Chapter 36 – Bug, Bugged, Buggered

2138 Words
Hinatid kami ni Keito sa university kinabukasan. Si Tita Lucy naman, itinawag ni Mamoru ng Grab pabalik sa amin para asikasuhin ang patahian namin. “Really, Keito, you don’t need to send us to school,” sabi ni Jiro na katabi niya sa harap. “This is the least I can do, we are still looking for security personnel who can look after you,” sagot ng pinsan niya. Nagbuntong hininga ako at nag-slouch sa likod. Parang exageration ang mga pinipilit nila sa aming panganib, pero kanina, pagkagising namin, ay nagulat kami nang makita ang isang article sa Japan na pinadala ng mga tiyuhin ni Jiro. “The local news agencies in Japan have found out about you,” sabi sa amin ni Mamoru na iniharap sa amin ang laptop niya. Pinakita dito ang isang diyaryo na may headline na ayon sa kanila ay nagsasabi na ‘Lost Akari Heir Found’. May picture dito ni Jiro, ang poster namin sa Blue Ridges, at may ilang detalye daw tungkol sa kaniya. Pagbukas naman namin ng TV ay may headline na sa balita na nasa Pilipinas daw ang nawawalang tagapagmana ng isang tanyag na palimya sa Japan. “Will you be getting security personnel from Japan?” tanong ni Jiro kay Keito. “Or are you hiring Filipinos?” “If possible, I prefer people employed by our family. But Mamoru nii-san says it’s faster and easier to get people here,” sagot niya. “I want female bodyguards,” sabi ni Jiro na tumingin sa akin. “Let’s get an all-female unit.” “Okay.”sagot ko. Hindi ko akalain na aabot ito sa ganito. Hanggang ngayon nga, feeling ko, nasa telenobela pa rin kami. Gets ko ang nararamdaman ni Tita Lucy! Pagdating namin ng school, kasunod pa rin namin si Keito. “I will be your bodyguard for the time being,” sabi niya sa pinsan niya. “What class are you in?” “Architecture...” sagot ni Jiro na napatingin sa akin ng nakasimangot. “Really, Keito, you don’t need to do this.” “I have no plans to leave you alone.” tumingin siya sa akin at nang-ismid pa! “Just lead the way.” Obviously ayaw niya kaming iwang mag-isa. Napailing na lang si Jiro at naglakad papuntang room namin. “Akari!” bati ng mga kaklase naming dumumog kay Jiro. “Ikaw ba `yung nasa TV?!” “Pucha, pare! Bilyonaryo ka pala?!” “Totoo ba yun? Para ka palang prinsipe!” Hindi makasagot si Jiro sa dami ng mga tanong nila. “`Oy, padaan muna.” pumagitna ako sa kanila at hinawi ang mga tao. “`Wag n`yong dumugin si Jiro.” “Itong si Vic ang swerte! Naka-jackpot sa kaibigan!” sabi ng isa sa mga kaklase namin. “Anong kaibigan, sa syota kamo!” singit ng isa pa. Tinitigan ko sila ng masama at balak na sanang sumagot ng dagukan sila ni Jojo. “`Oy, kayong mga inggit, manahimik kayo kung wala kayong magandang masabi, ha?” sabi niya. “Upo na kayo dito, Vic, Jiro.” tawag naman sa amin ni Tony. Tumuloy na nga kami sa loob, kabuntot si Keito, na tinitigan ng mga kaklase namin. “Sino naman itong kasama ninyo?” tinuro siya ni Jojo. “This is Keito, my cousin from Japan.” pakilala sa kanila ni Jiro. “Keito, these are my friends, Jojo, Rick and Tony.” “Hello,” sabi ni Keito, “Thank you for taking care of my cousin.” “Naku, nosebleed ito...” bulong ni Tony sa tabi. “Hajimemashitte, Keito-kun.” bati naman sa kaniya ni Rick. “Yoroshiku onegaishimasu.” “Yoroshiku,” sabi ni Keito pabalik. “Ano daw?” tanong ni Jojo. “Nice to meet you,” sabi ni Rick na nakangisi, “May silbi ang panonood ko ng anime!” “So, you will be joining our classes?” tanong ni Tony. “Yes, I plan to look after my cousin in school.” “So, is it true that Akari—Jiro is the famous missing heir from Japan?” tanong ni Aida na nakatumpok sa amin kasama ang barkada niya. “Naku, Jiro, sayang talaga bakla ka!” biro naman ni Penny na tunog bitter. “Sige na, bumalik na kayo sa puwesto n’yo, bawal ang mga tsismosa rito,” sabi ko sa kanila na sumama ang tingin sa akin. “Hmph! Sige na nga, nagagalit na ang bufra ni Jiro,” sabi ni Penny bago sila mag-alisan. Sinundan nga kami ni Keito sa lahat ng aming klase, at buti na lang, dahil paglabas namin ng pangalawang classroom, ay nagulat kami sa dami ng mga media at usisero na naghahanap kay Jiro! “Ikaw ba `yung Kenjiro Akari sa balita?” tanong nila. “Ikaw ba ang nawawalang tagapag mana ng Akari Group of Companies?” “Alam mo bang hinahanap ka ng mga pamilya mo sa Japan?” “Bakit ka nagtatago?!” Hinarang sila at pinaalis ni Keito na mukhang sanay sa ganoong gulo, kami namang magkakaibigan ay pumalibot kay Jiro para hindi siya basta malapitan at makunan ng litrato ng makukulit na media. “Akari, pumasok na kayo sa classroom, dali!” tawag naman sa amin ng sumunod naming professor na agad sinara ang pinto pagpasok namin. “Tinawagan na namin ang security sa campus, mamaya wala na ang mga `yan.” “Salamat po, Sir Dario,” sabi namin sa Math professor namin. Mukhang natuwa naman si Keito sa mga lectures namin, nag-participate pa siya sa iba. At buti rin at hindi mahigpit sa mga nagsit-in ang mga professors. “Your curriculum here is close to what we have in our country,” sabi niya sa amin ng mag break kami sa cafeteria. Pasalamat at naitaboy na ang media paalis ng campus. “Yes, we have international standards here,” sabi ng katabi niyang si Rick. “Maybe I should study here too...” Napatingin sa kaniya si Jiro, tapos ay napasimangot sa akin. “I thought you said you wanted Jiro to go back to Japan with you?” tanong ko sa kaniya. “Well, as long as he is here...” sagot niya, “Besides, didn’t you want to finish the term? Also, he still needs a bodyguard, I can take care of him easier if we attend classes together.” “Woah, talagang bodyguard, ha?” nagulat si Tony, “Is he in danger?” “Better safe than sorry, right Keito-kun?” sabi naman ni Rick na mukhang kanina pa natutuwa kay Keito. “True, the main family have frequently been the targets of extortion and kidnappings. That’s why we need to keep an eye on Ken-chan.” “Well, we can help, since we’re always together,” sabi ni Jojo. “Thank you, but we can’t let civilians and outsiders get caught up with our problems,” sabi nito. “They are not outsiders, Keito, they are my friends,” sabi naman ni Jiro, “And I really don’t like how you keep shadowing me.” “Well, you better get used to it, for I have no plans of leaving you alone with him!” sabay turo niya sa akin. “Woah! May isyu ba kayo, `tol?” nakangising tanong sa akin ni Tony. “Wala naman,” sagot ko. “Malapit na susunod nating klase, are you all finished eating?” Tumayo na kami, at lumapit sa akin si Jojo na tinapik ng ilang beses ang balikat ko. “I feel you, pare,” sabi nito. “Mas boto pa rin ako sa `yo!” “H-ha?” tanong ko “Let’s go,” sabi ni Jiro na lumapit sa akin at kumapit sa kamay ko. Aakbay sana ako sa kaniya nang pumagitna si Keito sa amin. “What’s the next class?” tanong nito. “Philisophy,” sagot ni Rick. “Okay, lead the way.” Ganon na nga, buong araw, hinarangan kami ni Keito na ayaw palapitin si Jiro sa akin. At the end of the day, bad trip na ako, at maging si Jiro ay mukhang naiirita na rin. “Is it time to go home?” tanong niya nang maghiwa-hiwalay na kaming magkakaklase. “Yes. At long last,” sabi ni Jiro. “I’m tired. Keito, can we wait here while you get the car?” sabi niya sa pinsan. Sumama ang tingin si Keito sa amin. “Victor, you come with me.” at hinatak niya ako sa braso. “No, I want Bicoy to stay!” sabi ni Jiro na nakasimangot na sa kaniya. “You want to leave me alone here?” Mukhang nagtalo ang isip ni Keito. “Okay, but stay right here!” at nagmamadali siyang tumakbo paalis. “Hay... kulit din ng pinsan mo, eh, no?” sabi ko kay Jiro na agad sumandal sa balikat ko. “Tsk. Buwiset, kamo.” napatingin ako sa sinabi niya. Palayo na si Keito, at pagkaliko nito sa kanto, ay bigla na lang hinatak ni Jiro ang braso ko at itinakbo ako paalis! “S-saan tayo pupunta?” tumatawa ko siyang tinanong. “Kahit saang walang Keito!” hinihingal niyang sinabi! Nagpunta kaming likod ng mga building, lampas ng garden, papunta sa malalaking puno ng kapo sa likod nito, at doon, sa likod ng malaking puno na dating pinagdalhan ko sa kaniya, ay tinalon niya ako at niyakap. Naghalikan kami, kapwa sabik, parehong ayaw bumitaw. Kahit pa natigil na ang mga labi namin, hindi mapakali ang mga kamay. Parang sinisigurado naming buo pa ang isa’t-isa. “Namiss kita... sobra...” sabi ni Jiro na maluha-luha. “Nakaka-inis talaga sila Keito... bakit kasi nakita pa nila `yung poster natin!” “Haay... ayun na nga... kahit ako nanggigigil na rin sa pinsan mo... pero, may punto naman sila, mahirap na, baka may tumarget sa `yo, kita mo nga, `yung mga reporters lang kanina, ang hirap nang iwasan!” “Ewan ko nga, eh, hindi naman ako ganito ka-importante dati! Ni hindi nga ako napapansin sa school namin sa Japan, eh.” “Well... siguro kasi hindi pa napalaki ng ganito ang balita sa iyo. Wala pang drama.” natawa ako. “Ngayon, ikaw na ang missing heir ng isang multinational company!” “Hmph! Mas gusto ko na lang bumalik sa Jiro na boy friend ni Bicoy!” Nag-init ang mukha ko sa sinabi niya. Ginulo ko ang buhok niya at niyakap siya ng napaka-higpit. “At least nakatakas tayo sa bantay mo, kahit sandali,” sabi ko. “Balik na ba tayo sa Arch Building?” “`Wag na muna... miss pa kita.” lambing ni Jiro na ibinaon ang mukha sa dibdib ko. “Sigurado mamaya hindi nanaman tayo makakapagholding-hands man lang.” “Haha, sige, ubusin na natin ang kilig natin dito!” at hinalikan ko siya muli sa labi. “Bicoy... kung p’wede lang tumakas tayo...” “Found you!” Nagulat kami at parehong napatalon sa malakas na sigaw sa likod namin! Doon, hinihingal at galit na galit, ay si Keito na may dalang cellphone! “H-how did you find us?!” tanong ni Jiro na dinuro ang kanynag pinsan. “Don’t tell me you placed a bug on me!” “It’s for your own good! I knew you would run away!” sabi nito. Kasunod nito ay malulutong at mabilis na salitang hapon ang pinaulan ni Jiro. Buti na lang ay hindi ko ito maintindihan. Well, alam ko `yung ‘bakero’. Sinagot din ito ni Keito in Japanese, at matapos ang ilang minutong sagutan – kung saan naupo muna ako sa malalaking ugat ng puno, ay hinihingal silang nagtalikuran. “Bicoy, halika, uwi na tayo,” sabi sa akin ni Jiro. “Hurry up and get in the car!” sabi naman ni Keito sa amin. “Don’t tell us what to do!” singhal ni Jiro. “Jiro, tama na, uwi na lang tayo,” sabi ko naman sa kaniya. “Ay, nako, Bicoy, kung alam mo lang, sabi ba naman niyang magaling kong pinsan, eh, ikaw daw ang kumaladkad sa akin dito para pagsamantalahan ako!” nanggagalaiting sinabi niya. “Sinabi ko nga na ako ang nangre-rape sa `yo! Eh, `di natigilan siya sa pamimintang niya!” Ako naman ang nahiya sa sinabi ni Jiro! “Ikaw talaga, kung anu-anong sinasabi mo!” marahan ko s’yang kinatok sa ulo, at eto na ang pinsan niya to the rescue! “`Oy, what are you doing to Ken-chan?!” sigaw nito sa akin. “It’s a show of affection, you... Baka!” sigaw ni Jiro pabalik. Muling pumagitna sa amin si Keito, at hinayaan ko na lang siya, kesa magkainitan nanaman ang magpinsan.Tahimik kaming pumunta sa sasakyan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD