Nagkakagulo ang mga kaklase naming babae sa pagpasok namin kinabukasan sa university.
“Akari!” malakas nilang bati sa amin.
“H-Ha?!” napaatras si Jiro nang mag-unahan sila sa tabi niya.
“Ba’t di mo sinasabi?!” tumitiling entrada ni Aida.
“Oo nga, may classmate pala kaming celebrity!” sabi naman ni Penny.
“Anong celebrity?” tanong ko.
“Eto, oh!” Nagtaas ng dyaryo ang isa naming kaklase. “Si Jiro, nasa ad ng Blue Ridges!”
“Alam mo ba, `yan ang paboritong brand ng kuya ko!” sabi ni Aida na kumapit pa sa braso ni Jiro.
“Kailan ka pa nag-model sa kanila?” sabi naman ng isa pa naming kaklase.
“May mga kaibigan ka bang artista?” tanong ng iba pa.
“`Oy, tama na `yan, magkaklase na tayo.” hinarangan ko sila at inalis ang sabit na Aida sa braso ni Jiro.
“Ito namang si Vic, KJ! Gusto lang naman namin maging ka-close si Jiro, eh!” sabi ni Aida na nakanguso sa akin.
“Over my dead body,” sabi ko, sabay akbay kay Jiro na sinama ko papasok sa kuwarto.
“Aba, para namang napaka over-protective mo na!” sabi ni Penny. “Bakit, kayo na ba?” tanong pa niya.
Tinitigan ko siya at tinaasan ng kilay. “No comment,” sabi ko, na nalunod sa tili ng aming mga kaklaseng babae.
“Hindi nga, kayo na?!” gulat na tanong ni Tony pag upo namin sa tabi nila.
“Ano sa tingin ninyo?” nakangisi kong sagot habang nakaakbay pa rin kay Jiro na walang imik.
“Well, sa pula ng mukha niyang kayakap mo, mukhang oo ang sagot.” tumatawang sinabi ni Rick.
“Ugh... I can’t say I approve... pero congrats na rin,” sabi ni Jojo.
“Kayo na talaga?!” tanong nanaman ng makulit na si Tony.
“Gusto mo nang certificate of authenticity?” tanong ko sa kaniya.
As usual, natahimik lang ang klase nang pumasok ang professor namin na agad nagbigay ng project para sa aming finals. Isa’t kalahating buwan na lang at tapos na ang 1st semester. Halos lahat nga ng subjects namin ay may kailangang plate o project na i-submit. Buti na lang at kasama ko na si Jiro, matutulungan namin ang isa’t-isa.
Pagkatapos ng klase ay nagtungo naman kami sa Blue Ridges branch sa Trinoma para i-meet si Ronald at ang boss niya.
Matandang Chinese ang boss ni Ronald, tantya ko, nasa late seventies na ito o higit pa. Maputi na ang buhok nito, pero kita pa rin na may itsura ito dati nang bata pa siya.
“Sir David, these are Victor De Mesa and Kenjiro Akari.” pakilala sa amin ni Ronald. “Guys, this is the CEO of Blue Ridges Garments International, Mr. David Lao.”
“It’s a pleasure to meet you, sir.” bati namin ni Jiro sa kaniya.
“The pleasure is all mine.” ngumiti siya sa amin. “Oh, to be young and beautiful again.” hinawakan niya ako sa balikat at bahagya akong pinisil-pisil. Napangiti na lang ako.
“Sir David really liked your pictures, Victor,” sabi sa akin ni Ronald. “He’s very glad that you have decided to be one of the company’s models.”
“Thank you, Sir David,” sabi ko sa matandang nakangiti pa rin sa akin.
Hindi ko tuloy maisip kung alin sa mga pictures ko na kinunan ni Ronald ang pinakita niya sa matanda.
“Sir Ronald, ipabasa n’yo na po `yung kontrata kay Victor,” sabi ni Jiro sa tabi ko na humihigpit ang kapit sa aking braso.
“Yes, of course.” ngumisi sa kaniya si Ronald.
Sinama kami nila Sir David sa may counter kung saan nila kami pinaupo. Binasa ko ng mabuti ang kontrata.
Tungkol lang naman ito sa exclusivity, na hindi ako p’wedeng mag-endorse ng ibang brand ng damit kung hindi Blue Ridges lang. Nandito rin ang presyuhan sa bawat photo shoot at sa bawat pag gamit nila ng mga litrato ko. Nakasaad na rin dito na ang lumalabas na manager namin ay si Ronald at siya ang hahawak sa anumang publicity na lalabasan namin.
Well, ayoko man kay Ronald, wala na akong magagawa.
After signing, kinunan pa kami ni Ronald ng ilang pictures na magkasama at ilang pics ko na nakasuot ng boxers. Mukhang balak nila akong gawing model ng underwear line nila.
“Sobra `yung si Sir David, ang tanda na, titig na titig pa sa `yo!” sabi sa akin ni Jiro nang makauwi na kami sa bahay. “Nakita mo ba `yung itsura niya habang nagmomodel ka ng boxers?” dagdag niya, “His saliva was literally dripping!”
“Alam mo, ngayon lang ako natuwa sa selosa kong girlfriend.” hinalikan ko ang leeg niya habang nakayakap siya sa akin sa kama.
“H-hindi ako girlfriend ha!” hinampas niya ako sa dibdib. “At hindi ako nagseselos!”
“Ang cute mo talaga.” muli ko siyang hinalikan. “Hayaan mo na ang matanda, malamang hindi na `yun tinitigasan, hayaan mo na lang siyang magpantasya.”
“Hmph!” humigpit ang yakap niya sa akin. “Tapos ikaw, ngingiti-ngiti ka pa!” bigla niya akong kinagat sa balikat!
“Aray!” napaigtad ako. “Masakit `yun, ha!”
“Buti nga sa `yo!” umikot si Jiro at tumalikod sa akin. Ako naman ay lalong natawa.
Sinuyo ko siya, at nang muli niya akong harapin ay pinaulanan ko siya ng mga halik.
Dumaan ang mga araw na naging linggo. Dumating ang Desyembre at magkakasama kaming nag-Pasko ni Tita Lucy at Jiro. Nagkaroon pa kami ng maliit na salu-salo ng birthday ko bago mag New Year. Lumabas ang ad namin sa Blue Ridges ng Bagong Taon, para sa Spring and Summer Fashion.
Lalo kaming dinumog ng mga kaklase namin nang muling magpasukan, matapos ang enrollment na ginastusan namin gamit ang bayad sa aming pag-momodelo.
Tulung-tulong naming nabayaran nina Tita ang mga utang namin kay bumbay. Pati ang sa tela ni Ronald na naging regular supplier namin, matagal na rin naming nabayaran. Nakakuha pa kami ng regular na puwesto sa isang tyanggian sa Taytay.
Napaka saya na ng buhay para sa akin.
Kasama ko ang pinaka mamahal kong tiyahen at kasintahan, at tila wala kaming problema sa buhay. Pati ang ikinatatakot kong baka may lumabas sa aking intriga mula sa nakaraan, walang nangyari. Mukhang takot din sila na malaman ng iba ang ginawa nila sa akin noon.
Galing kaming school isang araw, papunta sa main office ng Blue Ridges sa Ortigas, para sa isang meeting, nang mag text sa amin ang manager naming si Ronald.
“Meet me at the Shang, at Solace Bakery,” sabi sa message niya.
“Hm? Bakit hindi sa office?” tanong sa akin ni Jiro na suot-suot ang isa sa mga Blue Ridges polo na inimodelo niya.
Ako naman ay naka simpleng Blue Ridges under shirt lang na puti. Mas gusto ko pa rin kasi magsuot ng kamiseta.
“Baka gutom si Ronald kaya sa cafe gusto makipagkita?” sabi ko. “Basta dapat libre niya, ha.” dagdag ko.
Natawa si Jiro. “Ikaw talaga, mapera ka na, makunat ka pa rin!”
“Waste not, want not, ika nga,” sabi ko.
Umakyat na kami sa 4th floor ng mall kung saan naroon ang cafe, at nakita si Ronald sa loob. May kausap siyang lalaking nakatalikod sa amin.
“Here they are now.” narinig kong sinabi niya.
Tumayo si Ronald, gayon din ang lalaking kausap niya na humarap sa amin.
Natigilan bigla si Jiro.
Matangkad ang lalaki, halos kasing taas ko. Katamtaman ang laki ng kaniyang katawan. Singkit ang mga mata niyang nanlaki nang makita si Jiro, infact, magkaparehas sila ng mata, pero ang ilong niya ay `di tulad ng kay Jiro na matangos.
Agad lumapit kay Jiro ang lalaki at niyakap ang kasintahan ko.
“Ken-chan!” sabi nito sa kaniya. “Tsuini! At long last!”