasimangot, at marahang hinatak si Jiro palayo sa akin. “Are you not feeling well?” tanong niya sa pinsan. Umiling si Jiro. “I-I want to go home now,” sagot nito. Tahimik kami sa kotse, walang kibo. Nakasandal lang sa akin si Jiro sa buong biyahe. Pag-uwi ay dumiretso naman siya sa kuwarto, habang kami nila Keito ay nag-usap sa den. “Can you tell me what happened?” tanong sa amin ni Keito. “She was there when we came back from the cafeteria, Sir,” sagot ni Sam. “It seems she was waiting for him to show up.” “Was she alone? Who was she with? How many?” tanong pa ni Keito. “She was with a man who seems to be her lawyer,” sagot muli ni Sam. “They were saying they wanted to press charges, on what grounds, I can’t tell.” napa-smirk si Sam. “True, Jiro is already old enough to take care of himself, she no longer has authority over him,” sabi ni Keito. “But the fact that she came to our university to confront him is cause enough for concern.” “You can say that again,” sabi naman ni Nina, “She was almost screaming when we refused to let her near Sir Jiro.” “Where you sure there weren’t any media about?” tanong pa ni Keito. “We didn’t see any...” sabi ni Sam, “But I wouldn’t put it past her to go to the media after this incident.” “Someone open the TV,” sabi ni Keito. Ako na ang pumunta sa 72 inches flatscreen TV at nagbukas nito. Inilagay namin ang chanel sa local news, and sure enough, andoon nga ang nanay ni Jiro. Napa face-palm si Keito. “Kono yaro... that... woman... after all the money she took from our family... after all the hell she put Jiro through...” galit na galit na sinabi ni Keito. “I’ll call Sir Mamoru...” sabi ni Sam. “No. I’ll call my cousin,” sagot ni Keito na kinuha ang kaniyang cellphone. “This needs to be stopped. That... woman needs to be stopped.” Pinakinggan ko ang balita. “Nakatira siya sa Tita niya, habang nag-aasikaso ako ng business namin sa Davao, nagulat na lang ako nang biglang tumawag sa akin ang pinsan ko at sinabing umalis siya sa amin... hindi ko malaman ang dahilan!” sabi ng babae. “Bakit naman po ngayong March lang kayo lumabas?” tanong ng reporter sa TV. “May problema kasi sa business namin sa Davao...” sagot nito. “Mahal na mahal ko ang anak ko, kaya nagpapakahirap ako doon para lang mapag-aral siya!” Pinatay ko ang TV. Hindi ko kinaya ang katarantaduhan ng babaeng sinungaling na iyon. Ni hindi ko masabi sa sarili ko na yun ang nanay ni Jiro. “That woman is a liar. It’s obvious that she just wants attention,” sabi ko. “Damn, Mamoru nii-san is currently in a meeting.” ibinaba ni Keito ang cellphone niya. “But what I don’t understand, is why she came out now?” sabi nito. “We have already sent her a message before, telling her that we have Kenjiro in our custody, but she never replied.” “Maybe she was still busy planning things?” tanong ko. “Seems to me she’s already memorized all her lines.” “But to show up, two months later? That doesn’t make sense...” “I-it’s my fault.” Napatingin kami sa likod kay Jiro na nakatayo doon. “I told Ronald to cut all ties with Lucero Garments... that’s why she’s here...”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD