Nasunod ang gusto nila Mamoru.
Kumuha sila ng mga bodyguards para sa amin, halos lahat babae, at puro sila pinoy. May sariling dalawang bodyguard si Tita Lucy na kasa-kasama niya pag nagpupuntang Pasig. Binilan nila si Tita ng bagong SUV para magamit sa pagdeliver at pagdala ng mga paninda sa tiyangge.
Kami naman ay binilan nila ng chedeng para sa pagpasok araw-araw. May sarili kaming chauffeur, at ang apat pa naming mga bodyguard ay nakasunod naman sa isa pang 7-seater car.
Nag-enroll nga si Keito sa class namin. Second year engineering student pala siya sa Tokyo University sa Japan, at kinuha niya ang lahat ng available naming subjects para lang makasama kami sa klase.
Nakahanap na rin sila ng malaking condo sa Pasig na p’wede naming lipatan. Isa itong first class condo sa tabi ng ilog at malapit sa Tiendesitas kung saan may stall si Tita. Four-room penthouse ito, na sakop ang dalawang kanto ng building! May sarili kaming mga kuwarto nina Jiro, Keito at tita Lucy, si Mamoru naman na kailangan magpabalik-balik sa Japan para mag-ayos ng mga dokumento, ay nag-stay na lang sa hotel.
Pero alam n’yo ba ang pinaka nakakagulat sa lahat nang ito?
Naayos ni Mamoru ang lahat, sa loob lang ng isang linggo.
Thursday, enrolled na si Keito. Saturday, nakalipat na kami sa aming penthouse. At pagdating ng Linggo, na block na ni Mamoru ang mga balitang naglabasan tungkol kay Jiro for privacy reasons.
Come Monday, pasukan nanaman.
Well, at least magkatabi na kaming nakaupo ni Jiro sa likod ng kotse. Humihiwalay na rin si Keito sa ibang subjects, kaya hindi na sila madalas mag-away magpinsan.
“Bukas `yung pasahan ng plate natin sa Arch 23, `di ba?” ang ganda ng ngiti ni Jiro ngayong umaga, nakatakas kasi siya kagabi at nakalusot sa kuwarto ko.
“Oo, mamaya patulong sa plate ko, ha?” sagot ko.
“In English please.” singit naman ni Keito
“We’re just talking about our project,” sabi ni Jiro sa pinsan.
Pagkadating namin sa campus ay sumama ang aming mga bodyguards. Isa sa mga requests ni Jiro ay ang kumuha ng mga mukhang ka-edaran namin. Kasalukuyan silang nakasuot din ng casual clothes para makapag-blend-in sa ibang mga estudyante. Ang dalawa sa kanila ay naiwan sa ground floor, and isa naman ay sumunod kay Keito, at ang huli ay sumama sa amin ni Jiro.
“O, wala ata ang pinsan mo ngayon?” tanong ni Tony nang makita kaming pumasok ng classroom.
“Oo, nag-enroll din si loko, ayun, isa-isang kinukuha ang prerequisites natin para makahabol. Magiging kaklase na natin siya sa ilang subjects.” paliwanag ko sa mga kaibigan namin.
“At sino naman itong cute na kasama ninyo?” tanong ni Jojo.
“Bodyguard namin, si Sam.” pakilala ni Jiro. “Samantha, eto mga kaibigan namin, sina Jojo, Rick at Tony.”
Tumango lang si Sam sa kanila. Ang mga nakuha ni Mamoru ay mukhang puros mga professional. Hindi sila halos nakikipag-usap sa amin. Matapos makilala sila Jojo, pumunta na si Sam sa likod at doon naupo.
“Sayang, cute pa naman...” bulong pa ni Jojo na sinisilip sa Sam sa likuran.
“`Oy, ingat ka, may anti-bastos bill na tayo!” tumatawang sabi ni Rick.
“Oo nga, napaghahalata ka masyado!” dagdag ni Tony.
“Buti hindi nakakatakot na men in black ang bantay n’yo, Jiro,” sabi ni Rick. “Akala ko may malalaking taong tatayo sa may pinto natin at magbabantay buong klase!”
“Naku, yun nga ang request ko sa pinsan ko, eh, ayoko ng obvious, ayoko ng intimidating... ngayon lang nga ako nagkaroon ng mga kaibigan sa college, eh, matatakot pa...”
Natawa naman kami nina Rick.
“Hindi naman kami lalayo sa `yo nang dahil lang doon!” sabi ni Tony sa kaniya.
“Oo nga,” sabi ko habang ginugulo ang kaniyang buhok. “`wag mong minamaliit ang mga tunay na kaibigan.”
Everything went smoothly for the rest of the week. Soon, nasanay na rin kami sa ganoong set-up. Magkakasama kaming papasok, magiging classmate si Keito sa ibang klase, at sabay-sabay ring uuwi.
Pati ang mga kaklase namin at professors na sanay na rin sa mga buntot naming bodyguard.
Another week later, it was a Tuesday, may one hour break kami ni Jiro habang may klase naman si Keito. Naisipan kong kumain muna kami sa cafeteria kasama si Sam.
“We’re going to the caffeteria.” agad inabisa ni Sam sa dala niyang walkie-talkie. “I need back-up guards.”
“Kailangan ba talaga magsama ka pa ng iba?” tanong ni Jiro sa kaniya.
“Of course. Hindi natin alam kung kailan may biglang haharang sa inyo.” seryosong sagot ni Sam. “We’ll meet them as soon as we get to the main entrance.”
Nasa labas na nga ng building ang dalawa sa mga bodyguards namin na sina Nina at Byron.”
“Saan ang punta natin?” tanong ni Nina na halos kasing-tangkad ko.
“Tinawagan ko na ang sasakyan,” sabi naman ni Byron na nag-iisang lalaki sa kanilang grupo. Mas matangkad siya sa akin at malaki ang katawan at mukha talagang goon. Parang Hindi nga siya bagay magsuot ng casual wear, eh, mas bagay sa kaniya ang black suit and tie at sumbrerong itim din.
“Mag-ko-kotse pa ba tayo? May e-jeep naman, eh.”sabi ko.
“It won’t be safe.” sabay-sabay sinabi ng tatlo.
“Nandito na ang kotse,” sabi ni Sam.
Ang parating ay ang 7-seater car ng mga bodyguards namin, at hindi ang chedeng. Sa bagay, mas kakasya kami rito. Sumakay na nga kami sa loob nito.
“So, where to?” tanong ni Pauline na siyang aming driver.
“Sa cafeteria tayo, ate Pau,” sabi ko sa kaniya.
“Roger!” sagot niya.
“Anong gusto mong kainin?” tanong sa akin ni Jiro na kumapit sa kamay ko.
“Hmm... nasa mood akong mag merianda ng palabok, ikaw?” tanong ko pabalik.
“Gusto ko ng ginataang halu-halo na may bilo-bilo at langka,” sabi niya.
Maya-maya pa ay nakaabot na nga kami sa University Cafeteria. Maraming iba’t-ibang tindahan sa dalawang palapag na building na ito. Para itong foodcourt sa isang mall, at ang mas mahal na mga tindahan ay nasa second floor na madalas laman ay mga faculty at ang mga yayamaning estudyante.
Lumabas na kami ng kotse ni Jiro na agad kumapit sa aking braso.
“Sir Jiro.” agad siyang sinita ni Sam. “Hands, please.”
Napatignin sa kaniya ng masama si Jiro.
Napagsabihan kasi kami ni Keito, a lot of times, actually, na `wag mag PDA sa matataong lugar. Mahirap sa raw at baka may makakita sa amin at magkalat ng kung anong balita tungkol sa kanilang ‘missing heir’.
Of course, Jiro hated it. Ako, ayoko na lang ng gulo.
”Hay.” bumitaw sa aking braso si Jiro at nagdantay ng lang ng kamay sa aking balikat. “Ayan, okay na ba?” sarkastikong tanong niya kay Sam.
Dumiretso kami sa ground floor at pumunta sa paborito naming kainan.
“Aling Tinay, isang order nga po ng palabok at special ginataang halo-halo,” sabi ko sa tindera.
“Aba, Vic, Jiro, ngayon ko lang `uli kayo nakitang kumain dito ha?” bati sa amin ni aling Tinay kung kanino nakapangalan ang stall. Kasing tanda na siya ni Tita Lucy, tantiya ko, at napakasarap ng kaniyang mga kakanin.
“Opo, naging busy po kami, eh,” sabi ni Jiro.
“Mukha nga, at balita ko, eh, nawawala ka palang hasiendero sa Japan?” sabi nito, “Baka mamaya hindi ka na namin ma-reach ni Vic, ha?”
Natawa si Jiro ng bahagya. “Hindi naman po, aling Tinay, kita n’yo po, o, suki n’yo pa rin kami rito.”
“Ha-ha, oo nga, mahirap talagang maniwala lang basta-basta sa mga balita!”
Napatingin siya bigla sa mga kasami namin, lalo na kay Byron na halos hanggang bewang lamang siya.
“O, anong o-orderin ninyo?” tanong ko sa aming mga kasamahan.
“Kasama n’yo ba ang mga ito?” tanong ni aling Tinay na `di maalis ang mata sa dambuhalang bantay. “Talaga bang fake news ang tungkol sa iyo, Jiro... o talagang may kasama na kayong yakuza?”
Nagtawanan kaming lahat sa sinabi niya. Pati si Byron napangiti, or more accurately, ngiwi.
Matapos mag-order ay sama-sama kaming kumain sa isang lamesa ni Jiro at Sam, samantalang ang tatlo pa naming kasama ay sa katabi naming mesa na pamasid-masid sa paligid.
“Bicoy, ang sarap nitong ginataan, gusto mong tikman?” masayang sabi ni Jiro habang kumakain.
“Sige, patikim.”
Pinuno niya ang hawak niyang kutsarita at inabot iyon sa akin. Ibinuka ko naman ang bibig ko at sinubo iyon.
“A-hem...” papansin nanaman si Sam.
“Ah, gusto mo rin?” tanong ko sa kaniya. “Say ahh!” inabutan ko naman siya ng isang tinidor ng palabok.
Namula ang mukha ni Sam na tumingin palayo.
“Ito naman, tinutukso si Sam!” kinurot ako ni Jiro sa tagiliran.
“Aray!” reklamo ko, at sa kaniya isinubo ang hawak kong tinidor. “Ayan, masarap din, `di ba?”
“`Di ko nalasahan!” sabi ni Jiro na naka-nguso sa akin.
“Sige, ito pa...” sinubuan ko pa siya ulit.
“Ano ba kayong dalawa!?” tanong ni Sam sa harap namin. “Alam n’yo naman na pinagbabawalan kayo ni Sir Keito na magpakita ng ganyan in public!”
“Well, nandiyan naman kayo, `di ba?” tanong ko sa kaniya. “May nakikita ka bang kahina-hinalang mga taong may dalang camera?”
“W-wala, pero...”
“Matagal na naming ginagawa `to, it won’t look wierd or anything,” sabi naman ni Jiro. “So, don’t worry, unless may outsider na magstalk sa amin dito sa loob ng uni, eh, walang mag le-leak ng balita na bakla ako at may relasyon ako sa isang lalaki.” diretso niyang sinabi.
Muling namula ang mukha ni Sam.
“Mukhang alam na naman sa buong campus, eh, no?” ngumiti ako kay Jiro.
“Yup, balita ko nga tayo ang paboritong ship ng mga BL fan girls sa mula Engineering hanggang Fine Arts!” tumatawang sagot ni Jiro.
“K-kaya nga, your cousin Mamoru pulled a lot of strings to cover up all those stories!” sabi ni Sam, “So please, `wag n’yo nang dagdagan!”
Muli kaming nagtawanan.
Matapos naming kumain ay bumalik na kami sa college of Architecture. Pao dropped us in front of the building, at papasok na kami ng biglang may tumawag kay Jiro.
“Kenjiro!”
Napatingin kaming lahat sa matining na boses ng babae. Sa pag ikot namin, naramdaman kong biglang napakapit sa akin ng mahigpit si Jiro.
“Kenjiro!” muling tawag ng isang magandang babae na mestiza. Nakasuot ito ng malalaking shades at pulang dress at stilletto hills.
“Kamusta na, anak?”