We went to the Podium for lunch, tapos ay nanood kami ng sine. Hinatak pa niya ang braso ko at sumandal sa aking dibdib.
Matapos noon ay nagmerienda kami sa isang cafe at nag window-shopping.
After our date, umakyat kami sa branch nila ng Blue Ridges sa 3rd floor.
“Are you sure this is still not working?” tanong niya pagpasok namin sa back room. “Gusto ko pa sanang maramdaman ka sa loob ko, one last time.” Napaatras ako nang himasin niya ang ari ko.
“If... If you break the contact with Jiro... Then hahayaan kong gawin mo ang gusto mo sa akin,” sabi ko sa kaniya. “Kung... kung gusto mo akong kantutin, so be it... basta... `wag mo lang siyang gagalawin!”
Napangiti nanaman siya ng masama. “Sounds tempting.” lumapit siya sa akin at hinawakan ang aking mukha. “Then, to commemorate this day and to sign our new contract, why don’t you give me a kiss?”
Lumapit pa ang mukha niya sa akin.
Bumilis ang t***k ng puso ko.
Hinawakan niya ang labi ko, pinaghiwalay ito, at lalo pang lumapit ang nakabuka niyang bibig. Nakalabas ang dila niyang mapula.
Ipinikit ko ang mga mata ko.
“`Wag!”
Biglang humagis patalikod si Ronald na nahulog sa lapag!
Naitulak ko pala siya!
Napatingin ako sa direksyon ng sigaw at nakita si Jiro na nakatayo sa may pintuan ng maliit na dressing room! Wala siyang pnag-taas!
“J-Jiro?!”
Tumakbo siya palapit sa akin at hinampas ako sa dibdib!
“Gago ka!” umiiyak siya. “Gago! `Wag na `wag mong gagawin iyon!”
“At ikaw?” balik ko sa kaniya, “Bakit mo nagawang makipag-kontrata kay Ronald?! `Di ba sabi ko `wag mo s’yang lalapitan?!” kinapitan ko ang balikat niya. “Gusto mo bang bumalik sa dati mong buhay? Akala ko ba sabi mo nagbago ka na matapos mo `kong makilala?!”
“A-ano bang pinagsasasabi mo?” sabi sa akin ni Jiro, “Ginawa ko lang naman `to para hindi ka na niya gamitin!”
Naramdaman ko ang galit sa dibdib ko. Kasama nito ay hiya at lungkot. Humigpit ang pagkakakapit ko sa magkabila niyang balikat.
“Hindi `yon dahilan para ibenta mo rin ang sarili mo!” hiyaw ko sa kaniya. “Ayokong may ibang taong humahawak sa `yo! Sa akin ka lang, Jiro!”
Nanlaki ang mga mata ni Jiro.
“A-at ikaw?” tanong niya. “Sa akin ka lang ba?”
May tumawa sa likod namin. Pumalakpak pa siya, kamo.
Napatingin kami kay Ronald na nakaupo pa rin sa lapag.
“Nakakaloka talaga kayong dalawa, at sa totoo lang, nakakainis.” tumayo siya at lumapit sa akin. “Iniinggit n’yo talaga ako, eh, `no?” inakbayan niya kaming pareho ni Jiro.
“Nakakabuwisit na ako pa ang aayos ng relasyon ninyo!”
“H-ha?” tanong ko.
“Ayan, Jiro, nakita mo naman ang nangyari nang pilit kong halikan ang best friend mo.” matigas ang pagkakasabi niya sa best friend.
Tumango si Jiro.
“Alam mo ba na nagulat si Jiro ng sabihin kong ayaw mong magpahalik sa akin?”
Namula naman ang mukha ko.
“He tried seducing me,” patuloy ni Ronald. “Hinalikan niya ako at hinubaran, pero nang nasa mood na ako, ay bigla naman akong iniyakan. At alam mo naman na ayokong namimilit.”
“Then...” napatingin ako kay Jiro. “Walang nangyari sa inyo?!” tanong ko.
“W-wala! Nag sign lang ako ng modeling contract, para makatulong ako sa inyo ni Tita, at para na rin may panggastos ako para sa sarili ko...”
“Eh...” tumingin `uli ako kay Ronald. “sabi mo... sanay na sanay na si Jiro...”
“Oo nga, ano bang iniisip mo?” ngumisi sa akin si Ronald.
“Gago!” sigaw nanaman sa akin ni Jiro. “S-Sanay lang akong mag model, dahil dati may nag-recruit din sa akin sa Japan noong bata pa ako! Lumabas ako dati as extra sa isang soap opera!”
“H-ha?” parang gulung-gulo na ako that time.
“Pumayag na nga si Ronald sa conditions ko, na sa kaniya mapupunta ang una kong sahod, hanggang sa mabayaran ko ang inutang ninyo ni Tita sa tela! Tapos, balak mo pang makipag deal `uli sa kaniya!”
Muli akong hinampas ni Jiro sa bibdib. Sinalo ko ang kamay niya at niyakap siya ng mahigpit.
“S-sorry...” bulong ko. “Sorry, Jiro.”
“Hay nako, nang-iinggit nanaman sila.
Tinulak ako ni Jiro, namumula ang mukha niya.
“Sorry po, kuya Ronald... nasaktan po ba kayo kanina sa pagkahulog ninyo?” magalang niyang tanong.
“Hindi naman, although lonely ang pwet kong nanlalamig, kailangan ng makakapartner.” tumawa siya habang pareho kaming namula.
“So, ayos na ba kayo?” tanong niya sa amin.
“Opo,” sagot ko. “Pero... kailangan mo ba talagang mag-model under Ronald?” tanong ko sa katabi ko.
“Oo, kailangan ko ring magtrabaho para sa mga gastusin ko, at marangal na trabaho naman ang modeling, ha?”
“Pero...” napalingon ako kay Ronald na malaki ang ngisi sa mukha.
“Wala kang tiwala sa akin?” tanong niya. “Well, in that case, why don’t you sign a contract as well?” patuloy niya. “That way, mababantayan mo ang boy friend mo hanggang kailan mo gusto.”
Magkasabay kaming umuwi ni Jiro.
Nagpunta pala siya doon para sa kaniyang 3rd private photo shoot. Hindi ko alam na ilang beses na silang nagkikita ni Ronald, eversince umuwi siya sa Bulacan. They have been meeting in their Trinoma branch every evening after Jiro contacted Ronald and showed up in his office.
“Totoo ba na lumuhod ka sa harap ni Ronald sa office niya?” tanong ko sa kaniya habang nag-aabang kami ng tren. Alas-dies na natapos ang photoshoot niya, at halos wala nang pasahero sa platform.
Tumango siya. “Ayaw niya akong kausapin ng una,” sabi niya. “Mukhang alam niya na tutol ako sa usapan ninyo.”
“Tapos hinalikan mo siya at hinubaran?”
Namula ang mukha ni Jiro. “N-nasa loob na kami ng office niya by then!” agad niyang sinabi.
“Ganon pa rin iyon!” sabi ko, nakasimangot.
“Eh, ikaw... sinabi mo pa, handa kang... magpatira kay Ronald!” balik niya sa akin. “Alam mo ba kung gaano kasakit iyon?!”
“Para sa `yo, walang masakit.” I said that with such a straight face, that Jiro was the one who looked embarassed.
“Totoo ba na hindi ka nagpapahalik?” iniba niya ang tanong.
“Oo,” sagot ko.
“Pero ako?”
Tinitigan ko lang siya.
“Bakit... sa akin...”
“Iba ka.”
Tuwang-tuwa nanaman si Tita nang umuwi ako kasama si Jiro, lalo na nang nalaman niyang sa amin na `uli siya tutuloy.
Naisipan pala ni Jiro na ipa-renta na lang ang dating bahay niya. Kinabukasan, nagpunta kaming Bulacan para kunin ang iba pa niyang mga gamit.
Pinakiusapan namin si mang Jun at inarkila ang owner niya para makuha ang ibang mga gamit ni Jiro.
“Saan ba kayo sa bulacan?” tanong ni Prang kay Jiro na nakaupo sa likod. Nagprisinta siyang ipagmaneho kami nang nalaman ang aming plano.
“Sa Maycauayan ako, sa may bayan lang,” sagot ni Jiro.
“Baka liblib `yung lugar na `yan, ha?”
“Ito naman, nagprisintang mag drive, tapos puro reklamo. “ sabi ko sa tabi ni Prang. “Gusto ko naman kasing makipag-bonding `uli sa `yo, bihira na tayong magsama mula nang nag-college tayo.”
“Eh, pano naman kasi, gabi ka na lagi umuwi. Balita ko, sabi ni tita, may kinababaliwan ka raw na babae sa school?”
“Oo, may nililigawan ako, malapit ko nang mapasagot!” ngumisi siya sa akin.
“Nako, eh, `di kailangan mo nang itago `yung mga porno sa kwarto mo?”
Natawa ako nang tuktukan ako ni Prang sa ulo. Pati si Jiro ay natawa sa kulitan naming magkaibigan.
Pagdating namin sa bahay ni Jiro, nakita kong mas maayos ang lugar ngayon. Bagong pintura ang harapan nito at mukhang inayos ang ilang sira sa bubong at pader.
Pinapasok kami ni Jiro sa loob habang inilabas niya ang dalawang kahon at ang lalagyan niyang OroraCan na naglalaman ng mga damit at iba pang gamit.
“Sa tingin mo ba, okay lang na dalin ko lahat ‘to sa inyo? Hindi kaya magsikip lang ito?” tanong sa akin ni Jiro.
“Ano ba mga `yan?” tanong ni Prang.
“Mga damit, libro, ilang pinggan at kubertos at mga lumang gamit sa school,” sagot niya. “Yung malalaking gamit ko, tulad ng mga upuan at kama, iiwan ko na lang dito.”
“Sige, dalin mo na lahat,” sabi ko. “Katiting lang `yan, maluwag-luwag pa naman sa kuwarto ko eh.”
“Bakit? Magkasama ba kayo sa iisang-kuwarto?!” tanong ni Prang na nanlalaki pati butas ng ilong.
“Oo, bakit? Ikaw rin naman sa kuwarto ko natutulog tuwing nag-o-overnight ka, ha?”
sagot ko. “At least si Jiro hindi nagja-jakol habang natutulog ako!” tumawa ako.
“Uy!” nahiya bigla ang kaibigan ko! “Ikaw talaga, baka iba isipin ni Jiro, ha!?” agad s’yang nagpaliwanag, “Nanonood ako ng hentai noon! Mga porno! Hindi ako nagpapantasya d’yan kay Bicoy, ha!” pilit niya.
Muli kaming nagtawanan.
Ikinandado na ni Jiro ang pinto sa bahay niya. Ipinasok ko naman ang mga gamit sa likod, tapos ay sinamahan namin siya sa isang maliit na bahay na ilang kanto ang layo sa pinanggalingan namin.
“Tita Agnes? Nand’yan po ba kayo?” tawag ni Jiro.
“Mameng, si kuya Jiro po!” nakarinig ako ng boses ng bata sa loob.
Maya-maya pa ay bumukas ang pintong manipis at may sumilip mula sa likod nito.
“O, ano ba `yan?” tanong ng babaeng nakasimangot na may suot na blouse na gawa ni Tita Lucy. May bitbit siyang batang walang salawal. Nasa trenta anyos na siya, tantya ko, at mukhang naistorbo namin sa pagtulog.
“Tita, nakuha ko na po ang mga gamit ko sa bahay, eto na po `yung susi, pakibigay na lang po sa aarkila sa Lunes,” sabi ni Jiro. Kinuha ng tiyahen niya ang susi at napatingin sa akin.
“Ayan ba ang magbabahay sa `yo?” tanong ng ale na napatingin sa akin. “Bata pa, ha?”
Lumapit naman ako para magpakilala.
“Magandang hapon po, Victor po, kaklase ko si Jiro sa kolehiyo.” pakilala ko sa kaniya. Inabot ko ang kamay ko sa kaniya, pero hindi niya iyon tinanggap.
“Anong sasabihin ko sa nanay mo pag hinanap ka?” tanong niya kay Jiro.
“Hindi po ako hahanapin noon.” mahinang sagot ni Jiro.
“Eh, pa’no nga pag hinanap ka?!” tumaas ang boses ng babae.
“Kayo na po bahala,” sagot ni Jiro. “Pakisabi naglayas ako at nakipagtanan.”
Tumalikod na si Jiro noon at naglakad papunta sa aming sasakyan.
Pasunod na ako sa kaniya nang magsalita `uli ang tiyahen ni Jiro.
“Ingatan mo yang pamangkin kong `yan ha?” sabi niya. “Kahit bakla `yan, mabait `yan!”
“Alam ko po na mabait siyang tao,” sagot ko. “Kaya `wag po kayong mag-alala, aalagaan naming mabuti si Jiro.”